KABANATA 29

88 4 2
                                    

Kinabukasan, tulala akong bumalik sa kwarto namin ni Yvette. Naabutan ko sila ni Godrick na nag-aayos ng kama.

"Hoy babae! Where have you been?!" Nakapamewang na salubong sa akin ng kapatid ko.

Ngumiwi lamang ako at umupo sa sofa. I closed my eyes, hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa nasaksihan namin ni Kurt. Last night was one of the worst and most terrifying nights I've ever experienced in my whole 17 years of existence.

"Yvaine, sumagot ka. Ano'ng nangyari sa'yo? Saan ka nanggaling? Bakit wala ka dito paggising namin? Did something happened?" Nag-aalala nang tanong sa akin ni Yvette.

Ngumuso ako at tiningnan siya. Sa tingin ko palang na 'yon ay alam kong alam na niyang may problema ako.

Tumango siya. Saka niya hinarap si Godrick.

"Uhm, bes. Mauna ka na muna sa food court. Susunod nalang kami ni Yvaine sa'yo, okay lang ba?"

"Sus! Ano ba kayo! Okay lang nuh! Ire-reserve ko na rin kayo ng table doon ha? Yvaine, I hope you're okay. Nag-alala kami ni Yvette sa'yo nang makitang wala ka dito paggising namin." Ani Godrick at tinapik ang balikat ko. He kissed me on the cheek reason why I smiled a little.

Nang makalabas na si Godrick ay tinabihan na ako ni Yvette at tinitigan ako.

"What is it? What happened? Is it about Stellvester? Or something else?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Nagbuntong hininga ako "Both."

Napataas ang dalawang kilay niya. Pinagmasdan niya lang ako, probably waiting for me to tell everything that had happened recently.

Nagsimula na akong magkwento.

While telling her everything that had happened last night. May napagtanto lang ako.

The authorities are so desperate to find a permanent solution for the disease that has yet to be healed. I mean, sa mga nagdaang taon. Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagwawagi? I understand how difficult it is to find a permanent cure for a natural ailment. But... kahit man lamang vaccine or even pills na siyang magpapagamot sa mga sakit, hanggang ngayon ay wala pa rin silang nagagawa?

Hindi ko alam, at wala rin akong ideya kung ano'ng formula ba ang ginagamit ng mga doktor dito sa paggagawa ng "cure". Lagi lang silang inject ng inject ng mga katarantaduhan sa katawan ng tao. Experiment here, experiment there. Naguguluhan na ako.

"So... ang ibig mong sabihin. Mayroon silang major laboratory kung saan pinapatay nila 'yung mga nagpo-positive sa blood test kuno nila?" Tanong sa akin ni Yvette matapos ang ilang segundo naming pananahimik after kong magkwento sa kaniya.

"Oo. And it's underground. Sa building D. Ipinakita sa akin ni Kurt 'yon since medyo close na sila ni Angela Souza. Stell never mentioned me that place, probably is because he doesn't want me to know. Grabe ang ginagawa nila sa mga tao, Yvette. After they've been killed and all of their body parts have been chopped up, the doctors are just simply putting all of the inmate's internal organs in a jar and the chopped body in a human-sized stove so that no one can tell who is who." Anang ko.

Napangiwi si Yvette sa sinabi ko.

"P-paano na 'yan, Yvaine. A-anong gagawin natin if ever na positive nga 'yung blood test ko? A-ayoko pang mamatay." Namamaos na saad niya sa akin.

Napayukom ako ng kamao, saka ko hinawakan ang kamay niya.

"I would NEVER let them lay their hands on you, Yvette. Magkamatayan man, hinding-hindi kita ibibigay sa kanila. I can't and won't let you go. Hindi ko kakayanin kapag ako nalang ang mag-isa, wala na si Papa, wala na rin si Yohan. Fuck, if I ever lose you, I'm going to go insane as well."

Ambrose Asylum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon