Kabanata tres

7 1 0
                                    

Isang lingo na ang nakaka-raan simula nang dumalaw saakin si Josefina, Ang huli pa naming pag uusap ay tungkol sa sulat.

Hindi tugma ang sulat sa imbistigasyon ng mga pulis, Ang sabi sa report ay patay na ang biktima nang tangalin ko ang ulo niya, Ang sabi sa sulat tinangal ko 'yon ng buhay siya.

Si Josefina ang nag sabi saakin patungkol sa imbistigasyon na nang yari, Lango raw ako sa droga kaya ko nagawa 'yon, 'yun ang tinuturong rason ko sa pag patay, Hindi ko rin alam kung paano ako nag positive sa drug test gayong hindi naman ako nagamit ng droga.

Hindi ko gusto nakaka-kita ng dugo kaya mas lalong hindi ko kayang pumugot ng ulo ng tao.

"Hoy! may dalaw ka nanaman!"

Araw ng mga dalaw ngayon, Mukang si Josefina na 'yon.

Agad akong tumayo at sumunod sa guardya patungo sa visiting area, Naka-tatlong linga na ko pero hindi ko pa rin nakikita si Josefina.

"Ayon yung dalaw mo." Turo ng guardya sa isang matandang babae na nakaupo sa harap ng isang mesa sa pinaka-sulok na parte.

Tinignan kong maigi ang matandang babae, Hindi ko siya kilala. 

Tinulak ako nang bahagya ng guardya para senyasan ako na lumapit na roon sa matandang babae.

Dahan dahan akong lumapit sa matandang babaeng malalim ang tingin saakin, Parang binabasa niya ang kaluluwa ko, Hindi ko alam pero may kung ano sa kanyang hindi ko maipaliwanag.

"Maupo ka."  
 
May galit akong nahimigan sa boses niya.

"Hindi kita sasaktan, Wag kang mag alala." Huminga ako ng malalim bago umupo sa harap niya. "Hindi pa." Dagdag niya.
 
Isang minuto na akong naka-upo at naka-tingin sa kanya at gano'n rin siya pero hangang ngayon ay wala parin akong naririnig sa kanya o dahilan ng pag dalaw o kahit manlang kung sino siya.

Kaya ako na ang nag pasyang mag salita.

"Sino ho kayo?"

"Ako ang papatay sa'yo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crime sceneWhere stories live. Discover now