*Alexandria's P.O.V*
Pagkatapos ng insidenteng yun, Hindi ko na pinansin ang kahit sino sa bahay, rebelious much? XD
Mas lalo na si Kuya at Mommy, nag sinungaling sila saakin, lahat sila alam, maliban ako, at ako naman tong si Tang* na umaasa, sayang lahat ng effort ko, in vain lang lahat ng ginawa ko. Pero, pag balik daw ni Daddy...Isasama daw niya ako sa America, at dun na titira.
Wala pang may alam nun, at balak ko na talagang umalis dito, Gusto ko nang mag bagong buhay.
At after 3 or 4 weeks, lagi-lagi na kaming magkasama nung mga kaibigan ni Drake, At napansin ko naman sa mga linggong yun, Andami nang nag bago, si Jenna, napansin ko na mag umingay na, at si Kim naman mas tumahimik, nag palit ata sila ng kaluluwa ni Jenna eh.
"Lex, pahiram ng phone mo." Sabi ni Kim sabay agaw nung phone ko, since alam nya password ko, ayun, bukas agad. Habang si Jenna tumatawa "Loka-loka ka na Jenna!" Sabi ni Chris "Atleast maganda." Sagot nya "Infairness naman sa confidence mo." Sabi ni Kim habamg binibigay yung phone ko.
"Uy, tara punta tayong tambayan!" Sabi ni Lance, sabay hila sa braso ko, pati na din sila Kyle at Chris, habang si Josh naman naka ngiti lang "Wag nyong saktan si Alexa, sasampigain ko kayo." Sabi ni Kyle at nawala yung ngiti nya "Yes Boss." Sabi nilang dalawa.
Kinaladkad nila ako palayo habang ako naman, walang alam sa ginagawa nila "Ano ba yun?" Tanong ko sabay hampas sa kamay nila "Aray, kakain lang naman tayo eh." Sabi ni Lance. Napa ngiwi ako "Patay gutom ka talaga." Sagot ko ng mahina, pero alam kong narinig nila kase tumawa si Kyle at Chris.
"Ang sama mo Alexa! Ako na nga tong nag yayaya, ayaw mo pa?" Sabi nya sabay bitaw sa braso ko "Uy joke lang naman, eto ambilis mag tampo eh." Sabat ko habang hinihila yung kamay nya "Sorry naaaaa~" Pacute kong sabi.
At yun, nakarating na kami sa tambayan nila at pinaupo muna ako, pero bigla nalang napa kamot sa ulo si Chris at Lance "Shet, naiwan namin lunch namin sa classroom. Wait lang ha?" Sabi ni Chris, sabay hatak kay Lance palabas.
"Ako nalang bibili ng lunch natin, dyan ka lang ha? Kahit na labag to sa loob ko." Sabi nya, tas mahina dun sa huling parte kaya di ko narinig "Ano yung sabi mo?" Tanong ko, umiwas tingin nalang sya at tumango "Walaaaa, sabi ko ang pogi ko." Sabi nya sabay ngiti "Ha.Ha.Ha self-concieted ka talaga Kyle!" Sigaw ko sabay tulak sakanya palabas "Bumili ka na nga!" Sabi ko sabay sara sa pintuan.
Haaaayyy, iniwan na nga ako mag isa dito, kumakalam pa tyan ko. Tss, maka laro nga ng Plants versus Zombies. Oo na, bata na kung bata, ang hirap kaya.
"Mamatay ka na Dr. Zomboss!!!" Sigaw ko habang tutok na tutok sa phone ko. At after ilang minuto, Biglang nag vibrate yung phone ko, sabay nag black out, biglang may nag bukas ng pintuan at yung phone ko naman, biglang may pop up na nakakatakot na-- SH*T!!!
"KYAAAA!" Napa irit ako, hagis ng phone ko, sabay takbo dun sa pintuan at niyakap ang kung sino man yung taong yun. Naiyak ako kase sobrang nakaka takot. "Okay ka lang, Alexa?" Tanong nung lalakeng yakap-yakap ko.
Wait...Parang pamilyar tong boses na to ah?
...
Pakshet, sino ba tong niyayakap ko ngayon?
Tinignan ko yung mukha nung lalake, at nakita ko si..."D-Drake?" Tanong ko habang nanginginig yung boses ko dahil parin sa takot. "Anong nangyari, bakit ba?" Tanong nya habang hinihimas yung likod ko "S-Sorry...A-A-An-Ano kase...Y-Yung...Yung ph-phone k-k-ko..." Di ako makapag salita dahil sa sobrang kaba.
"Wait titgnan ko." Sabi nya. Pero di ako bumitaw sa pag kakahawak sa tshirt nya "W-Wag mokong iwan." Sabi ko habang nakatago yung mukha ko "A-Ah sige." Sagot nya sabay halik sa noo ko. "D-Drake?" Tanong ko habang naka tingin sakanya. Nag bu-blush na ata ako! Cover! Cover!!! Itinago ko nalang yung mukha ko sa chest ni Drake, wow muscles-- ANO BA ALEXANDRIA CRUZ! MGA NAIISIP MO EH!
Biglang kumalabog yung pintuan "ANDITO NA KAMI~" Sigaw ni Jenna, pero tumigil din, nung nakita ako na namumula habang umiiyak sa dibdib ni Drake "A-Alexa? Okay ka lang?" Tanong ni Kyle, habang ako, humahagul-gol lang ng iyak.
"Guys, Trauma na abot nya neto." Sabi ni Chris "Tara kain nalang tayo, mawawala yang takot mo." sabi ni lance, sabay hatak kay sa braso ko "Lance, naiyak na nga yung tao, Ginugulo mo parin!" Sabat ni Josh sabay tanggal sa kamay ni Lance sa braso ko.
"Tara, Para gumaan loob mo, punta tayong music room, may sasabihin din pala ako." Sabi ni Kyle, sabay hatak sa kamay ko.
*Drake's P.O.V*
Okay, Something smells fishy.
At dahil sa sobrang curious ako, Sinundan ko yung dalawa sa Music room. Dahil sa sound-proof yung room, Pumasok ako ng pasikreto at nagtago dun sa vocal section "Ano bang sasabihin mo?" Tanong ni Alexa.
"Ano kase....Ano kase...Ummm..." Wow, may pa stutter stutter effect pa yang si Kyle ah! "Bilis, sabihin mo na, a-a to, may gagawin pako." Sabi ni Alexa, andaming rason eh.
"Gusto kita..." Sabi ni Kyle.
Paking shet.
---
Okay, Stay tuned for the next update!
Please vote, comment and be a fan!
BINABASA MO ANG
living popular
Romance"winning is everything" ika nga nila, pero worth it parin ba iyon kung may natatapakan ka na? ©baeyuntae