Chapter 7

380 9 0
                                    

*Drake's P.O.V*

"Drake!" Sigaw ni Alexa, kanina pa niya sinisigaw pangalan ko, Di na nag sawa "Mamaya ka na, I need some time alone." Sagot ko "Ano pang problema mo? Bat ka ba nagagalit?" Tanong nya. Sh*t! After all that I have said, Di parin nya gets?

"Di mo talaga alam kung ano na nangyayari. Mas mabuti pa kung kalimutan nalang kita. Paka manhid mo, nasasaktan na nga yung tao, wala ka paring pakealam." Sabi ko at sya naman, hinila yung collar ko, Hilig ng babaeng to mang sakal eh!

"Teka nga, bat ako na yung may kasalanan ngayon ha? Liwanagin mo kase!" Sagot nya ng pagalit, Ouch, sinakal na nga ako, manhid parin? Ansakit naman, san ba pinag lihi tong babaeng to at wala ata tong puso.

"Alam mo, I don't care anymore! Lagi ka nalang ganyan, Walang alam, kung hindi, naguguluhan, Ano ba gusto mong palabasin? Na para lang akong t*nga na humahabol sa wala? Wala ka bang puso? Ilang beses ko nang sinabi ng paulit-ulit, pero bakit walang tumatatak sa utak mo kahit isa man lang? MAHAL KITA! Jusko, pang ilan na ba yan ha?" Sabi ko.

Natigil naman sya sa pag sasalita, siguro naintindihan na nya this time. Bigla syang napa iling "Alam mo, Ang gulo mo. Maiwan na nga kita dyan." Sh*t, BAKIT BA NAPAKA MANHID NYA?! Okay, Starting from now on, I'M REALLY GOING TO LET GO! Nakaka pagod na syang intindihin ng paulit-ulit!

Biglang may tumulong luha sa kaliwa kong mata "Sh*t, ansakit talaga." Sabi ko habang pinupunasan yung luha ko na walang tigil na sa pag tulo. Nakita naman ako ni Kyle, at nawala yung ngiti nya, napalitan ng awa "Bro..." Sabi nya, habang papalapit ng papalapit sakin.

Wala na akong pakealam, mag paka saya na sila ni Alexa. "Bro...Sorry talaga." Sabi nya, sabay yakap sakin. Wow, pag may makakita samin ng ganito, baka isipin nila ja may secret affair kami. Yuck, baka kumalat pa na bakla kami.

"Bro, alam kong pogi ako, wag kang mag take advantage dahil sa umiiyak ako." Sabi ko sabay tawa, tapos yumakap na din sakanya ng mahigpit. PAKING SHET! BAKLA NA KUNG BAKLA, Kailangan ko ng kaibigan para iyakan! Takte yan!

Umiyak nalang ako ng umiyak "Bro ang sakit! ANG MANHID NG BRUHANG YUN! Pero kahit na ganun sya, Mahal ko parin sya! Bakit ba ako nang humaling sakanya ng ganito?! Bro, bakit!" Tanong ko "Naiintindihan kita. Ganyan din yung reaksyon ko...Kung alam mo lang kung pano nya ako binasted." Sabi nya.

*Flashback*

"Alexa! Bakit ba ayaw mong maniwala? Talagang gusto kitang makasama, Mahal kita, anong hindi mo maintindihan doon?" Sigaw ko kay Alexa "Alam mo Kyle, Itigil mo na yan, please lang, ayokong masaktan ka. Kaibigan kita, at hanggang dun lang talaga ang kaya kong ibigay sayo. Sorry pero, Si Drake ang mahal ko, wala nang iba." Sabi nya sabay talikod at tuluyan na siyang umalis.

*end of flashback*

"Ambilis lang ng process no?" Sabi ni Kyle. Haba ng hair nung babaeng yun, Maka pag busted sya, wagas, tagos sa buto yung sakit eh.

"Bilis, Habulin mo sya, bago pa mahuli ang lahat. Tip lang, Ayaw nya ng sinasabihan sya ng 'Mahal Kita'. May trauma sya dun." Sabi ni Kyle. Anong ibig sabihin nya dun?

"Bakit? May pupuntahan ba sya?" Tanong ko "Oo, sa America. Susunduin na sya ng tatay nya, at baka dun na sya tumira habang buhay." Sagot naman ni-- HABANG BUHAY?! "Seryoso ka dyan?" Pasigaw kong tanong "Oo, kaya bilis! Bago pa sya sumakay ng airplane ng mga 5:00 p.m, May 30 minutes ka pa." Sabi ni Kyle, at ako, tumakbo agad ako papuntang parking lot, at pinakaripas ko ng takbo yung sports car ko.

"ALEXA, BAT DI MO SINABI SAAKIN?" Sigaw ko habang bumubusina "Takte, Akala ko manhid ka lang talaga, Sh*t di ko maiimagine yung buhay ko ng wala ka! Mahal kita Alexandria Cruz!"

Pagkarating ko ng Airport "To all passengers of 00453, Washington D.C, Please board to Entrance 1." Sabi nung babae.

LATE NA BA AKO?! Tumakbo ako papunta dun sa Entrance 1, pero...

...

Hinarang ako nung tatlong mga masculadong guards "Ano ba? Harang kayo! Andun si Alexa! Kailangan ko syang pigilan!" Sigaw ko "Ano, mala teleserye lang? Kung akala mo magiging happy ending ka, katulad nung nga nasa telebabad, na makakapasok sa entrance basta basta yung lalaki, tas mapipigilan yung babae, aba nagkakamali ka sir. Hindi po pwedeng pumasok dito ng walang boarding pass." Sabi nung isang guard.

"Andami mong satsat! Tumabi ka dyan! Padaanin moko!" Sigaw ko.

Tas biglang may tumawag sa pangalan ko...

...

"Drake?!" Sigaw nya. Napaluha ako "ALEXA!!!" Sigaw ko sabay takbo sakanya at ayun...

Hinalikan ko sya, Habang nakayakap ako sakanya ng sobrang higpit, feeling ko tumigil yung oras saaming dalawa. Wala na akong pakealam kahit na madaming naka tingin, Basta Mahal ko siya, at wala nang makakapag pabago doon.

"Alexa! Akala ko iniwan mo nako!" Sabi ko habang yung luha ko tumutulo ng onti onti "Drake, ngayon ko lang ma realize na, Fight for what you feel. Kaya, imbis na sumama ako kay Daddy, Mas pinili ko na sumama sayo, Kahit na sumpain pako nila." Sabi ni Alexa, napa ngiti naman ako.

"I LOVE YOU." Bigla kong sabi. Namula sya, at ngumiti. "I Love you too." Sagot nya. At nag yakapan nalang kami hanggang sa dumating na yung iba.

"Bro, Goodjob!" Sigaw ni Kyle, sabay thumbs up tas nag holding hands sila ni Kim "Ikaw din Bro, goodjob." Sagot ko, tas nag ngitian sila ni Kim. Habang sila Josh at Jenna, nag pipitikan at nag tatawanan.

"Ehem, Guys, may gusto sana kaming aminin ni Jenna." Sabi bigla ni Josh "Kayo na ni Jenna no?" Tanong ni Chris "Umm...Oo." Sabi ni Jenna habang namumula yung pisngi nya tas nagka tinginan sila ni Josh tas tumawa nalang.

Habang si Chris, Nagbabasa nalang ng libro, at si Lance, umiinom ng Juice drink "Wala kayong balak no?" Tanong ko at napatawa nalang si Alexa "Basta asawa ko yung pagkain." Sagot ni Lance "Akin si Tiffany ng SNSD." Sigaw ni Chris, tumawa nalang kaming lahat at nag saya.

Pagkarating namin sa school, Lahat ng mga estudyante, Naka abang sa may gate, at pagka pasok namin, ay agad kaming bunuhusan ng mga flower petals at sabay-sabay na sumigaw ng "CONGRATULATIONS!" at Biglang lumapit saamin yung dean at school president ng naka ngiti.

Eto na yun, i-aanounce na kung sino yung Best of the Best. Si Alexa naman mananalo, okay na sakin yun. Ngumiti nalang ako.

"Congratulations, ang Best of the Best ay...

...

Si...Ms. Alexandria Cruz..." Sabi na nga ba eh. "At si Mr. Drake Fernandes. Congrarulations sa inyong dalawa! You are now both crowned as, Mr. And Ms. Popular!" Sigaw nung president. Napatingin ako sakanila at kay Alexa. Naka ngiti sya "Congrats satin." Sabi nya, sabay halik saakin. "I Love you." Bulong nya, niyakap ko naman siya "I Love you too." Sagot ko, lahat naman ng estudyante, tumili at nag saya.

Nag tiginan kami sa mata at...

"Walang forever, Akala ko noon, forever nalang tayong mag aaway, Hindi pala, Buti nalang pala narealize ko, na Mahal talaga kita." Sabi namin parehas, Tas napa tigil, tas tumawa.

At dito nag tatapos ang storya namin. Ang Mr. And Ms. Popular.

So, For All people wanting Love to come into their lives, Just wait, and Love will definitely knock in your hearts, and Will be the best thing in your life.

Fight for what you feel.

--The End--

living popularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon