Quod Erat Demonstrandum

73 11 2
                                    

Nagpaabot ng gabi si Derek sa campus para maisakatuparan ang kanyang balak. Mabilis ang bawat hakbang, dirediretsong niyang nilakad ang pathway papunta sa clocktower!

Pinuwersa ang pintuan gamit ang screw driver  saka umakyat sa hagdan. Binuksan niya ang flashlight sa gear room kung saan sapantaha niya ay doon nahulog ang nawawalang contact lens ni Lorraine.

Lumuhod, yumuko at sumiksik si Derek sa ilalim ng machine room para makita ang bawat sulok. Sa ilalim ng gearbox malapit sa window compartment ng relo at hagdan nakita niya ang kanyang hinahanap. Hinawakan niya iyon sa kanyang kamay at saka binulsa. Nakahinga siya ng maluwag, wari'y nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan.

Maingat na nakababa si Derek at nakalabas ng pinto at nakatakdang babalik na sa kabilang building.

Walang ano-ano'y nabulaga siya nang biglang sumindi lahat ng ilaw sa bisinidad  ng clock tower! Nakakabulag na liwanag! Flood lights, flashlight, lahat nakatuon sa kanya. May mga police cars na nakaparada sa sulok ng mga puno. Andoon din sina Capt. Cortez, Lt. Sajonas at ang dalawang P.I., Pakoy at Makoy.

"Ginagabi ka ata, Mr. Bandojo..." bungad ng kapitan."Out for a stroll??" paloko.

"Bakit? What's going on?" bulalas ni Derek. Iniiwas ang mga mata sa ilaw.

Lumapit ang ilang pulis para hawakan ang guro na bahagyang nag pumiglas.

"Wait! What's this!?! what did I do!?! I told you, I was..."

"Nagproproctor ka sa exam... I know." Putol ni Makoy. "It took me forever to figure out how you pulled it off. But then, suddenly it hit me – Lorraine Perreira was murdered bago magsimula ang exam."

Napasinghap ang lahat. Maging sina Sixto at Jonas ay handang makinig kung paano ito nangyari.

Nagpatuloy si Makoy:
"...You met her sa clocktower nung umaga na 'yun, sabihin na nating 8:00am --20 minutes bago mag exams. Doon, you somehow managed to put her unconscious, probably by bludging her in the head, anyway, madali lang ipaliwanag ang head trauma since you know na babagsak naman siya sa sasakyan mo...".

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"...Pagkatapos nun, binuhat mo yung katawan niya pababa sa hagdan papunta sa clock room. This explains kung bakit nasa may hagdanan pababa ang heels ni Lorraine sa halip na dapat sa may biranda kung totoong tumalon siya... You were in a hurry, nahulog yung sapatos niya habang binababa mo siya sa hagdan and hindi mo na 'to napansin dahil you are catching time ."

Hindi matinag ang matalim na titig ng guro. Nakakuyom ang kamao. "You don't know what you are saying! Hibang ka! She jumped! Can't you see I was not there! Nahulog siya---"

"Oo Nahulog siya!" balik ni Makoy. "...pero hindi mula sa bubong. Nahulog siya mula sa relo!" madiing niyang sabi.

"Pagbaba ng hagdan, Binuksan mo yung clock wall na nagsisilbi ding cleaning window at doon pinatong mo ang walang malay na katawan ni Lorraine Perreira sa minute hand. It was 8:15, the hand was perfectly horizontal."

P.I.BOX- The Clock TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon