Chapter 4

245 5 0
                                    

*Alexandria's P.O.V*

"...Gusto kita." Sabi naman ni Kyle. "Ungas ka, wag mo nga akong  pinag lolo-loko! Umayos ka! Ano ba yun? Sabihin mo na!" Sabi ko habang tinutulak sya "Totoo nga yung sinasabi ko." Seryoso nyang uli "NAK NG, KAYO KAYA NI KIM! GUSTO MONG TUKTUKAN KITA DYAN?!" Sigaw ko.

"Break na kami, last week pa." Bigla nyang sabi "Walang hiya ka--" pinutol nya ako.

"Seryoso ako." Ulit nya, ano sirang plaka lang ang peg?! At sa bilis ng pangyayari, halos di nako naka galaw. Kase bigla nya akong hinatak, at inilapit nya yung mukha nya saakin, halos 1 inch nalang at mag kakadikit na yung mga noo namin. Nanlaki nalang yung mga mata ko at di ko na nagawang kumilos para itulak sya.

"HOY TARANTADO KA KYLE! BITAWAN MO SI ALEXA!" Sigaw ng isang pamilyar na boses. Kyle, yung ulo mo naka harang, tabi nga! Pero bago ko pa sya maitulak palayo, biglang may sumuntok sa Oh-So-Handsome facelaks nya, at yun ay walang iba kundi si "Drake?!" Sigaw ko.

Nakikita kong nanlilisik ang mga mata nya sa sobrang galit, pero bakit naman sya galit? "Isang beses mo pa syang hawakan, papatayin na talaga kita!" Sigaw nya uli. At dun, napatingin ako kay Kyle at nagulat.

Pano ba naman, dumudugo yung labi nya, tas may sugat sya sa kanang pisngi. San ba gawa yung kamao mo Drake at nakaka sugat? Gawa ba yan sa kutsilyo? O kaya sadyang gawa sa marshmallow yung pisingi ni Kyle kaya ambilis masugatan?

ALEXANDRIA, FOCUS! May nag bubug-bugan na sa harapan mo, eto parin iniisip mo? FOCUS!

Kung saan saan na lumilipad isip ko eh.

"TAMA NA ABA!" Sugaw ko ng sobrang tulin at dahil dun, napa takip si Kyle at Drake ng tenga "Kung mag aaway lang kayo, wala naman talaga akong pakealam, basta wag kayong mandamay ng iba. Pero, hindi naman ata pwedeng mag aaway nalang kayo ng walang rason!" Patuloy kong sigaw sakanila na parang nanay na pinapagalitan ang anak.

"ANONG WALANG RASON?! KAYA AKO NAGKAKAGANITO AY DAHIL SAYO, DI MO BA NAIINTINDIHAN?! GANON KA BA TALAGA KA CLUELESS AT HINDI MO NAPAPANSIN?!" Sigaw ni Drake saakin. "Oh kalma lang!" Sabi ko "Pano ko naman malalaman eh kung ang lagi mo nalang ginagawa ay umiwas?! T*nga ka ba?" Tanong ko.

"EH KASE MAHAL KITA! KAHIT NA PATULOY MOKONG SINASAKTAN, MAHAL PARIN KITA!" Sigaw uli ni Drake. Paking tape, ANO TO?! FACE TO FACE?

"Hoy wala ka sa magpakailanman para mag drama! Bat ba kayo ganyan? Ha?!" Tanong ko uli "MAHAL KASE KITA!" Sagot nya. Natameme nalang ako.

Namula lang ako sa sobrang hiya ko. Awkward.

"At ikaw naman Kyle, ano naman yung dahilan kung bakit ka nag ka ganyan?" Tanong ko para mawala yung tension. Huminga naman sya ng malalim, at biglang ngumiti, kahit na dumudugo na ang labi nya.

"Nag plano kami nila Kim, Jenna, Lance, Josh, at Ako na pag balik kayo sa dati nyong pagkakaibigan." Paliwanag ni Kyle. Putriangle! So all the time, pinag tutulungan nila kami?! Nagpipigilang ako ng galit, kung may punching bag lang sana--

"Dun sa Gym, may punching bag, katabi lang ng music room." Sabi ni Drake "Parang di ko saulo yung school no?" Sabat ko, at bigla nalang akong tumakbo papuntang Gym room.

Pagka pasok ko, buti walang tao. Nahanap ko na kaagad yung punching bag, kaya dere-deretso ako papunta dun. Bigla akong namula sa galit at sinuntok ang punching bag ng sobrang lakas. Pwede nakong maging Manndria Paquiao II.

Bigla naman akong lumabas, at baka may makakita pa saakin dun, at baka mahuli ako dun sa punching bag "Okay na!" Sigaw ko ng naka ngiti "Kamusta yung punching bag?" Tanong ni Lance. Kailan pa yan naandyan?

"Okay lang sya. Kyle, So lahat kayo nag plano nito, except saakin at sa lalakeng gunggong na to?" Tanong ko habang tinuturo si Drake.

"Hoy sinong Gunggong?!" Tanong ng pagalit si Drake at inirapan ko nalang sya "Nakaka asar kayo! Wag na nga kayong lumapit sakin!" Sabi ko habang pataray na inirapan sila. Mami-Miss ko sila, yung mga kakulitan nila, at mas lalo naman...Si Drake.

"Oy ginawa lang naman namin yun para sainyo eh!" Sabi ni Jenna "Aba, sino bang nag sabi na gawin nyo to?" Tanong ko at napakamot nalang sa ulo si Jenna. "O sha, Forgiven na kayo. At Ikaw! Madami tayong kailangang ayusin!" Sabi ko sabay hatak sa collar ni Drake at hinila siya palabas ng music room.

"Drake, tapatin mo nga ako, totoo ba yung mga sinabi mo kanina?" Tanong ko "Di ka naniniwala? Pwes, ipapakita ko na seryoso talaga ako." Sabi nya habang...

*Drake's P.O.V*

Habang papalapit ako ng papalapit sakanya, inisip ko, wala nang atrasan to!

Bigla ko syang niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal talaga kita, kaya please, maniwala ka saakin. Even if this sounds stupid but, I'm trying to surpass you because I want you to admire me, but whatever I do, You're just too intelligent and great. So I'm willing to give up being the Top 1." Sabi ko habang hinihimas yung buhok nya na sobrang ganda.

Naramdaman ko na basa yung tshirt ko, kaya napatingin ako kay Alexa, at yun sya, umiiyak. UMIIYAK?! WHAT THE FUDGE? Bigla naman akong nag panic at tinaas ang ulo nya.

"Okay ka lang? Baket ka umiiyak?" Tanong ko sakanya, pero di parin sya tumitigil "S-Salamat. Pero, handa din akong mag give up sa Top 1 title ko. Wala namang kwenta kung magpapatuloy parin ako sa pag pupursige, si Daddy..." Sabi nya, anong meron sa Daddy nya?

"Anong nangyari sa Daddy mo? Akala ko ba patay na sya?" Tanong ko uli. Bad move dude, bad move.

"Buhay pa daw sya, sabi ni Kuya James. Lahat sila Alam, pero ako lang hindi. At yung dahilan kung bakit ako nag tya-tyaga para maging top 1 lagi para sakanya, pero, in vain lang pala lahat ng efforts ko, kase buhay naman pala sya. Atsaka......"

"Ano? Sabihin mo." Sabi ko "Wala. Basta." Sagot nya at ngumiti.

Niyakap ko uli sya "Okay lang yan. May rason kung bakit nila yun itinago saiyo. Kailangan mo lang maintindihan ang mga pinag dadaanan nila habang tinatago nila yun saiyo, malamang nasasaktan din sila." Sabi ko habang naka ngiti.

"Alam mo, Ang bait mo talaga, Bestfriend. Yan dahilan kung bakit ako nagka gusto say--" Bigla niyang pinutol yung sinabi nya, At napatakip sa bibig nya. Did I hear it right? DID I?!

"T-Totoo ba--" "WAAAH, WALA YUN!" Tili nya habang nag pa-panic "Takte, ansakit sa tenga yang tili mo eh." Sabi ko habang nakatakip yung kamay ko sa tenga ko.

"Pero, nagkagusto ka saakin?" Tanong ko habang nanlaki yung ngiti ko. "Ummm..." Hindi sya maka sagot "Bilis na, aminin mo na kase." Pag pipilit ko habang kinakalabit ko sya.

"Kase....Ummm..."

---

To be continued :D

Please vote, comment, and be a fan :)

Wait, Baekhyun (Kyle), Chen (Chris), and Xiumin (Lance) in Weekly idol, High note battle. YEHET! XIUMIN ❤

living popularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon