A Thinking Mind

62 11 0
                                    

Alas otso ng umaga.

Tupok na ang kabuuan ng lumang guardhouse nang dumating sina Makoy at Pakoy sa pinangyarihan ng pagsabog. Andoon din ang Metro Fire Department pati sina Captain Cortez at Lt. Sajonas. Sa reports, ang sunog na katawan ni Pinoy Zorro ay natagpuan sa ilalim ng debris ng sunog na pintuan at nadurog na pader. Nakahawak pa ang kaliwang kamay nito sa door knob nang makita ng mga awtoridad.

Patingin-tingin si Jonas hawak ang tasa ng kape. Tumabi kay Pakoy.

"Ano sa palagay mo?" Tanong niya.

"Sa palagay ko?..." tapi ni Pakoy ng panyo ang ilong. "Sa palagay ko, it's weird! Nakita lang namin siya sa may Aldaba building kahapon. Na feature din siya sa media. Nag-aasist sa mga tumatawid, nagpapara ng sasakyan, tumutulong sa pagbuhat ng bag... He's literally outdoors for the entire day. Who would do this!? We got two dead people sa isang eskwelahan sa magkasunod na araw. Talk about being wierd!"

"Yeah, that's what I was gonna say! ...Weird. ...parang the Ring." Habang minuwestra ng tinyente ang lakad ni Sadako.

Lumapit ang fire chief hawak ang clipboard.

"What do you got?" tanong ni Cortez.

"Raptured gas line. Madalas 'tong ganito... By the time na dumating siya nung madaling araw, the entire space was probably full of gas na kaya it exploded right away nung sinindihan niya yung pilot switch. It ignited the entire room in seconds." Pinakita ang hawak na hose. Sunog ngunit kapansin-pansin ang nalikhang butas.

"Judging by the looks of it, the jagged edges... and size. the hole was made using a knife..." pahayag ni Makoy. "...and there's one thing you missed..."

"Ano 'yun?" Tanong ng fire chief.

Sa may pwesto ng stove nakatayo si Pakoy habang nakaturo sa sunog na kalan.

"Sabi mo kanina, sumabog yung room nang buksan ng victim 'yung stove, but you'll see here that, the pilot switch was OFF." tuloy ng kulot." Meaning, the victim was not able to reach the actual kitchen... not even open the light."

Nagkatinginan ang fire chief at ilang myembro ng police. Tama ang P.I. sa kanyang sinabi.

"Explosions are ignited by fire, Makoy. Gas plus fire equals explosion. Basic science! If Zorro didn't light any fire, what would explain the explosion?" sabi ni Sixto.

"Yes, and if the victim knows na sasabog siya, why would he put up a fire in the first place?" tanong ng fire chief.

"The answer is he didn't..." bulong ng kulot habang nag-iisip. Walang sigarilyo, kandila o kahit anong pwedeng pagmulan ng apoy.

"OR..." may na-isip si Pakoy. "He probably doesn't know he ignited one??"

"Good point!" bulalas ng kulot. Bumaling uli sa fire chief at Capt. Cortez. "The room is filled with gas by the time the victim arrived making it an instant bomb! The tank exploded when he entered the room!!

"...And there is only one way going inside..." ani Pakoy.

Sabay-sabay silang lahat napalingon sa hiwa-hiwalay na pintuan. Nakalundo at tanggal sa door frame. Sunog ang kabuuang bahagi. Nakadagan ang kalahati ng pituan sa biktima nang dumating ang SOCO ayun sa reports. Hindi nagkaroon ng tyansa ang biktima makapasok ng tuluyan sa kusina. Hindi niya nabuksan ang ilaw. Hindi siya umabot sa kalan. Conclusion: Nangyari ang pagsabog pagbukas niya ng pinto!

Yumuko si Lt. Sajonas nang makita ang ilang natirang palito ng sunog na posporo sa sahig. There's zero possibility na makakuha ng fingerprints sa ebidensyang uling na kung maituturing pero pinulot niya ito at pinakita niya iyon sa kapitan. Tumango ang huli.

P.I.BOX- The Clock TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon