Chapter 5

228 6 1
                                    

*Kim's P.O.V*

"...Oo, Gusto kita." Sabi ni Alexa kay Drake. WOOHOO! MISSION SUCCESS KAMI! Napatalon kami sa tuwa habang nag tatago, Oo sinundan namin sila hanggang dito sa tambayan.

At we expected the good news, which is this! Yes! Mag kaka love life na din si Alexa sa wakas, napaka pakipot kase ng babaeng yan eh. Lahat ng lalakeng nag lalakas ng loob para ligawan sya, eh kami lang ni Jenna ang humaharang, habang sya, hanggang ngiti at titig nalang.

Pero dahil mabait ang kanyang mga admirers, binigay lahat ng mga regalo nila sakanya kaya punong-puno ang locker, bag, at kahit ang desk nya puno ng mga galing abroad pa na candies, chocolates, teddy bears, at kung ano ano pa.

Pareho lang sila ni Drake, Gosh, ang hirap ng pinapatakbo nilang buhay eh. "Kim, Pano ba yan, Nagawa natin silang ipag balik!" Sabi ni Jenna habang naka ngiti sa sobrang saya "Haha oo nga! Tara mag pa-party tayo!" Sabi ko sabay hila sakanila paalis.

"Tara, may aayusin pa tayo." Sabi ko at tinignan lang nila ako "Huh? Anong asyusin?" Tanong ni Chris "Etong tambayan nyo. Mission Success tayo eh!" Sabi ni Jenna habang naka ngiting tagumpay "OH TALAGA?! TARA MAG PARTY TAYO!" Sigaw ni Josh at nag tata-talon sa sofa.

"Bilis, kami nalang ni Kyle yung bibili ng kailangan para sa decoration." Sabi ko tas umalis na kami para bumili ng decorations "Ikaw Lance at Chris, bumili kayo ng tatlong Cake, apat na Mug na softdrinks, carbonarra, at kung anong pwedeng kainin na masarap." Sabi ko at bumaba naman sila kaagad. At umalis na kami.

*Jenna's P.O.V*

YESSS! THE PLAN IS A VERY BIG SUCCESS!

Sa wakas, di na din namin makikitang mag away yung dalawang yun. At after 1 or 2 minutes, inayos na namin ni Josh yung tambayan, at hinihintay nalang namin si Lance sa pagkain.

Biglang narinig ko yung boses ni Drake na papalapit. "They're here!" Sigaw ko, sabay gulo sa mga gamit, at text kila Lance, Kim, at Kyle na andito yung dalawa. Sinignalan ko naman si Josh na ibalik yung mga gamit sa dati nitong order.

Bigla naman akong umupo at saktong natisod ako sa isang balat ng candy. Napapikit nalang ako at hinihintay yung impact ng sahig pero wala akong nararamdaman. Lumulutang bako?

"Imulat mo yung mata mo." Pagkamulat ko, nakita ko yung mukha ni Josh na sobrang lapit saakin, at saktong naandun din sila Alexa at Drake. Grabe, nakakahiya! Stupid candy wrapper!

"Ah, eh ano...Ano kase...Nadulas ako eh!" Sabi ko habang nangingiwi sa hiya "Josh, mag paliwanag ka din a-a to!" Sabi ko at hinampas sya sa likod ng malakas "Tae ansakit mo mang hampas!" Sigaw ni Josh "Eh alangan naman ako lang yung nag sasalita dito?" Sabi ko.

Huminga nalang siya ng malalim "Oo, nadulas sya sa isang candy wrapper, at saktong malapit ako, kaya sinalo ko sya, kaysa naman sa mag ii-iyak sya dyan, mas nakaka asar yun." Paliwanag ni Josh at napangiti naman ako "So, walang malisya okay? Sige alis na kayo dito! Josh samahan mo sila sa soccer field!" Sabi ko sabay tulak sakanila paalis.

Haay, buti makakapag ayos nako ng tahimik. Pero...Grabe, bakit kaya lumukso yung tibok ng Puso ko nun? Oh well, baka kase kinabahan lang ako na baka mabuking yung party namin.

Nilock ko muna yung pinto para walang sagabal. At nag ayos nako ng nag ayos. At biglang may narinig akong katok sa pinto "Jenna? Josh? Pabukas! Si Kim to!" Sabi nung boses sa labas. Pagkabukas ko, bumungad ang pag mumuka ni Kim at Kyle habang bitbit nila ang mga decorations.

At pagka pasok nila, biglang humarurot ng takbo si Lance papunta saamin "Oy ano wala kayong balak tumulong sa pag bitbit ng mga pagkain?" Tanong nya "Asan ba?" Tanong naman ni Kyle, tinuro ni Lance yung apat lalakeng bigat na bigat sa mga pagkain at si Chris na bitbit ang apat na box ng pizza. Everyone loves pizza!

"Thanks bro! Promise, Imemention ko kayo sa facebook bukas." Sabi ni Lance at natuwa naman ng husto yung lalakeng tumulong at umalis na. Lahat naman kami nakatingin lang kay Lance "Hoy ano nanaman yang mention mention na yan?" Sabi ni Kim sabay batok kay Lance "Ouch! Hey why did you do that?" Pagalit na sigaw ni Lance.

"Antamad nyo talaga kahit kailan!" Sabi ni Kim "Wag mokong idamay, Nag bitbit ako ng apat na pizza." Sagot ni Chris "Oy tara mag ayos na tayo, baka dumating na sila eh." Singit ni Kyle "Can you not?" Sabi ni Kim "Tama na aba! Come on!" Yaya ko habang kinukuha yung mga decorations.

Pagkatapos ang isang oras ng pag aayos at pag hahanda ng pagkain "Bro, bat ba tayo nag handa ng ganito kalaki? Kailangan ba talagang bigating pagkain pa bilhin? Daig pa birthday ko eh." Sabi ni Kyle "Talaga lang ha! Nahiya naman kami sa birthday celebration mo sa London, at nag dinner pa kayo sa pinaka mahal na restaurant doon, tas halos libutin nyo na din yung buong Korea." Sabi ko.

"Oo nga, Rich kid much." Sabi ni Kim "Nahiya naman kami sa nag pa reserve sa buong boracay for a week! Imagine mo? Solong solo mo yung buong island, at nakapag shopping ka pa, at andami mo sigurong nakain dun?" Sabi ko. "Kay Chris naman, na-cast sa isang sikat na movie na The Avengers, imagine mo, sya si Captain America!" Sabi ni Kim "Wow, Hollywood star na sya!" Sigaw ni Lance.

"HA! Wala kayong mailalaban saakin! Dahil sa bahay lang ako nag celebrate!" Dagdag ko "Weeh? Pagkakaalam ko nga eh nasa Hollywood kayo nun." Sabat ni Lance "Oo nga, pero sa bahay kami nun." Sagot ko "At ikaw naman Lance, nasa new york, nakikipag usap kay Ariana Grande at Big Sean. Wow, parang meet and greet lang eh! Naibalita ka pa nga sa TV nun, Isang Pilipino, Nakipag usap kay Ariana at Big Sean na parang mag kaibigan lang. Big time!" Sagot ni Kyle.

At sa oras na yun, biglang may kumatok sa pintuan. "Sino yan?" Sigaw ko "Si Josh! Andito din sila Alexandria at Drake." Sagot ni Josh. "WALANG TAO!" Sigaw ni Lance at lahat naman kami nagkagulo at nagtago, habang si Kyle, binuksan yung pinto, sabay patay sa ilaw at tumabi saamin at nakitago.

---

Okay, Moving on to the next chapter!

Please vote, comment and be a fan! XD

V (Drake) amd Jimin (Josh) Arguing about the prnounciation of 'Beach' XDD HAHAHA V's reaction is Priceless xD

living popularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon