Chapter 14

1.2K 35 0
                                    

Naya pov:

Nandito ako sa bahay nasa kwarto hindi ko alam kung nasaan si Krever ng biglang nag text yung partner ko sa report gawa na raw kami ngayon tinatamad man ako pero naligo ako at bumaba na sa kwarto ko.

"Saan punta ng misis ko?" Biglang sulpot ni Krever.

"Gagawa ng report." Tinatamad ko na sagot.

"Parang tinatamad ka?" Tanong n'ya at niyakap ako.

"Tinatamad talaga ako pero kailangan." Naka busangot ko na sagot.

"Sige na,Alis na ako." Sabi ko.

Di naman nag tagal yung pagawa ng report natapos rin sya na lang mag dadala sa school. Naka uwi na rin ako at pagod na umupo sa sofa.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Krever.

"Oo." Tamad ko na sagot.

"Inaantok ako." Sabi ko at pumikit na.

Ilang linggo na rin simula ng naging clingy si Krever Ewan nakakapanibago na. Nandito ako sa harap ng room nila nakalimutan n'ya yung project n'ya usb lang naman. Wala pa silang teacher Kaya pumasok na ako ng diretcho.

"Nakalimutan mo." Sabi ko sa harap n'ya sabay lapag ng usb sa Mesa n'ya. Na urong din ang festival. Next week na lang gaganapin.

"Salamat." Naka ngiti n'ya na sagot.

Ngumiti na lang ako ng hilaain n'ya ako at niyakap na parang bata.

"Hoy." Bulong ko sa kanya.

"Hala, Ano'ng meron sa kanila? Omg!! Bagay sila. " Kinikilig na sabi ng classmate ni Krever yawa.

"Pake ko sa kanila miss Kita eh." Batang sagot n'ya.

I hug him back.

"Bitaw na krev, May class pa 'ko hinatid ko lang project mo." Bulong ko sa kanya.

Binitawan n'ya na ako Kaya umalis na rin ako at pumunta na sa room ko.

Parang sobrang bagal ng oras ano ba yan,na iinip na ako.

"okay class." Pag pukaw attention sa 'min ng teacher ko.

"Mam?" Pag tugon ng mga ka klase ko.

"Labas lahat at pumunta sa court." Sabi ni mam. Sumunod ako nasa mag kabilang gilid ko si Migz at Sam.

"Ano kayang meron?" Tanong ni Migz.

"Hindi ko Alam." Pag sagot sa kanya ni Sam.

"Kahit ako walang idea." Sagot ko sa tanong ni Migz.

'kala namin kung ano 'un pala, papatulungin lang kami sa pag aayos ng festival.

"Na urong ba ang festival? 'kala ko next week pa?" Takang sabi ni Migz. Gulat kami ng sumagot yung nasa likod namin.

"2 days na lang festival na binago nila." Biglang singit ng ssg president namin na babae.

"Ay,kabayo." Biglang sigaw ni Migz Kaya napatingin ang ilan sa 'min.

"Naya?" Biglang tawag ng ssg president namin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May pageant Kasi laban ng iba't ibang school at gabi mismo ng festival gagawin puwede bang ikaw mag represent sa school?" Sabi n'ya at nag hihintay ng sagot.

"Bakit ako?" Takang tanong ko sa president ng school.

"Ikaw kasi ang pinaka suits sa pageant. Bukod sa maganda ka matalino at mabait rin. " Sagot n'ya naman.

"Gora vaklang Naya,ilaban Yarn!" Sabi sa 'kin ni Migz.

"Nga naman Naya." Rinig ko pang sabi ni Sam.

"Ako na bahala sa make up mo vakla sasamahan rin kita bumili ng dadamitin mo." Naka ngiting sabi ni Migz, mukang wala akong magagawa kundi ang pumayag.

"Sige." Sagot ko at hiyawan ang mga nakiki chismis.

Itutuloy.....

I'm just his wife on paperWhere stories live. Discover now