KABANATA 13

112 4 1
                                    

"Hello!" Bati nina Alexa at Naomi sa aming dalawa ni Yvette nang makarating na kami sa food court.

Nilingon ko ang kapatid ko na nakakunot ang noo. Inakbayan ko siya at ipinakilala ang dalawa.

"Sila 'yung dalawang babaeng tinutukoy ko sa'yo. Alexa and Naomi. Guys, this is my twin sister, Yvette." Pagpapakilala ko.

Agad na ngumiti si Yvette sa kanilang dalawa.

"Hello din sa inyo! It's nice to meet you!" Masayang saad niya. At nakipagbeso pa nga sa dalawa. Na siyang ikinagulat nila.

Natawa nalang ako. Saka ako muling nilingon ni Yvette "Well, this is a first, normally ay ako pa ang nagpapakilala sa'yo ng mga nagiging kaibigan ko. Ngayon tingnan mo naman. Dala-dalawa pa ang ipinakilala mo!" Pagyakap sa akin ni Yvette.

Nagkibit balikat ako, at tuluyan na kaming umupo sa table namin.

"Bakit? Wala bang masyadong kaibigan si Yvaine noong nasa labas palang kayo?" Tanong ni Naomi.

Tumango si Yvette "Uh-huh. She's an introvert kasi. But approachable naman siya. May mga times lang kasi talaga na wala siya minsan sa mood makipag-usap sa ibang mga tao." Pag e-explain niya.

Tumangu-tango ang dalawa dahil sa sinabi ng kapatid ko. At nagsimula na kaming mag lunch.

"So kung gano'n, bukod sa personality. Meron pa ba kayong differences na dalawang magkambal? Unang tingin ko kasi sa inyo ay hindi ko na agad mawari kung sino ba sa inyong dalawa si Yvaine at i sYvette eh." Kwento ni Alexa habang binubuksan ang dala-dala niyang tupperware.

"When it comes to physical disparities, though. Ang masasabi ko lang na pinagkaiba namin ni Yvaine ay siguro 'yung mga mata namin." Pagtingin sa akin ng kapatid ko "Kapag kasi tiningnan niyo 'yung mata ni Yvaine at ang mata ko ay alam mo na agad kung sino 'yung matured na at kung sino 'yung malandi!" Pagtawa niya.

Napatingin tuloy silang dalawa sa akin. Pagkatapos ay kay Yvette naman.

"Well, oo nga nuh. Medyo nakakadala 'yung mga mata ni Yvaine compared sa'yo, Yvette. I mean, no offense lang ah. But, para kasing may something sa mga mata ni Yvaine kapag tinitingnan mo siya. Like... something astonishing na hindi mo maipaliwanag." Puna ni Naomi.

"Ay anukaba! Walang offense sa akin 'yon nuh! Actually, korek ka nga eh! Mas maganda talaga ang mga mata ni Yvaine kaysa sa akin!" Si Yvette. Habang tinitingnan ang cake na dala-dala ni Alexa.

"Wow naman, saan galing 'yan? May cake pala dito?" Manghang saad niya.

Ngumiti si Alexa "Galing sa boyfriend ko. Alam mo na, nagtampo kasi ako kagabi sa kaniya kaya eto. Pinagbake niya ako! Eto oh! Share tayong lahat dito syempre!" Paghahati niya sa cake at binigya kami ng tig-iisang slice.

"Wow naman, sana all!" Sabay-sabay naming sabi nila Yvette at Naomi. Kaya natawa kami.

Nang may namataan na naman ang mga mata ko sa may 'di kalayuan. Alam ko na kung sino 'yon, kaya hindi na ako nag-abala pang lingunin siya.

Ayoko na muna siyang isipin. Mas lalo lang lumalala 'yung nararamdaman ko sa kaniya kaya mas mabuti na sigurong iwasan ko na muna siya.

No. Hindi pala muna. Mas mabuti nang iwasan ko na siya. Nang sa ganoong paraan ay mawala na nang tuluyan itong nararamdaman ko sa kaniya.

I have to stay away from him and stop thinking about him.

"Naks naman, sabay-sabay pa talaga kayo sa pagsa-sana all ah!" Pagtawa ni Alexa "Bakit? Kayong kambal ba? Sino bang mga crush niyo?" Tanong ni Alexa sa aming dalawa. Sabay subo ng cake niya.

Ambrose Asylum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon