KABANATA 40

93 5 0
                                    

"Bakit anong problema?" Tanong ko kay Nathan nang makitang kakagaling niya lang sa pag-iyak.

Suminghot siya at umupo sa sofa ng aking clinic "Yung patient ko kasi na four months old baby palang, hindi na nakayanan. Nawala na." He said.

Nanlaki ang mga mata ko "Really?! Si baby Nicholas?!"

Huminga siya malalim saka tumango, I can tell he's devastated by what happened.

Kahit ako rin ay natulala sa balita. Sa isang iglap lang ay nawala agad ang ngiti ko sa labi dahil sa narinig. Goodness, I hope the parents of the newborn are doing well. Because I fully understand how difficult it is to lose a loved one.

"Kaninong phone 'yan?" Puna ni Nathan sa cellphone ni Stell na siyang nakapatong sa table ko.

Tinapunan ko lang ng tingin ang phone ni Stell, hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong ni Nathan o ano...

"Yvaine? New phone mo?"

Umiling ako, nagkatitigan kami.

He raised his brows, as if anticipating for my response.

Nang hindi pa rin ako sumasagot ay nagulat nalang ako nang humawak siya sa bibig niya. At umaktong gulat na gulat.

"Wait... did you steal it?!" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"No! Ano ka ba?" React ko agad, saka dumiretso sa medical locker ko. Kinuha ko ang x-ray ng isa sa mga patients ko para tingnan ang concern.

"Well then, kung hindi mo ninakaw 'yan. Kanino 'yan? Imposible namang bumili ka ng bago dahil lahat ng mga videos at photos ng anak mo ay nasa original mong phone."

Exactly.

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang x-ray.

I bit my lower lip "S-sa ama ng anak ko 'yan..." Mahina kong saad.

Dahilan ng pagtaas ng isang kilay ni Nathan "For real? Akala ko ba patay na 'yung tatay ni Skyler?"

Napakamot ako ng ulo ko dahil sa frustration. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa mga tanong ni Nathan. Hanggang sa makaramdam ako ng pananakit ng puson. Magkakaroon na yata ako.

Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pinto ng aking clinic. Sabay kaming napalingon doon ni Nathan.

"Come in." I formally said.

Dahan-dahang nagbukas ang pinto at iniluwal no'n ang anak ko.

"Hi Mum..." Mahina niyang bati.

Napangiti ako "Awww, hi baby! How are you? How's school?" Paglapit ko sa kaniya saka siya niyakap "Sinong kasama mo papunta dito?"

He smiled bubbly at me, saka itinuro ang kaniyang ama na siyang naghihintay sa amin sa waiting area.

Nagkatinginan kami ni Stell, nakasabit sa isang balikat niya ang backpack ni Skyler habang ang mga kamay ay nakapasok sa bulsa ng pantalon niya.

He's now wearing a plain white polo and khaki pants. Kung saan bumabakat sa white polo ni Stell ang kaniyang mga tattoo.

Dahilan ng... of course, ng pagtingin sa kaniya ng mga babae dito. The nurses, in particular. Which I don't mind because I've been used to it ever since.

"Are you going home now, Mama?" Tanong sa akin ng anak ko.

I faced him, ginulo ko ang buhok niya saka tumango. Kasabay ng paglabas din ni Nathan mula sa clinic ko.

"Oh, hello there Sky! How's your school?" Pagbati niya sa anak ko.

Skyler smiled at him "Hello, Dr. Nathan! I had a fantastic day at school today! Though it was exhausting due to my hangover from the fieldtrip the day before and my want to see my Dada again. But everything was fine!"

Ambrose Asylum (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon