Title: Back Ache
This story is a Fiction
Second Story of the "Camera says it All Series"
-----
Akala mo simpleng Back Ache lang, iba na pala.
Ako pala si Vivian, Isang grade 6 student.. Isa lang akong simple mag-aaral. Isang mag-aaral na mahilig sa mga gadgets..
May kapatid ako, si Kuya Andrew. Napaka-gwapo niya. College na siya sa isang kilalang unibersidad dito sa Makati. Si Mama ay isang Housewife, Si Papa naman ay isang Seaman.. Pero naka-bakasyon siya ng tatlong linggo. Nag stop din kasi sila malapit dito sa Pinas.
Nagbakasyon sila Kuya Andrew kasama ang kanyang mga kaklase sa Baguio.. Ilang araw din sila doon. Pagdating ni kuya, nagrereklamo siya na masakit yung batok (with his back and his shoulders)..
Kinabukasan, nagpasya silang Ipa-medical check up si Kuya Andrew.
Ayon sa findings ng Doctor, baka nagbuhat lang daw si Kuya ng mabibigat.. Sabi naman ni Kuya, dala niya lang sa Baguio ay dalawang damit at ilang mga pagkain.. Napailing na lang siya. Di naman yung mabigat eh.. Wala pa nga atang 4 kilos yun eh.
Isang tanghali, naisipan kong mag-picture picture.. Nasa bahay lang si Kuya noon kasi sabi ni Papa, magpahinga na lang daw siya.. Pinicturan ko siya ng stolen, nakatalikod. Medyo kinabahan ako. Pero nung titignan ko na yung taken pictures, biglang na lowbatt.. Nagtaka ako, kasi kaka-charge ko lang nung digicam eh. Kinalabutan ako.
Ilang araw rin ang nakalipas.. Di pa rin gumagaling si kuya Andrew. Nakakapagtaka..
Nong chineck ko yung past taken pictures, may napansin akong kakaiba..
Hugis Babae na parang usok lang. Nakapasan sa Likod ni kuya..
Dinelete ko ka agad kasi baka matakot sila.. Kinalabutan talaga ako ng sobra.
For Confirmation, pinicturan ko ulit si Kuya Andrew..
Nakita ko na May usok ulit sa likod niya.. Pero this time, may dugo dugo na ang likod ni Kuya. Napaluha ako sa kilabot.. Ipapakita ko na sana kay Kuya pero bigla ulit na Lowbatt yung Digicam..
Nakita kong may anino sa likod ni Kuya. Nagmukha siyang kuba..
Dinala ulit namin siya sa Doctor pero wala talaga silang nakitang kakaibang findings..
Sabi ni Lola, dalhin daw namin si Kuya Andrew sa Albularyo..
Albularyo's P.O.V.
Noong una, Kinabahan na ako ng makita yung lalaki.. Noong una, talagang alam kong meron nang kakaiba. Malakas ang pwersang nakapalibot sa kanya..
Napagalaman kong ang malakas na pwersang ito ay isang Babae. Nagkakagusto siya dun sa lalakin.. Kinausap namin yung kaluluwa na lisanin na ang katawan nung lalaki pero sadya itong mapilit..
Nakuha namin nung loob niya nang napag-alaman naming kamukha nung Lalaki yung boyfriend niya noon..
Nagalay nalang kami ng Dasal sa kanya..
-----
Whoo! Natakot ba kayo? Hahahaha. IngAt ingat nalang sa pag take ng pcture.. Baka mamaya may mahagip ka.. Kathang isip lang to mga Readers.. 100 reads na! Yeeee! I Love You! <3
Next up: Dwarfs Controversy -- Naguilian, La Union