8:00 ng gabi: UP Campus.
May pa ilan-ilang poste na nagbibigay ilaw sa mahaba at madilim na kalsada ng UP Ikot.
Hanggang ngayon, hindi parin nila maisip na lagyan ng mas maayos na lighting system ang lugar na 'to kaya naman may mga nagsasabi na may nagmumulto daw pag patak ng takipsilim.
May ilang nag-eensayo sa Sunken Garden para sa dramang madalas pinapalabas sa Alumni house kapagka araw ng Huwebes. Rumoronda ang mga campus guards sakay ng kanilang sidecar. Nagsasara na ang mga tindahan ng kwek-kwek at fishball sa may paradahan ng dyip. May mga magsyotang naglalampungan sa madilim na bahagi ng shed at naglalandian sa madidilim na sulok.
Dalawang guro ang magkasama sa loob ng sasakyan. Pulang Lancer. Prof. Derek Bandojo, science teacher... kasama si Ms.Lorraine Perreira, English Major. Hindi sila mapaghiwalay sa kanilang mga yakap. Mariin ang mga labi. Mahinang tinulak ni Lorraine si Derek at humarap sa may bintana. Malalim ang iniisip.
"May poblema ba?" tanong ng lalaki.
"Derek, you're avoiding the subject!"
Bahagyang nilapit ang labi sa leeg ng babae't sinimulang halikan ng mariin. "What's wrong with the subject? Your neck is my favorite subject!..." Nakiliti ang dalaga't napangiti. May gustong mangyari ang propesor at hindi naman manhid ang kasintahan para hindi iyon malaman. Tumatawang iniiwas ni Lorraine ang leeg at mukha.
"You can't! You have to get up early tomorrow. Exam day, remember?"
"Eh hindi naman ako yung mag tetest eh, magbabantay lang ako dun..." malikot ang kamay.
"Eh si Liza?" seryoso ang mukha.
"Misis ko? Wala siya dito...tapos!" pabirong tugon.
"Derek, I'm serious... If you don't tell her - I mean soon - tonight...I'm going to do something about it myself! Ako mismo ang magsasabi sa kanya." nagcross ang mga kamay sa dibdib.
"Lorriane, honey, come on now! Don't do that..."
"Do what?!? Hindi mo ako science experiment, Derek..." may diin ang salita. "Buhay ko din 'to!"
"Honey..." lambing sa babae.
"I'm not 25 years old anymore!" napayuko ang dalagang tumingin sa bintana. Inayos ang buhok at butones ng blouse. Humupa ang galit sa mukha. "Pwede tayong maging masaya, Derek..."
"I know... I know...." Hinawakan uli ng lalaki ang mukha ng kasintahan at tinangkang halikan.
"Honey...isipin mo mabuti..." tangkang paliwanag.
"---No, no more stalling Derek! I mean it this time! I'm giving you until tomorrow night!"
"Lori...!" pahabol.
Tinangkang buksan ni Lorraine ang pinto ng sasakyan para lumabas pero pinigilan siya ni Derek.
"Look, tama ka. Sasabihin ko sa kanya tonight pag-uwi."
"Just tell her. Be brutal. When 'tis done, twere well it were done quickly. That's Macbeth. That's what you get for dating an English teacher."
"Sige, bukas -- meet me at 8am before the test, sa tagpuan natin. I'll tell you how it went. Wear something nice...yung black na binigay ko sayo nung first anniversary natin... tomorrow will be a special day for both of us."
Napangiti si Lorraine sa sinabi ng boyfriend. Ito ang matagal na niyang hinihintay. Dumantay siya sa dibdib ng mahal.
"Thankyou..." inayos niya ang kanyang salamin.
* * * *
Kinabukasan, subsob ulo ang mga estudyante sa pagsasagot ng kanilang test papers. Ang pagtama ng sinag ng araw ay bahagyang natatabunan ng clocktower adjacent lamang sa silid na pinagproproctoran ni Prof.Derek Bandojo ng mga oras na iyon.
Tipikal at tahimik.
Lahat ay abala at walang nag-uusap. Nakaupo lamang ang guro at nagbabasa ng dyaryo.
Hanggang sa maganap ang hindi inaasahan.
Binasag ng nakaririnding ingay ang tahimik na quadrangle nang lumagapak ang isang babae buhat sa itaas ng school clock, sapol ang pulang Lancer na nakaparada sa ibaba! Tumunog ang emergency alarm ng sasakyan at sumunod ang buong eskwelahan. Napatayo ang lahat sa kanilang upuan para tingnan ang nangyari, lahat maliban kay Derek na abala pa rin sa kanyang pahayagan.
Lumingon lamang siya pero hindi tumayo manlang patuon sa bintana. Tinawag ang mga nagkakagulo sa may bintana para maupo.
Ang oras ay 8:25am ayon sa relong nakasabit sa itaas ng malapad ng blackboard.
Tangkang makilala, namukhaan ng mga estudyante kung sino ang kawawang babae na tumalon tungo sa kanyang kamatayan.
Nagkalat ang basag na salamin at lubog ang bubungan ng sasakyan. Ang bangkay na katawan ni Lorraine Perreira ay nakahandusay sa lubog na bubong habang pinagkakaguluhan ng di magkandatotong miron.
Hindi natinag si Derek sa kanyang upuan.
BINABASA MO ANG
P.I.BOX- The Clock Tower
Mystery / ThrillerA science professor committed a murder. Will Makoy and Pakoy prove his guilt in time?