Class Activity

192 5 8
                                    

CLASS ACTIVITY

Nakakainis naman oh, first time ko magcommute, talagang natsempuhan pang siksikan. Here I am, Rory, nakatayo sa bus. Pero buti naman at aircon to.

Hindi na ako nagpahatid sa personal driver ko, si Kuya Kenneth. Maiba naman diba. Parang ang boring ng buhay kung lagi ako nagpapahatid. Marunong naman ako magdrive pero, bawal. Ayaw talaga nila ako pagkatiwalaan eh.

Mga thirty minutes away pa rin ako sa school, pero nakatayo pa rin ako. Ano ba mga lalaki dito, ayaw mag-offer ng seat. Ugh. Wala yatang gentleman na nakasakay sa bus ngayon. Tulad nung tumulong sakin nung nag-pass out ako last Friday.

Nagpacute ako. Kunware akong super ngawit na yung hinihimas na ang tuhod and such, may tumingin sa aking mama.

Tapos kumindat.

Is he hitting on me?

Ew.

 His eyes deserve to be fried. Manyak much.

Hindi ko na nga tinignan ulit.

Baka isang sigaw ko lang mabugbog yang lalakeng yan.

Tumigil yung bus at nagpuno nanaman.

What the hell, Mr. Driver? Puno na nga pupunuin mo pa lalo. OVERLOADING MUCH? ANg bagal nga nung bus conductor eh, di pa ko nakakabayad.

Edi umatras nanaman kaming mga nakatayo. Masunurin kunware, pero may mga naririnig na kong nagmumura.

Di na ko lumingon, umaatras naman lahat eh. Sabay may naapakan ako. Napatingin ako sa paa nung taong nasa likod ko, bumakat pa talaga yung ilalim ng school shoes ko sa black leather shoes niya. Halatang-halata pa yung butterflies na print.

Oh no.

 Grabe lang baka tadyakan ako nito!

“Ay sorry po!” Nagmadali akong yumuko, tapos kung kani-kanino nang humampas yung Furla bag ko, take note: ang mahal non ah! Pinunasan ko yung sapatos niya gamit yung kamay ko tapos-

“Hey. You can stop now,” Hinawakan nung guy yung kamay ko, kaso may marka pa yung shoes niya.. I wouldn’t dare look at his face, pero since makulit naman ako, I did.

OK.

Awkward.

Yung kaklase kong pogi pala to. Kaso sobrang suplado.

Meron siyang dark brown hair and eyes, clear and fair skin, straight teeth, adorable lips, a good body build, and looked like a guy full of class. Nakakainis nga lang kasi para siyang laging may sariling mundo.

He cleared his throat.

Ayon, napatayo ako ng maigi. Medyo ang lapit na ng ilong ko sa polo shirt niya, at di ko sinasadyang maamoy yung cologne niya.. Parang cool na hangin na ewan. Ang bango. Well hey, a girl’s gotta breathe.

Inayos nung guy yung salamin niya; thick rimmed. Ngayon ko lang napansin, nakaearphones pala siya. And he was reviewing while standing in a bus. Posture na posture ang peg niya, straight body.

“Umm. Sorry about that again.” Sinabi ko, nahihiya talaga ako, napapaenglish ako pag nahihiya ako eh or kapag galit. Pero ngayon, sa hiya. Halos magkadikit na nga kami eh.

He just nodded at sinabi ng mahina, yung ako lang ang nakakarinig, “You shouldn’t crouch around like that when you’re wearing a skirt.” Tumingin ako sa baba, oo nga naman. Imagine-in mo na lang yung uniform sa Gossip Girl, parang ganon, tapos kanya-kanyang dala.

Ewan ko lang ha, pero di ko alam kung dapat ba kong mairita, or kiligin sa sinabi niya. Parang ang bossy na ewan. Pero malay ko, baka concerned siya diba?

Got You BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon