Chapter 4

1.3K 41 0
                                    

Naya's POV

Natapos ang pag punta ko sa salon pati sa mall naka uwi na rin ang dalawa nakakapagod pero enjoy na rin. Papasok ako ng may makita akong sasakyan. Omg. Pag bukas ko ng pinto. Ang mga magulang ko nandito at kausap si Krever.

"oh,andito na pala ang asawa mo krever." sabi agad ni mama.

"ma,pa? Biglaan 'ata pag punta nyo. " sabi ko at niyakap sila bawat isa.

"parang ayaw mo nandito kami?" nag tatampong boses ni mama.

"Hindi po nagulat lang ako." sagot ko.

"kamusta lakad mo wifey?" sweet na boses ni krever nays,HAHAHAHAHAHA.

"Medj,nakakapagod pero ayus lang hubby. " sagot ko sa kanya ng may ngiti sa labi.

"oh,ang sweet naman ng mag asawa na 'to." natatawang saad ni mama.

"ma,pa rito na kayo mag dinner." presintang sabi ni Krever.

"ay,nako wag na tinignan lang namin kung okay kayong dalawa. " sabi ni papa.

"Oo nga ma,pa dito kayo mag dinner si hubby ang mag luluto." sabi ko kay mama at papa kita sa muka ni krever ang pag ka asar.

"Totoo ba 'un ijo? Marunong ka mag luto?" manghangang tanong ni mama kay Krever.

"opo syempre sasamahan ako ni wifey sa kusina." sagot nya kay mama at sabay hila sa 'kin.

"oh,sya sige mag luto na kayo at mag hihintay kami." sagot ni mama.

Pumasok na kaming dalawa sa kusina at kita ko sama ng tingin sa 'kin ni Krever.

"oh,bakit? Ikaw nag aya sa kanila na dito sila mag dinner dapat ikaw din mag luto." sabi ko sa normal na boses.

"pero? Alam mo di ako marunong mag luto. " sabi ni krever sa nahihiyang boses.

"hmm,then?" normal ko na tanong.

Di na sya sumagot at kumuha na lang ng mga gulay baboy at kung ano ano,ahhh sinigang lulutuin nya. Kita ko na nahihirapan sya kaya lumapit ako at pinaharap ko sya sa 'kin at nilagyan sya ng apron.

"yan,para di ka madumihan." naka ngiting saad ko at bumalik na sa pwesto ko. Mayamaya ay patapos na sya sa niluluto nya.

"mga anak kailangan na naming umalis sige. " sabi ni papa kaya wala kaming nagawa kundi hatid sila sa labas ng bahay. Naka alis na sina papa at mama.

"kumain kana? Kung di pa kumain kana. " sabi ko kay Krever.

"hindi na." sagot nya.

Pumunta akong kusina at nag hain para sa aming dalawa.

"tara kain na tayo sayang naman ulam." sabi ko at na unang umupo katahimikan ang namayani samin.

"tapos na 'ko. " sabi ni krever at tumayo mukang aalis. Di na ako nag tanong alam ko naman na kay Ayumi ang punta nya. Hinayaan ko na sya na lumabas ng pinto. Walang bago.

Itutuloy.....

I'm just his wife on paperWhere stories live. Discover now