Guy friends >
Two and a half months ago at the Havana manor in Melbourne. Nine in the evening.
“Mom! I’m going out.”
“Rory! Saan ka nanaman pupunta ha?”
“Jessica’s having a party. I need to go. Besides, I’ve already said yes.”
“Anak ng tinolang may manok! Lahat ba ng party pupuntahan mo?”
“Ugh. Moooom.”
“Nagpaalam ka na ba sa dad mo?”
“Eh ano bang pake non? Hindi ko naman tatay yun. My dad is Chester. And he died last year. Meaning, wala akong tatay.”
“Tatay mo na siya ngayon. Pwede ba respetuhin mo na siya?”
“Tch. No way. I’m leaving.”
“Rory ano ba! Ngayon ka pa talaga nagrerebelde kung kailan buntis ako!”
“Ano naman kung buntis ka-? Teka. Ano? BUNTIS KA?”
“Oo. Three months na, anak.”
“Ba’t ngayon ko lang nalaman to?”
“Kung hindi ka umuuwi ng madaling araw na laging buhat ni Richard at Beverly tapos gigising ng gabi, baka nasabi na namin sayo!”
“I can’t believe this.” (Leaves)
“Rory!”
Yan lang yung pinagiisip ko ever since I heard the word ‘party’ again. Sobrang wild ko kasi dati. Lahat yata ng party inattendan ko tuwing may magiimbita. Galit na galit sakin yung mommy ko. Si stepfather naman, kunware concerned. Tch. Ang loser talaga niya, I hate him.
Anyway, I am not paying the least bit of attention to our professor. Hindi ko na sasabihin kung anong subject, at baka pag nalaman niyo, bigla niyo kong tularan.
Grabeh sobrang boring talaga, kaya heto ako, nagiisip, nagrereminisce na lang habang ngumunguya ng bubble gum.
Lumabas na nga si Max eh, niyaya ako pero sabi ko magtetake down notes ako, pero ang ginawa ko pinicturean ko nalang yung slides, bawat lipat. Pati si Jackie, si Milady, si Clarence at yung tropa niya, which consists of Yaki, Tom, and Zap. Halos lahat actually ng klase wala na.
Konti na lang kami dito. Sa row ko sa likod, ako na lang. Sa harap ko, si Troy at konteng mga masunuring babae. Sa second row naman, may isang tulog, si Earl (he’s the guy na nasa vending machine dati), laging tulog yan, kahit majors hindi pinapalagpas, tapos yung iba patagong nagtetext, at meron ding nagrereview para sa susunod na subject. First row, nako, puro gising. Lalo na yung isa dun, powerhouse ng room namin, sobrang talino nakakainggit lang. Yung iba, nagtetake notes, yung iba malapit na makatulog, parang bobble head na ang ulo.
“All men are mortal,
but Troy is a man;
therefore,, Troy is mortal.”
I badly wanted to shout DUHHHHH.
Ay hinde. Immortal po siya. Seriously, could we please watch a movie na lang?!
Nirolyo ko na lang mata ko. Common sense na to eh we don’t need a powerpoint with like a gazillion slides.
“Miss Havana. Pakitapon po yang bubble gum.”
Hala. Napansin ako. Deds.
Yung itsura niya parang nakangiting nananakot.
“Ok, ok.” Chill ka lang sir. Nasisiraan na siguro yon, kasi walang nakikinig.
BINABASA MO ANG
Got You Bad
Teen FictionAko si Rory. From Australia, pinabalik ako sa Pilipinas ng family ko. Everyone considers me exiled, kasi isa daw akong disgrace para sa kanilang lahat. Pero mabuti naman at nasa katinuan pa ang pagiisip nila para papasukin ako sa Carvell Academy, i...