Epilogue

1.5K 48 5
                                    

Kreverʼs POV

Nakatayo ako sa gilid ng altar habang nakatingin sa babaeng pinakamaganda sa lahat sa aking paningin ilang sandali na lang at magiging asawa ko na ulit siya. Habang naglalakad siya papunta sa akin ay hindi ko mapigilan ang kaba ang saya ko.

"Kinakabahan ka ba?" Napatingin ako sa nagtanong si daddy pala ito.

Ngumiti na lamang ako sa kaniyang tanong oo, Kinakabahan ako pero excited at ngayon nasa harap ko na ang pinakamagandang bride ibinigay sa akin ang kaniyang mga kamay at sabay kaming naglakad papunta sa gitna ng altar. Nagsimula na ang seremonya habang kinakasal kami ni Naya hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kaniya marami akong sinayang na panahon para iparamdam sayo ang pagmamahal pero ngayon sisigiraduhin ko na mararamdaman mo na ito at hinding hindi na ako magtatago ng nararamdaman ko sayo gaya ng dati.

Naya's POV

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon kinasal kami ni krever sa simbahan na kung saan kami unang nagkita. Kung panaginip lang ito ayoko ng gumising pa magiging asawa niya na ako ngayon hindi lang sa papel pati na rin sa puso niya. Mabilis natapos ang seremonya ng kasal at nasa reception na kaming lahat lahat ay masaya, kitang kita ko ang galak sa kanilang mga mata.

"Hey, I love you." Napatingin ako sa nag salitang nasa likod ko.

Niyakap ko naman ito tsaka nagsalita "I love you too."

“ Wow mommy kinikilig ako sa kwento mo hihi.” Napangiti naman ako sa sinabi ng aking bunsong babae na si Kreya.

“Gusto ko rin magkaroon ng ganiyang love story.”

Dagdag niya pa.

“Psh bata kapa Kreya.”

Agad akong na patingin sa panganay ko na lalaki na si Kairo na nakasimangot at masamang tingin sa kaniyang kapatid na babae.

“Bakit ba kuya? Susumbong kita kay daddy inaaway mo ako.” Paiyak na boses ni Kreya.

“Tsk.”

Napailing na lamang ako sa aking nakita sa kanilang dalawa.

“I'm home.”

Napatingin naman ako kay Krever agad siyang lumapit sa akin ngunit hinarang agad siya ni Kreya at niyakap siya nag sumbong tungkol sa ginawa ng kaniyang kuya narinig ko naman na napagsabihan siya ng kaniyang ama na masyado pa siyang bata tungkol doon narinig ko naman na agad siyang sumagot.

“Daddy naman e hindi ko naman sinabi na ngayon e masyado kayong advance ni kuya.” Nakabusangot niya na sagot.

“Pero Eya anak masyado ka pa—”

Hindi na natapos ni Krever ang kaniyang sasabihin na agad umalis sa harapan niya ang aming anak. Akala ko aalis na si Kreya pero tumigil ito at tumingin sa kaniya daddy at kuya.

“Kayong dalawa masyadong advance mag isip mag ama nga kayo.” Sabi nito at umirap bago tuluyang umalis.

Agad namang lumapit sa akin ang aking asawa at yumakap.

“Mag ka ugali nga kayo ng anak mong babae.” Naiiling na sabi nito sa akin.

“Kamusta naman ang anak mong lalaki huh? Kaugaling-kaugali mo.” Mataray ko na sagot sa kaniya.

Agad naman ako  nitong ginawaran ng mabilisan na halik sa aking labi at nakipag laro sa kaniyang mga anak.

Napangiti ako sa aking tanawin na aking nakikita. Hindi na lang ako asawa sa papel ngayon kung hindi kabiyak na kaniyang puso ina ng mga anak niya. May mga bagay na hinihintay dapat  gaya na lamang ng pag mamahal dadating ito sa tamang panahon at sa tamang tao.

I'm just his wife on paperWhere stories live. Discover now