Chapter 2 (Day Time Stars)

109 6 2
                                    

                                                              CHAPTER 2

                                                         DAY TIMESTARS

*****************

“When Nauryn knew about the death of her beloved Norland, she felt like her own life was taken away with him. She doesn’t know what to do. She doesn’t know what will be her reason to stay. She only knows one thing and that is her real love to Norland that’s giving her reason to live.”

******************

            Nakakaiyak talagang isipin ang naging hantong ng love story nina Jane at Alfred. Pero buti pa rin siya, naiwan nga siya pero alam niya na sa kaibuturan ng puso ni Alfred siya lang ang tunay na minamahal nito. Walang halong kasinungalingan, walang iba kundi siya lang.

            Buti nalang at Linggo ngayon walang pasok sa school. Magkakaroon ako ng panahon para makapag-isa. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa lamesa ng aking kwarto habang nagbabasa ng story sa wattpad at ,,,,,,,,

            umiiyak.

          Kahit magdamag kong inaliw ang sarili hindi parin mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Bumabalik-balik pa rin ang mga ala-alang nagdulot sa akin ng sakit.

            Ayoko mang maging masyadong emosyonal dahil dito hindi ko talaga maiwasan. Napakasensitive ko rin kasing tao at lalo na sa sitwasyon na ganitong first time kong maranasan ang maging broken hearted.

            Hindi pala ganoon kadali.

            Nagpasya akong lumabas ng kwarto upang pumunta sa restaurant na isa sa mga negosyo ng aming pamilya.

            “Jimmy?”

            Mama?”  mahinang tugon ko sa pagtawag sa akin ni mama. Nakaupo siya sa silya sa may hapagkainan.

            May sakit ka ba nak? Napansin ko yatang hindi ka man lang sumabay sa amin ni papa mo kagabing kumain ng haponan at hindi ka rin kumain ng agahan?”

            “Busog lang po talaga ako kagabi,ma ,,,tsaka mamaya nalang po ako kakain sa restaurant.Nakaalis na po ba si papa?” Sigurado mainit na naman ang ulo ni papa kapag nakita ako, sa totoo hindi talaga kami malapit ni papa sa isa’t-isa ang tanda ko simula siguro noong nawalan ako ng ala-ala pagkatapos ng aksidente.

             Bago pa nangyari yon? Hindi ko alam kung naging malapit ba kami sa isa’t-isa.

“Oo, kanina pa siya nakaalis, pinagbilin niyang sumunod ka sa restaurant at tumulong sa kanya. Pero huwag ka mo ng pumunta doon, Jimmy. Magpahinga ka muna sa kwarto mo.”

“Okay lang po talaga ako, mama,,Aalis na po ako.”  Hinagkan ko sa pisngi si mama at umalis.

Sa restaurant, napakaabala ng mga staff at crew. Agad akong nagpunta sa cashier upang gawin ang aking nakasanayang gawain tuwing linggo ang pagiging cashier ng restaurant. Pinilit kong ituon ang sarili sa aking ginagawa upang hindi ko maisip ang mga nangyari kahapon. Hindi ko namalayan ang oras na lumipas, hindi ako kumain buong araw.

            “Ate Jimmy, pinapatawag ka ng papa mo sa office niya.”

Nalipat ang atensyon ko kay Biboy ang cute na 6 years old na anak ni Tita Lucy, ang assistant sa negosyo namin. Ipina-alam niya sa akin ang pagtawag sa akin ni papa. Medyo kinabahan yata ako, baka may nagawa na naman akong mali. Halos buong araw kasi akong parang wala sa sarili.

The Sketch of a HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon