A Work Of Friction

66 12 0
                                    


Blk 4-43 INTRAMUROS, METRO

Libangan ng dalawa ang maglaro ng chess habang naghihintay ng malaman na kaso.

Taimtim na pinag-iisipan ni Pakoy ang susunod niyang tira habang si Makoy naman ay walang tigil sa pag tutulak ng chess pieces sa kanyang harapan.Inaayos ang pagkakagitna sa bawat square ng board. Hindi makapag concentrate ang isa dahil pahara-harang kamay ng bestfriend.

"Pwede bang tigilan mo yan?!?!" sabay palo sa kamay ng kulot.

"Inaayos ko."

"DINIDISTRAK mo 'ko!" nag-isip uli. Nakatuon ang mata sa laro. Medyo nagliwanag ang mukha. Nakasilip ng galaw. Tinangkang dalhin ang queen pa-advance pero inambahan ni Makoy bago pa man ito mahawakan.

"Naku... wag mo itira yaaan..." Habang tinuturo ang mga piyesa. "Kakainin ka ng bishop ko kapagka nilagay mo yan diyan."

"Janon?!?" biglang dinampot ni Pakoy ang reyna at saka sinubo. Pinaikot-ikot sa kanyang dila at saka sinipsip ang pinaka dulo nito sabay balik sa board at tinuloy ang tira.

"WATDA!?!..." bulalas ng Makoy. "Bakit nilawayan mo?!! Ke DAMAK!!!!"

"O, ikaw na!" natatawang hamon.

"FINE!" Sabay tindig. "Panalo na ako!" sabi ni Makoy. "Nag forfeit ka. Illegal 'yung ginawa mo!..."

"Alin ang illegal?"

"Anong ALIN!? Nilawayan mo yung Queen?!?"

"Queen ko 'to 'no!! Kahit anong gawin ko pwede!"

"It doesn't matter whose queen it is. You can't lick any queen! It's an unwritten rule." banat ng kulot.

"Oh now there's an unwritten no licking of the queen rule?" palokong sabi ni Pakoy.

"You're not even allowed to touch a piece during a game." bwelta naman ng isa.

"OMIGAD!! Tol! Ikaw itong kanina pa hawak ng hawak sa mga piyesa!! Kung nakakapag reklamo lang yang mga yan, kinasuhan ka na ng Sexual harassment!"

"Inaayos ko lang...iba 'yun. Okay. Sige! I'll move." Kinain ng bishop ni Makoy ang Queen ng kaibigan. Dinampot habang nakabalot sa panyo ang kamay saka hinagis sa kalumpon ng pamunas. "There!" habang pinapahid ang kamay sa pantalon.

Kinain ng knight ni Pakoy ang bishop ni Makoy sa isang galaw.

"Check!" napatayo si Pakoy sa kanyang upuan. "HAHAHA!!!" patalon-talon pa.

Tumindig din si Makoy at pumunta sa may bintana.

"Okay lang 'yan 'tol, check palang naman...hindi pa checkmate... may move ka pa..hahahaha!" Malakas ang tawa habang sumasayaw ng running man.

Napatigil ang dalawa nang mag ring ang wireless phone malapit sa kanilang T.V. Sinagot ni Pakoy ang tawag.

Nanatiling nakatayo si Makoy sa tabi ng bintana habang pinakikiramdaman ang pag-uusap sa telepono. Tumatango-tango pa si Pakoy habang may kausap sa kabilang linya. Sinusulat din niya ang ilang kailangang detalye sa asul nilang logbook. Ramdam ang importansiya ng pagtawag, naupo si Makoy at tiningnan ang mga piyesa sa board. Dagli siyang hinarap ni Pakoy pagbabang-pagbaba ng phone.

"Tol, Mabel Rebudan. Curriculum head ng UP, wants to set up a meet and consult with us regarding a case..."

Nakaupo lang si Makoy. "... Diliman... Aldaba Bldg." bulong nito.

"Yes. how do you know?"

"Old acquaintance. Morena, sexy..." pinong reply.

"Ah okay. So mas dapat pala nating puntahan na! Ano na? Tara na?" nag mamadaling aya.

P.I.BOX- The Clock TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon