Lyka's POV
Hello, Im Jhealyka Jeon..
Lyka for short. Kaibigan ako ni Nathalie at kaibigan ko din si Nathan na EX ni Althea..
Opo.
Alam ko na si Althea ang EX ni Nathan dahil walang araw na hindi namin pinag-usapan yang si Althea pati ng balak niyang makipagbalikan dito..Nandito kami ngayon sa sport center dahil sa olympics..
Nandito kami ngayon sa isang area kung saan ginanap ang larong archery..
Nasa ka bilang team lang sila Althea.
At kitang kita sa mga mata niya ang pag-aalala sa nangyari kay Baekhyun at ngayon ko napapatunayan na si Baekhyun na talaga ang mahal ni Althea....
"Ano itutuloy mo pa ba ang balak mong pagtatapat sa kanya?"tanong ko habang nakatingin sa kabilang grupo..
"Oo, bakit hindi naman sapat na dahilan ang pag- aalala ni Thea sa lalaking yan para masabing siyang ang mahal nito kasi hindi naman sila."sabi niya
"Paano kung sabihin ko sayo sila na?"tanong ko
At tinignan ito..
Tahimik lang siya at hindi nakasagot..
At patuloy lang sa pagtingin kay Althea na sa ngayon ay alalang alala sa kalagayan ni Baekhyun Oppa kahit minsan natatawa nalang si Baekhyun Oppa..
Siguro kasi natatawa siya sa pagka- oa ni Althea..
"Nathan, hayaan mo na kasi siya, sila,,, masaya na siya e, hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang na masaya na siya sa piling ng iba??"tanong ko
"Hindi, hindi ako titigil hanggat hindi ko mismo kay Althea naririnig na hindi na niya ako mahal.. kapag siya na mismo ang nagsabi na hindi na niya ako mahal. Hindi ko na siya guguluhin"sabi niya
"Bahala ka, pero binabalaan kita.. sa ginagawa mong yan? Pwede kang masaktan ng sobra"sabi ko
"Alam ko yun, pero di ba, mas maganda na yung masaktan ka kesa naman sa magsisi,?"tanong niya
Tumango tango nalang ako bilang sagot.....
Tumayo siya at pumunta sa pwesto nila Althea at hinila si Althea palabas ng area..Lumapit ako sa kanila....
"Bakit di niyo hinabol?"tanong ko
"Pinigilan kami ni Baekhyun e"pangangatwiran ni Nathalie.
"Waeyo?"tanong ko sa kanya.
"Huh?"tanong niya
"Bakit mo sila pigilan na habulin sila Althea at Nathan?"tanong ko
"Kailangan nilang mag-usap, alam kong siya yung ex ni Althea at gusto ko na mag-usap sila. Dahil kahit na sinagot ako ni Althea alam ko at nararamdaman ko na may nararamdaman parin siya para sa ex niya at mawawala lang yun kung magkakaroon sila ng maayos na closure,,, at isa pa, pinagkakatiwalaan ko si Althea at nasa sa kanya na yun kung gusto niyang makipagbalikan sa ex niya.. wala akong laban dun kasi siya ang first love, di ba nga may phrase na "FIRST LOVE NEVER DIES""sabi niya
"Wow, nice speech men"sabi ni Chanyeol Oppa kay Baekhyun Oppa.
"Tss,, syempre ako pa?"confident na sabi ni Baekhyun Oppa.
Natawa nalang kami sa inakto ni Baekhyun Oppa.
"Pero paano kung makipagbalikan si Althea o pumayag siya na makipagbalikan kay Nathan? Kaya mo ba? Kaya mo ba pag kung sa kalaing maghiwalay kayo ni Althea?"tanong ni Xiumin Oppa sabay kagat ng hawak niyang siopao.
"Hindi ko alam kung kaya ko, pero kakayanin ko at tatanggapin ko kung ano man ang maging desisyon ni Althea at magiging masaya nalang para sa kanila ..... ganun naman kasi pag mahal mo talaga ang isang tao e.. di bali nalang ikaw na ang masaktan basta masaya lang ang taong mahal mo.."sabi niya.
"Lalim ah?? Saan mo nahugot yun??"pabirong tanong ni Chen Oppa
"Nahugot ko yun sa puso ko"sabi niya sabay turo pa sa puso niya...
"Grabe tol ang corny mo na"sabi ni Luhan Oppa.
"Magtigil nga kayo... seryoso yung tao tapos kayo hinahaluan niyo ng biro'panenermon niya sa mga kasama niya..
"Tao? Sino?"maang mangan na tanong ni Tao Oppa.
"Ako! Bakit hindi ba ako tao?!"tanong ni Baekhyun Oppa.
"Ah,,, akala ko kasi ano e.."sabi ni Tao Oppa.
"Ano?!"mapanghamon na tanong ni Baekhyun Oppa
"Wala"sabi ni Tao Oppa sabay naghand gesture pa..
Nagtawanan nalng kami..
Kasi alam niyo yun.. yung tipong kahit sa seryosong usapan ay nagagawa pa nilang magbiro at kahit na may problema sila hindi sila nagpapatalo sa problema nila.....
Ano daw???
Ang gulo...
Basta pakiintindi nalang po...
Kamsa:)&******&********
Althea's POV
Nagkukulitan kami nila Baekhyun Oppa ng biglang may manghila sa kamay ko..
Pagtingin ko ay nagulat ako ng makita ko si Nathan..
Pero nawala din ang pagkagulat ko at bigla akong nakaramdam ng inis at galit......
"Ano ba bitawan mo nga ako"sabi ko huminto naman kami sa isang part ng sport center....
"Bakit ka ba nanghihila ha?"pasigaw kong tanong "di ba sabi ko see you on olympics?"tanong niya
"Huh?"naguguluhan kong tanong..
"Bakit hindi mo ba natanggap ang sulat at bulaklak?"tanong niya ..
"Ano bang ibig mong sabihin?, deretsuhin mo nlang kasi ako"sabi ko..
"Okay, ako yung nagpapadala sayo ng mga stuff sa school at sa bahay niyo.."sabi niya
"So ikaw pala ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng mga bashers at naging kilala at tampuhan ng tukso sa school..
Nathan,, hindi ka pa ba titigil.. nung una si Daddy tapos ngayon ako na mismo?" tanong ko
"Hanggang ngayon ba? ako parin ang sinisisi mo sa pagkawala ng papa mo?"tanong niya..
"Bakit hindi ba?"tanong ko at feeling ko may namumuo ng luha sa mga mata ko..
Hindi siya nakasagot at tumingin lang sa ibang direksyon...
"Oh? Ano? di ka makasagot ano?? Bakit? Kasi totoo at nagiguilty ka kasi alam mo sa sarili mo na ikaw ang dahilan kung bakit siya naatake sa puso at kung bakit siya nawala.. kung hindi mo siya sinagot sagot noon.. hindi sana siya aatakihin... kung nung simula palang nakinig ka na sa akin na hayaan nalang na hindi ako makasama sa lintik na vacation na yun... kung hindi ka sana nagpumilit.. e di sana hindi aatakihin ang daddy ko at sana nandito pa siya..."sabi ko at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko...
Hindi na siya nakasagot at nanatiling tahimik sa pagitan namin..
Minabuti ko na umalis na at pumunta nalang ng cemetery kung saan nakalibing si papa...
Matagal narin ang huli naming bisita sa kanya...
Yung sakit na naramdaman ko nung nawala si daddy ay bumalik.. lahat lahat at mas dumoble pa ang sakit....***********************************
Mapapatawad pa kaya ni Althea si Nathan??
Ano kayang magiging ending??
Aino kaya ang makakatuluyan ni Althea sa bandang huli?
Si Baekhyun kaya o magkakabalikan kaya sila ni Nathan...Hay. ..... pati ako di ko na alam ang magiging ending nito.....xD
![](https://img.wattpad.com/cover/32494281-288-k269376.jpg)
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer is My Ex-boyfriend
Teen FictionAno kaya ang pakiramdam ng magkaroon ng Secret Admirer? Sabi ng karamihan,lalo na ang mga may secret admirer,, Masaya at nakakakilig daw,Pero nakaka-curious, Naku-curious ka kung sino ba yung Secret admirer mo? Pero paano kung ang secret admirer mo...