Chapter 7 (Unbelievable Truth)

34 0 0
                                    

Chapter 7

"Unbelievable Truth"

“Jimmy, anak ,,buksan mo ang pinto.”

Agad akong lumapit sa aking pintuan at binuksan ito. Nakita ko si mama na nakatayo sa harapan nito at agad ko siyang niyakap.

“Mama.. ..buti nalang..”

“Ano ba ang nangyari sa iyo? Akala ko ay hindi ka pa nakauwi. Hinahanap ka kanina ng papa mo kasi hindi ka raw dumaan sa restaurant kanina. May nangyari bang masama sa iyo Jimmy?”

“Ahh,,ano…wala po ma..sige po matutulog nap o ako..” Lumayo ako kay mama at iniwasan ang kanyang mga mata.

“Sigurado ka ba Jimmy?”

“Po?,,ah,.opo ma..pagod lang ho siguro ako kasi buong magdamag akong busy sa school works.”

“Pero siguradong hindi ka pa kumakain.”

“Ahh..ayos lang po ako ma. Busog pa po ako, huwag po kayong mag-alala, kapag nagutom po ako ay baba ako sa kusina para kumain.”

“PEro..Jimmy..”

“Sige po mama,,matutulog nalang po ako,pagod na pagod na po kasi ako.” Hinalikan ko si mama sa noo at mahinang isinara ang aking pinto. Nang maisara ko na talaga ito, napasandal ako at huminga ng malalim.

“Ang daming nangyari sa akin ngayong araw na ito..” Bigla kong naisip ang nangyari sa rooftop. At ang mga nakita ko kaninang mga kakaibang nilalang pero bago pa yon naaalala ko bigla ang mga sinabi sa akin ni Carlo kanina sa rooftop.Parang tinutusuk ng libo-libong aspili ang puso ko. Ano ang gagawin ko? Paano ako haharap sa kanila bukas?

Hindi ko namalayang tumutulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak dahil bumabalik ang alaala ko sa nangyaring sagutan namin ni Carlo at ang pagtatapat niyang si Emma ang mahal niya at hindi ako.

Tanga,,tanga..tanga…ka talaga Jimmy…ayan kasi sinabihan kana ni Rose diba? Pero anong ginawa mo? Napakatigas ng ulo mo at pinili mong magbulag-bulagan sa kung ano ang kahihinatnan ng ginagawa mo.

Tanga nga talaga ako kasi minahal ko siya ng husto at mas pinili kong masaktan ng masaktan pa lalo. Ngayon wala man lang naging pagbabago sa nararamdaman niya para sa akin. Inakala ko na kapag hindi ako naging mahina sa harap niya, na kong babaguhin ko ang sarili ko at magiging malakas ako kasama siya magbabago rin ang nararamdaman niya para sa akin. Pero hindi, hindi man lang niya nakita ang Jimmy na nagmamahal sa kanya ng totoo. Ang tanging nakita niya lang ay awa at alaala ng lumisan niyang kapatid sa katauhan ko.

Tumayo ako at kinuha ko ang kahon sa ilalim ng aking kama. Umupo ako sa sahig sa tabi ng aking kama at doon binuksan ko ang kahon. Naglalaman ito ng lahat ng mga bagay na natanggap ko galing kay Carlo at ang lahat ng mga alaala naming dalawa.

Iniisip ko palang na dapat kalimutan ko na siya ay napakahirap na. Paano pa kung makita ko silang dalawa na masaya magkasama? AT ang mga bagay na to?…kung gusto kong simulan ang pagmove-on siguro dapat mawala na rin ito…

Kinabukasan…

“Rose! Ano ka ba?Bakit mo ba ako ginugulat ng ganyan!” Biglang sumulpot si Rose sa aking tabi habang nag-aayos ako ng gamit sa locker. Muntik na akong malate dahil matagal ako nagising at kahit na tinatamad akong pumasok pinilit kong bumangon at mag-ayos. Napansin ko rin kanina na nakalagay sa lamesa ko ang botelyang ibinigay sa akin ni Albama.

Naku ayoko na ngang isipin pa ang mga nilalang na iyon. Mga guni-guni ko lang lahat yot..Oo,tama..guni-guni ko lang lahat yon. Basta,…

“Kaaga-aga at ang bigat ng mukha mo Jimmy! Ilang kilo ba ng stress at pressure ang ipinabaon sa yo ng papa mo?..” Biglang sinara ni Rose ang locker ko.

The Sketch of a HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon