Chapter 2

427 7 1
                                    

*Kyle's P.O.V*

Andito nanaman kami sa Tambayan as usual, but, Chris and John is not here, may basketball game sila ngayon, habang si Lance naman kain ng kain na parang mawawalan na ng pagkain sa buong mundo bukas, si Drake naman, busy sa pag gawa ng science project nya, at ako, Busy sa pag text sa girlfriend ko.

Everyone, I would like you to meet, Kimberly Perez, At sa mga nagtatanong, Oo sya yung isa sa mga Bestfriend ni Alexandria, yung 'Forever' na kalaban ni Drake.

Madapa sana lahat ng mga naniniwala sa forever. MADAPAKA!

"Kyle? Samahan moko sa cafeteria." Sabi ni Drake "Pano naman tong si Lance na wala nang ibang ginawa ay kumain?" Tanong ko at biglang napatingin sakin si Lance "Masama kumain? Bat parang ikaw di nakain eh." Sabat nya "Oh galit ka na?" Tanong ko "Baket, Muka ba akong galit?" Tanong nya sa tanong ko "Wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko." Sagot ko at tumuloy nalang sya sa pagkain "La akong pake." Sabi nya.

Binatukan ko sya ng pagka lakas, kaya halos mabilaukan-- ay hindi, Nabilaukan na pala sya. Wow, ngayon lang ako nakakita ng taong nagiging violet "Hoy wag mo lang syang titgan! Halos mamamatay na sya oh!" Sigaw ni Drake habang nagmamadaling kumuha ng tubig.

Pagkainom ni Lance ng tubig "BAT MO YUN GINAWA?!" Sigaw ni Lance "Alam ko bang mabibilaukan ka?" Tanong ko sa tanong nya, HAHAHA! REVENGE DUDE! REVENGE! "Fakeyou, Ang mas magaling pa don ay, di mo pako tinulungan. Ano ba talaga gusto mo?" Tanong nya "Ano nga ba gusto ko?" Tanong ko uli sa tanong nya "Hoy nakaka dalawa ka na!" Sigaw nya.

"Eh ikaw kase, Ampanget mo." Sabi ko habang hinihila si Drake palabas ng tambayan "Hoy, Atleast mas gwapo ako sayo." Sagot ni Lance "Wag masyadong mag assume, nakakamatay!" Sigaw ko at tuluyan nang pumuntang cafeteria.

"Ano ba gagawin mo dito sa cafeteria?" Tanong ko kay Drake "Kakain, ano pa ba?" Sagot nya "Wooow, Mas matanda kami sayo, onting respeto naman." Sabi ko. Habang napila kami, andami kong naririnig na babae "Uy magkamuka talaga sila no? Ang gwapo nila! Pero too bad, taken na si papa Kyle! Bestfriend pa naman yun ni Alexandria na pinaka magandang babae."

O.A naman tong mga palakang to. "Si Drake, grabe ang pogi talaga nya! Kung magiging boyfriend ko sya, Edi pwede nakong mamatay!" Sabi nung isang babae "Edi mamatay ka na." Bulong ko at napatawa nalang si Drake.

"Hoy, bilisan nyo." Sabi nung nasa likod namin "Aba, pakealam mo ba?" Sigaw ni Drake, at pagkatalikod nya, kita kong nag iba agad ang expression nya, parang...Nagulat.

Pagka lingon ko, andun si Alexandria, Kim, at si Jenna. Ahhh, Kaya pala! Etong batang to, di pa talaga sya nakakapag move on sa friendship nila ni Alexandria.

"Yung pila, Naiwan na kayo." Sabi uli ni Alexandria, Ang tapang talaga ng babaeng to kahit kailan, at dahil din dun nainlove si Drake sa-- Sh*t spoiler ako masyado.

Ugh, erase erase!!!

*Lance's P.O.V*

Iniwan nanaman ako nung dalawang yun dito sa tambayan. "Whatever, kakain nalang ako." Sabi ko sa sarili ko habang kinukuha ang libro ko at tinuloy ang pag kain ko habang nag babasa. Yung story kase na to ay tunggkol sa Babae at Lalake na bestfriends noon, pero nagka-away at biglang isang araw ay dumating ang kanilang mga guardian fairy, at in an unexpectedly way, tinulungan sila para maging magkaibigan na uli, at sa huli ay nagka aminan na sila na may gusto sila sa isa't-isa. The end. Corny no?

Pero kahit corny, pangatlong beses ko na tong nabasa, di ba halata?

O sha, nag mumuka nakong t*nga dito na kinakausap ang sarili ko.

*Alexandria's P.O.V*

Kina-umagahan, nag suot ako ng jeans as usual at white mickey mouse sleeveless tee, bilang conservative na babae, nag suot ako ng red jacket at doll shoes.

"Xander? Xander! Bumaba ka na dyan!" Sigaw ni Kuya galing sa baba. Oo, Xander, AleXAND + ER = Xander. Ito ang tawag nila saken sa bahay, at walang nakaka alam nun maliban sa pamilya namin. Tomboy daw kase ako, gawa ng kilos ko. Pero sa school, ginagawa ko ang lahat, para lang sa kapakanan ng aking--

Okay, O.A na.

Pero, ginagawa ko talaga ang lahat para hindi ako bumukaka tuwing nag c-classes. Sagwa kaya.

Then, sumakay nako sa private car namin at sinalubong ako ni Kuya na naka pang bahay pa na damit. "Ano ba yan Kuya James, Mag bihis ka naman oh!" Sigaw ko kay Kuya James "Baket? Di naman ako lalabas eh." Sabi nya habang pinapa andar yung kotse.

"Xander, may aaminin ako. S-Si Daddy, buhay pa daw sya. Sabi ni Mommy na secret daw muna namin to, hanggang sa umuwi na si Daddy galing America. Sorry Xander."

S-Si...Si Daddy...buhay pa?

Nag sinungaling kayo saakin.

Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mata ko, pero agad ko naman tong pinunasan para hindi makita ni Kuya. Bwiset na buhay to! Sa buong taon ng pag pupursige ko sa pagiging Top 1 palagi, ETO LANG?! ASTIG NO?!

Humarap nalang ako sa bintana at patagong umiyak. At dahil dun, naka tulog ako.

"Xander, Dito na tayo! Hoy gising!" Niyugyog ako ni Kuya James kaya bigla akong nagising "Bakit ba?" Sigaw ko "Gusto mo bang ma-late? Akala ko ba Top 1 student ka?" Tanong sakin ni Kuya "Shut up, I wanna sleep." Sabi ko at muling umiglip, hanggang sa niyugyog nanaman ako ng bwiset kong Kuya "Ano ba Kuya?!" Sigaw ko, pero pagka mulat ko, si Kyle na pala-- WTF?! Ginagawa ng mokong na to dito?

Napatulala nalang ako "Alexandria!" Sigaw nya, Napatingin ako sakanya "Huh? Baket?" Tanong ko "Uhhh, Classes na, hinahanap ka na ng teacher, tas saktong pumunta sa classroom yung Kuya mo...naka...Pambahay, tas tinawag ako para gisingin ka." Explain nya, pero walang napasok sa utak ko, except for one thing.

"Patay sakin si Kuya." Sabi ko at bumaba nako sa kotse at pumunta nang classroom, kung saan nakita ko yung Math teacher namin na nag tu-turo na ng trigonometry. Easy as pie.

Nag Bow ako as respect "Sorry I'm late." Sabi ko at napatingin naman ang lahat saakin at dahil sa wala ako sa sarili ko, muntik na akong madapa "Sorry." Sabi ko tas dumiretso ako sa upuan ko.

Pinatong ko nalang yung ulo ko sa desk, buti nalang mahaba buhok ko kaya natatakpan yung mukha ko "Psst. Hoy Josh wag kang kumopya! HOY CHRIS BITAWAN MO YAN! Lance, tulong naman oh!" May sumisigaw sa likuran ko, ang ingay naman. "Ingay nyo..." Sabi ko pero mahina ng onte "At Ikaw naman, Umupo ka nga muna sa ibang upuan, dun ka kila Jenna at Kim, dito muna uupo si Lance." Sabi habang kinakalabit ako.

Hindi ko pinansin, at bigla kong naalala lahat ng sinabi ni Kuya James. Si Daddy, buhay pa? Takte naman oh! Bat di ako na inform? Unfair naman eh! Bat sila lang ang nakaka alam?

Feeling ko tumutulo nanaman yung luha ko, pero wala na akong pakealam, kung may maka kita man o wala, I don't care anymore, I'm done with my life.

Bigla naman akong may naramdaman na malakas na kalabog sa upuan ko, at biglang halos mahulog nako.

Inayos ko yung buhok ko, At yun, Naexpose yung mga fresh tears ko, At napatingin ako dun sa gumawa nun "ANO BANG KAILANGAN MO HA?!" Sigaw ko. At walang duda, Si Drake yun. Nanlaki ang mata nya, Sa sobrang laki at pwede nang pang world record, Joke.

"ANO?! SIGE GULUHIN MO PA AKO, WALA NA AKONG PAKEALAM! IKAW NA TOP 1!" Sigaw ko at ayun, patuloy na natulo yung luha ko ng walang tigil na parang Forevermore. Habang sya naman, hindi na gumagalaw na parang The Man who can't be Moved.

"O-Okay ka lang?" Tanong sakin ng tarantadong lalaking yun "Di ko din alam eh." Sagot ko ng mahinahon. Habang yung iba, nanonood sa drama ko. At dun na umakyat ang hiya ko. Shiiizzz! Nakaka hiya!

"Umm, Excuse me po." Sabi ko sa ay takbo palabas ng classroom. Nang makarating ako sa isang abandoned classroom, walang tigil akong pumasok. After a few minutes, Biglang may humawak sa braso ko at hinarap ako "Andito lang ako, Alexandria. Umiyak ka lang hangga't sa gusto mo." Sabi nya, sabay yakap sakin ng mahigpit na parang ayaw na nya akong bitawan uli.

Di nako nakapag salita. "Salamat...

...Kyle..." Sabi ko habang tuluyan nakong umiyak.

---

Dramatic much right? XD

LET'S END THE STAGE 1 DRAMA, AND START THE STAGE 2 DRAMA!

Thought that It's Drake who became Her Knight and Shining armor eh? XD

Please vote, comment, and Be a fan :)

living popularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon