Chapter 5 (Other World)

72 3 1
                                    

Chapter 5

Other World

“Ano ba, ang ingay niyong lahat baka magising siya!”

“Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Jimmy!Ang ganda pala talaga niya! ”

“Nasaan ba si Yland bakit wala siya dito?”

Ang ingay ng paligid. May mga naririnig akong hindi pamilyar na mga boses pero bakit parang kilala nila ako.

“Hmmm…nasaan ako?” Nang idilat ko aking mga mata laking gulat ko ng makita ang mga nilalang sa aking harapan at hindi ko napigilang sumigaw.

“Ahhhhhhhh!” pinikit ko ang aking mga mata dahil baka nanaginip lang ako ngunit pagbuka ko, totoo nasa harapan ko ngayon ang mga taong may katawang ibon, babae at lalaki at sa di kalayuan may isang matandang ermetanyong parang kambing. Sa mga nakikita ko ngayon, parang gusto ko yatang himatayin.

“Nasaan ako? Sino kayo?Anong ginagawa ko ditto?”

Lumapit sa akin ang isang babaeng kalahating ibon ang katawan. Tanging ulo lang nito ang hugis tao at mula leeg hanggang paa, ibon ang itsura.

“Pasensya ka na Jimmy, alam naming nakakatakot ang aming mga itsura pero  mababait kami. Ako nga pala si Albama ang babaeng ibon at sila ang aking mga kapatid na katulad ko rin.”

“Paano ako napadpad ditto?” Nasa loob kami ng isang bahay kubo at ako ay nakahiga sa isang kawayan na higaan.

“Dinala ka ditto ni Yland kagabi at ginamot kita Jimmy, ako nga pala si Tanyong ang manggagamot na  may anyong kambing..meeeh!He,he,he”

“Huh?Sinong Yland? Gusto ko ng umuwi.”

“Huwag kang matakot Jimmy kami ay iyong mga kaibigan at lahat kami ay likha ni Lolo Sebastian, ang lolo mo.” Sabi ni Albama.

“Ang lolo ko? Nilikha lahat kayo?”

“Oo, at madami kami, ngayon ay nandito ka sa sekretong lugar naming mga likha. Nandito kami upang mapalayo sa mga tao.”

“Oh, siya, siya,,, tama na hindi na niya dapat pang malaman ang lahat-lahat sa isang araw lamang baka kung ano pa mangyari ulit sa kanya, kagagamot ko pa lamang sa kanya.” Anya ni Tanyong.

“Yland mabuti at nandito ka na.” Biglang dumating ang lalaking nakaitim. Natatandaan ko siya. Siya yung nagpainum sa akin ng gamot. Ang taong kinakatakutan ko, ang taong bigla nalang sumusulpot.

“Yland, mas mabuti pa sigurong iuwi mo na si Jimmy. Dapat magpahinga siya ng buong araw sa bahay.”

“Sige Tanyong, salamat.”

Lumapit sa akin ang lalaking nakaitim. Yumuko siya upang akoy buhatin.

“Teka lang, kaya kong maglakad ng ako lang, hindi mo na ako kailangan pang buhatin.”

 “Mas mabuti pang kargahin ka nalang ni Yland Jimmy dahil baka mabinat ka.”Sabi naman ni Tanyong.

Napakalayo pala ng lugar na ito. Kung maglalakad akong mag-isa sigurado hihingalin lang ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na likha sila ng lolo ko.

Nang makalabas  kami sa bahay kubo, isang malaking kabayo na may kulay puti ang aking nakita. Wala yatang kakaiba sa anyo nito, baka totoong kabayo talaga. Yan ba ang sasakyan namin?

Sa isang iglap lang ay binuhat ako ni Yland ng walang anumang kahirap-hirap. Una akong nakasakay sa kabayo at sumunod siya.

“Mag-ingat kayong dalawa, ingatan mo si Jimmy , Yland” Pagpapaalala  ni Tanyong kay Yland.

Bago pa man kami makaalis may inabot sa akin si Albama.Ang aking bag at isang bote na may lamang maliit na bulaklak.

“Ang bote na yan pagbinuksan mo sa gabi ang amoy ng bulaklak ay lalabas makakatulong yan para makatulog ka ng mahimbing. Sana Jimmy bumalik ka ditto sa amin, ang saya talaga naming makita ka.”

“Salamat, Albama.”

“Kumapit ka ditto sa lubid,,Yah!,,, aalis na kami.”

Kumapit ako ng mahigpit sa lubid na nakakwentas sa liig ng kabayo.

Nagsimula ng tumakbo ang kabayong aming sinasakyan. Para akong prinsesang nakasakay sa kabayo papunta sa kaharian. Sigurado ako ngayon na marami talagang sekreto si lolo na dapat kong alamin, ang hiwaga ng buhay niya at kung paano nagawa niyang likhain ang mga taong ito na para bang isa siyang Diyos.

The Sketch of a HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon