Kabanata Dos

12 1 0
                                    

Maagang dumalaw ang kaibigan ko hindi na raw niya kayang mag-antay pa ng matagal bago ako madalaw.

"Pasensya na, Ngayon lang ako naka-dalaw uli, Wala rin ako nung nahatulan ka." Ngumiti siya ng tipid

Matagal na kaming mag kaibigan, Para ko na rin siyang kapatid, Napaka-bait ng Mama niya kaya palagi ako sakanila kasi masarap lagi ang luto ng mama niya.

"Ayos lang, Si tita pala kamusta? Lalo kang gumanda ngayon, Anne."

"Buntis kasi ako" Masaya niyang balita na nag-pa-ngiti rin sa'kin.

"Talaga? Congrats!" Bakas sa muka niya na masayang masaya siya kaya masaya ako para sa kanya.

"Salamat, Pero baka hindi na ko maka-dalaw ng madalas, Susubukan ko pa rin naman habang hindi pa malaki ang tiyan ko."

"Hindi, Okay lang, Buntis ka kaya dapat maingat ka na kasi dalawa na kayo ng baby mo." Ayoko rin siyang abalahin naiintindihan ko naman at sapat nang alam kong masaya ang kaibigan ko. "'Yung daddy pala ng baby mo?"

"Ah... Nasa trabaho"

"Gano'n ba? Buti nalang kasama mo si Tita may mag babantay sainyo ng baby mo pag wala pa 'yung asawa mo."

"Wala na rin si Mama" Mabilis na sagot nito.

Tinignan ko siyang mabuti, Sinisiguradong hindi siya nag bi-biro, Pero paano siya mag bi-biro kung ang Mama niya ang usapan.

"Ha? Ba-bakit? Anong nang yari kay Tita?"

Ngumiti ito ng malungkot bago sumagot.

"Wala ka nga palang naaalala, Hindi mo matatandaang kinuwento ko 'yon sayo."

I feel bad, Bakit ba kasi wala akong maalala?

"Pasensya na, Pero nakikiramay ako."

Nag kwentuhan pa kami saglit patungkol sa kung anong gusto niyang ipangalan sa magiging anak niya, May dala rin siyang pag kain para sakin, Meron ring maliit na bag kung saan nag lalaman ng sabon, Bagong tooth brush, Ilang pirasong Tshirt, at ilang pang gamit na maaarin kong magamit para sa hygiene.

Umalis rin siya agad matapos ng visiting hours.

Pag pasok ko sa selda itinabi ko agad 'yung bag sa gilid nga maliit kong papag, May mga dalaw rin ang iilan kong kasama na napansin ko kanina sa Visiting Area.

Sa palagay ko ay mga anak nila 'yon.

"Hoy, Nag bati na kayo nung dalaw mo na 'yon? Diba kaaway mo 'yon?"  Tumingin pa ko sa paligid para siguraduhing ako 'yung kinakausap ng isa pang babaeng preso.

Nang masiguro kong ako nga ang kausap niya dahil lahat sila saakin naka-tingin na para bang isa akong puzzle na mahirap buoin.

"Ha? kaaway?" Naguguluhan kong tanong.

"Wag na, Kalimutan mo na."

Crime sceneWhere stories live. Discover now