Chapter 27

1.1K 36 3
                                    

Naya pov;

Umalis na si krever sa bahay pagtapos ng pag pirma ko sa divorce paper ang sakit biglaan naman sʼya sa desisyon nʼya, di man lang inisip ang mararamdaman ko. Teka bakit nʼya nga ba iisipin ang nararamdaman ko, kung hindi naman nʼya ako mahal.

Ito ako ngayon naka upo habang iniisip kung gaano ako nasasaktan ng sobra, I need hug, mayamaya ay may tumawag sa cellphone ko nasa kwarto na ako, kaya tinignan ko kung sino at si Sam 'un. I answered the call.

"Sam." pag tawag ko at umiiyak, na ako ng umiyak.

"Naya, hey." halata sa boses ni Sam ang pag a-alala sakin.

"Sam, I need you." sabi ko at pinatay na ang tawag.

Mayamaya lang ay narinig ko ang doorbell sa baba at si Sam na nag mamadali kasama si Migz binigyan nila akong dalawa ng yakap.

"shhhhh, tahan na lalo kang pa pangit." pag papatahan sakin ni Migz.

"aray." biglang daing nʼya dahil hinampas sʼya ni Sam.

"Amazona ka talagang babae ka." mataray na sabi ni Migz.

Naka tingin ako ngayon sa kanilang dalawa.

"t*nga kita mong umiiyak na 'tong si Naya tapos ganyang kalokohan pa ang sasabihin mong baklita ka." masungit na sagot ni Sam kay Migz.

"don't you ever call me baklita" na iiritang sabi ni Migz.

"and why, baklitang Migz?" naka ngising sagot ni Sam.

"Call me baks, baklita it's sound kadiri." conyo na sagot ni Migz kay Sam.

"pft, parehas lang naman 'un, psh." bored na sagot ni Sam sa kanya.

Ngayon parehas na silang nakatingin sakin, na parang iniisip kung anong gagawin. Niyaya ko silang kumain sumunod naman sila at kumain pumunta kaming tatlo sa mesa si Sam na ang hain. Tahimik kaming kumakain ng biglang mag salita si Migz.

"Anong magandang gawin?" Tanong nito sa aming dalawa ni Sam. Habang sinalit salitan ang tingin sakin at kay Sam.

"Ewan." Simpleng sagot ko sa kaniya at kumain ulit.

"Naya, movie marathon tayo!" Masiglang sabi ni Migz sa 'kin kaya napatango na lamang ako sa kaniya at ngumiti.

"Anong papanoorin natin?" Tanong ni Sam kay Migz.

"Movie." Sagot naman ni Migz sa tanong ni Sam.

"What kind of movie?" Supladang tanong ni Sam kay Migz.

Kahit kailan ang mga ito. Tumayo na ako at niyaya sila.

"Tara nood na tayo, ano bang gusto niyong panoorin?" Tanong ko sa kanila. Namili ng mga movie. Nakapili na kami ang sinalang na. Tahimik kaming nanonood si Sam at Migz ay minsan nagtatalo parang mga bata talaga sila. Natapos ang pag mo-movie marathon namin gabi na rin pinauwi ko na sina Sam at Migz. Noong una ayaw nilang pumayag pero sa huli ay napauwi ko rin sila.

"Kaya ko na ang sarili ko, umuwi na kayo." Sabi ko sa kanila at ngumiti sa kanila hinatid ko na sila sa labas ng gate at nagwave na sa kanila. Nakapasok na ako sa loob ng bahay bawa ʼt sulok ay nakikita ko ang mga alaala namin ni Krever. Napabuntong hininga ako at kinagat ang labi ko para mapiligilan ang luha ko nagbabadyang pumatak.

Itutuloy.........

I'm just his wife on paperWhere stories live. Discover now