Chapter 5: Interview

14 0 0
                                    

"Mommy tapos na ba kayo maligo?" pagdating ko sa aming bahay ng pamilya ko rito sa Lingayen.


Nakauwi na ako rito sa Lingayen at dalawang linggo na ang nakalipas. Gusto ko man o hindi, gusto ko pa mag-stay sa Laguna ngunit ang mga schedule sa school ay hindi sumasang-ayon dito kaya napilitan na lang ako umuwi rito.


Nung mga nagdaang araw pinasa ang mga requirements at ngayon ang schedule ng interview. Friday ngayon at may pasok si Tita Luz nagpaalam ako sa kanya na ngayon yun magaganap at ni-goodluck naman niya ako


"Wait lang! nagbabanlaw na ako, alagaan mo yan saglit si Trishang." Trishang palayaw ni Trisha. Parehas kami ng aking kapatid na nagsisimula sa T ang unang letra ng pangalan para raw may "branding".


Umupo ako rito sa sofa sa aming sala at tinawag ko si Trisha na naglalaro ng kanyang mga laruan sa papag.

Maputi si Trisha nakuha niya ang skin tone ni mommy. Cute siya at hindi naglalayo ang mukha namin.


Siyempre saan pa ba magmamana edi sa kuya.


"Uyyyy! Kinder ka na sa pasukan! saan ka mag-aaral ey?" tanong ko sa kanya habang hinahawakan ko ang dalawang kamay niya.


"Diyan kuya ay ni! Yung malapit na school dito para samahan ako pumasok ni Lola. Sabi nga ni Lola gayahin daw kita eh." she replied.


Medyo hindi ko gusto ang sinabi sa kanya ni Lola ngunit hindi ko to pinaramdam.


Ayaw ko na maikomapara siya na kahit sa kahit na kanino. Para sa akin, hindi magandang gawain iyon. Kapag nagkumpara ka, hindi mo makikita ang kagandahan ng isang tao. We can appreciate without comparing. And appreciation without comparison, just means that you truly see the beauty of something.


"Alam mo Trishang hindi mo naman kailangan gayahin ako. Gagawin mo ang mga bagay na gusto mo dahil gusto mo hindi dahil yun ang ginagawa ko. I-enjoy mo lang ha!" Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang gusto ko iparating or what.


"Opo kuya!" At bumalik na siya sa paglalaro.


Sayang at malayo ang agwat ng edad naming dalawa kung mas napaaga lang sana siya dumating sa mundo baka nag-aasaran na kami.


Habang naghihintay may nakalagay sa center table na album at naintriga ako kaya naman binuksan ko.


"Angela B. Bartolome 7 SCC-B Pangasinan National high School." basa ko sa ID na nakalagay sa album na ito.


Owwww. So Special Science student din si mommy before, She looks so young here! Nakapasa si mommy sa entrance exam. Mas na-pressure tuloy ako.


Si mommy ang kasama ko ngayon na pupunta sa interview samantalang ang tatay ko naman ang mag-aalaga kay Trisha ngunit wala ngayon sa bahay si daddy dahil bumibili pa ng mauulam nila Trisha.


Tumunog ang aking phone. I opened it and I see what notified me.


/Saan na kayo? Sino kasama mo pupunta? Papunta pa lang kami...HAHAHAHAHAHAHA -Lea


/Paalis pa lang kami...hahahaah
-Ako


/Goodluck theo❤️
-Lea


I'm typing but then-



"Tara alis na tayo!" Si mommy na kakalabas ng kwarto at mabuti andito na rin si daddy upang makaalis na rin kami.


"Ingat kayo riyan Theo! Galingan mo ah!" Si daddy.

Reaching the Once UnreachableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon