1: Pagtatagpo

70 3 0
                                    


"Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito.

Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap.

Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan.

"bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang kaeskwela nilang nakalugmok sa lupa.

Gustuhin man sumigaw ng lalaking nakalugmok sa lupa upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan.

Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaawa sa mga lalaking kaeskwela niya.

Marami rami na rin siyang natanggap na suntok at sipa sa mga lalaking ito kaya naman hirap na din siyang kumilos at tila nawalan na ng lakas dahil sa sakit na nadarama ng kanyang katawan.

"nakuha niyo naman na ang pera ko... ang baon ko... ang mga gamit ko... ano pa bang kailangan niyo?" may kahirapang sambit ng nakalugmok na lalaki dahil na din sa pagkakahablot pataas sa kanyang buhok dahilan upang umangat ng bahagya ang kanyang mukha mula sa lupa.

Nagtawanan naman muli ang tatlong mapanakit na lalaki.

"tol! tinatanong kung ano pa daw ang kailangan natin?" saad ng isang bully na estudyante at agad na nagtungo sa kabilang gilid ng nakalugmok na kamag-aral nila at agad itinayo ito paharap sa kasamahan nito.

"eh paano kung sabihin namin na ang kailangan namin ay mawala ang kagaya mong salot na bakla?!!" saad ng lalaki at agad itong nagbitiw ng suntok diretso sa sikmura ng kawawang estudyante.

Napaluha ang baklang estudyante dahil sa sakit ng suntok na kanyang natanggap at naging sanhi din ito upang dumaloy ang dugo sa gilid ng kanyang labi.

Tutumba sana siyang muli sa lupa ngunit hindi ito hinayaan ng batang lalaking nagtayo sa kanya.

"wag ka munang mahiga, di pa kami tapos sayo, gusto mo pa atang maging sleeping beauty diyan sa lupa eh" saad naman ng isa pang estudyante na inihahanda ang kamao nito para suntukin din ang tila naging lantang gulay na, na estudyanteng pinagtutulungan nila.

Pero bago makasuntok ang estudyanteng lalaki ay bigla nalang may dumating na isang pang estudyante na mas angat ang antas sa kanila.

"mukhang nagkakasiyahan ata kayo dito? wala na ba kayong magawa at nagawa niyo nalang pagtulungan ang isang wala namang kalaban laban sa inyo?" saad ng lalaking estudyante na may pagka brown ang buhok at ginintuang mata habang nakapamulsang naglalakad palapit sa kanila.

Tila kinabahan naman ang tatlong estudyante sa kung sino ang papalapit sa kanila.

"teka... ikaw si..." saad ng isang estudyante na may hawak sa baklang kaeskwela nila.

Kinakabahan man ay nagtapang tapangan nalang ang isang estudyante na siyang sumuntok sa sikmura ng pinagdidiskitahan nilang kaeskwela.

Naisip niya na nag iisa lang naman ang estudyanteng ito na tila humahamon sa kanila.

"sino ka ba sa akala mo?! wala kang pakialam sa kung ano ang gusto naming gawin sa baklang to! o baka naman gusto mo din magaya sa kanya?" matapang na banta ng estudyante.

Napahinto naman ang estudyante na kulay brown ang buhok sa paglakad at gumuhit sa kanyang labi ang kakaibang ngiti.

"tignan natin" saad ng lalaki na kulay brown ang buhok at agad itong lumundag ng mataas patungo sa nagtapang tapangan na lalaki at agad itong nagbitiw ng sipa na sumapol sa mukha nito.

The Vampire who will fall inlove with me (Version 2.0)Where stories live. Discover now