Title: Not just an Ordinary Insomia
This story is a Fiction
-----
Naranasan niyo na bang makaranas ng isang Pangyayari. Isang akala mo isang sakit lang pero may halo palang ibang reason? Tuklasin niyo ang kwento ko. x))
Hello, Good Day.
Ako pala si Keanna Kalusong, Keanna for short. Isa akong graduating high school student sa isang eskwelahan sa Maynila. Isa lang po akong simpleng estyudante noon, Noon!
Ilang araw na akong di makatulog ng maayos..
Yung tipong nagigising ka ng walang dahilan?
Gabi-gabi nalang akong puyat.. Kahit pagod na pagod nako galing sa School eh parang naka-energy drink parin ako o kaya'y naka-chocolate. Madalas din akong nagigising ng madaling araw. Mga 2 o 4. Sa pagitan nun. Minsan di ko maiwasang matakot lalo nang mag-isa ako sa bahay. Patay na kasi si Papa, si Mama naman nasa Trabaho kapag gabi hanggang madaling araw, si Kuya ay nagaaral sa Baguio, si Yaya naman ay naka-leave kasi namatayan.
Nakakatakot talaga.
Minsan iniisip ko Insomia lang ito.
Dahil nga sa hindi ako nakakatulog ng maaga, naisipan kong mag-check ng Facebook ko saglit.. Tahimik ang gabi at sobrang Ginaw. Grrrrr..
Pindot.
Pindot.
Pindot.
Pindot.
Pindot.
Wait! May nakita akong link..
Pindot.
Sinasabing...
Physiological Fact: When you wake up in a Middle of the Night (probably 3:00am) without any cause, There's a 90% chance that someone's Staring at You.
Medyo kinabahan ako. Chilles were crawling to my Body. Isang malamig at nakakatakot na ihip ng hangin ang humagkan sa aking batok. Goosebumps were present. I'am so Coward that time. Medyo natatakot ako nun kaya pinatay ko na yung Computer.
11:46 pm, Saturday
Nakahiga na ako nun.. Nang maalala ko ang nabasa ko. Nawala bigla ang antok ko.. Pinapawisan ako ng malamig, Kahit naka-aircon ako sa kwarto.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko.. Hanggang sa nakatulog ako..
Nang naalimpungatan ako.. Ewan! Natatakot ako.
Tumingin ako sa paligid. Nakita ko sa Orasan 2:35am na pala.. Napansin kong, ang lamig.. Napatingin ako ulit sa kisame ng may nakita ako..
Isang babaeng basag ang bungo! Puro pasa ang katawan at putol ang kaliwang kamay, Dumudugo pa ang kanyang ulo.. Nakanganga at nakatitig sa akin.
Ng sinabi niyang: TULONG!
Ahhhhhhh!
-----
Natakot ba kayo? Naranasan niyo na ba ito minsan? Ingat lang ahh.. Baka di mo alam, May nakatitig na sayo. Once again, Char ko lang ho yung pangalan.. Vote naman a\ho diyan. x))
Next up: White Lady sa Bubong