Meet Rory

270 6 4
                                    

Meet Rory

Lagi na lang yung good girl, yung mahinhin, yung ala- Maria Clara, yung pusong mamon. Aba, lamunin ko yang mamon na yan eh! Lagi nalang pabor sa inyo lahat.

And I’m so sick of it.

Napapahamak ako dahil sa mga yan eh, sa kanila ako lagi kinukumpara.

“Ah si Rory? Bitch yun eh.”

“Nako, walang gagawing matino yun!”

“Pahamak.”

“Your daughter has crossed the line.”

Kagigil lang.

Kayo ba, perpekto?

Parang di dumaan ng ganitong phase ng adolescence eh?

They notice my every error and forget about my good deeds. At dahil dun, pinilit nila akong umalis ng Australia, kahihiyan na raw kasi ako ng pamilya namin dun. Eh wala naman ako magagawa, kung ayaw nila sakin, pagpipilitan ko pa ba sarili ko?

Definitely not. If that’s what they want.. Fine.

Buti na lang pinasama sakin si Manang Luisa, siya na lang pamilya ko ngayon dito sa Pilipinas. Bali nakatira kami sa condo ngayon, maliit lang, walang binatbat sa mansion naming sa Melbourne.

Nakakaraos naman ako. Somehow. Ayoko na lang umangal.

My family would just push me away more if I did that..

Yung ate kong perpekto, yung kuya kong walang pakielam sakin, yung nanay kong may pakielam sakin pero maspinili pa yung step husband niya, and yung tatay ko.. siya lang yung talagang kakampi ko eh, pero nasa langit na siya kasama yung.. supposedly baby sister namin.

Mga kaibigan ko naman, mga party people, puro peke, kapag may exam naman, didikit lang para kumopya. Tatlo lang talaga ang tunay, naiwan ko pa sa Australia; sila Beverly, Richard, and Santana.

 I’m living a pretty wild but lonely life.

Sabihin na lang natin na marami akong ginawang kalokohan at di na talaga natuwa yung mga magulang ko. Pero even if I’m classified as bad, I know in myself na mabuti ako. Sila lang talagang nagsasabing masama ako. Hindi naman ako potential super villain or serial killer.

Sa totoo lang, di porke’t mabait ang isang tao, mabait na talaga siya, lahat may other side pa rin, hindi sila palaging goody-goody; lahat may tinatagong baho. Sa ganitong panahon.. mahirap na makakita ng nagpapakatotoo.

 Good people can be fakers, mga pa-cute lang, pa-tweetums tweetums. Bad people, they’re sometimes just being frank and true to themselves; minsan nga, magugulat ka na lang, mabait naman pala.

 Buti pa ko, nagpapakatotoo. Sabihin nating tao akong natatae.. Sasabihin ko sa friend kong natatae ako ng hindi nagmumukhang bastos. Di ako yung magpipigil at ngingiti ngiti at nagpapawis pawis sa gilid, tapos pagpunta sa CR sabi iihi lang daw and maya-maya may maririnig ka nang orchestra at may masamang amoy pa. Sorry, ito pa ang ginamit kong pangcompare. But really, I’m the realest you may meet.

Ngayon at nasa Pilipinas na ko, fresh start na. New school, new neighborhood, new people. And I’m not expecting anything.

Kakalimutan ko na muna yung drama, iisipin ko na lang ang ngayon. No to boyfriends muna; bahala kayong maglaway diyan. No to family; bahala muna sila sa sarili nilang buhay sa Australia.

Tinaboy nila ako, itataboy ko din sila.

Hi, sana nagustuhan niyo. Medyo rough pa, first time ko kasi magsulat ng Filipino. This is the revised chapter by the way! Haha. Sana naintindihan niyo ang magulong kaisipan ni Rory. If you have questions/corrections.. pm/comment below. :D

Vote/fan/comment..

Add to your library kung gusto niyo pang ipagpatuloy yung pagbabasa niyo. ;)

Stay tuned for the next chapter! :)

Got You BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon