5: new friend

7 1 0
                                    

Nakakapanibago ang buong araw na ito para kay Erinn sa eskwelahan.


Nagpunta na kasi si Briston kasama ang buong basketball team sa inihandang training camp ng kanilang coach kaya isang linggo din niya itong di makakasama.


Sanay naman nang mag-isa si Erinn pero siyempre nasanay na din siya na nasa tabi niya parati ang kanyang kaibigan na si Briston kaya napakalaking pagbabago pa din ang kanyang nararamdaman.


Gaya ng dati ay mga mapanuri at mapanghusgang mga mata pa din ang ginagawad sa kanya ng mga kapwa niya estudyante.


Pilit na lang iniiwasan ni Erinn ang mga ito para na din hindi makaakit ng kaguluhan, baka kasi mamaya ay may makaisip na bigla nalang siyang pagtripan lalo na at wala sa kanyang tabi ang tigapag tanggol niyang si Briston.


Habang mag-isang binabaybay ni Erinn ang kahabaan ng hallway sa kanilang eskwelahan papunta ng labasan ay napagpasyahan muna nitong dumaan sa banyo para makapaghilamos.


Yun nga lang, ang di alam ni Erinn ay may nakasunod pala sa kanya na minamanmanan ang bawat kilos niya.


Pagkapasok ni Erinn sa comfort room ay agad niyang sinipat ang paligid kung may iba pa bang tao doon.


Pero gaya ng inaasahan, dahil sa uwian na ng mga estudyante ay wala na siyang naabutan sa lugar na iyon.


Nagtungo si Erinn sa may lababo na may nakadikit na malaking salamin sa pader na nasa harap nito.


Agad niyang binuksan ang gripo at pinadaloy ang tubig na agad niyang idinampi sa kanyang mukha.


'mukhang kaakibat na talaga ng buhay ko ang mahusgahan at mapag tripan, tama nga siguro ang sinabi ng tatay ko noon sa akin na puro kamalasan lang ang dala ko, kaya maging siya ay iniwan din ako' si Erinn na pinilit ngumiti sa harap ng salamin kahit kasabay noon ay ang pagpatak ng kanyang mga luha na humalo sa mga butil ng tubig sa kanyang mukha.


Pero kahit ganoon pa man ang namumutawi sa isip ni Erinn ay di pa din siya nawawalan ng pag asa, dahil may tao pa naman na tanggap siya at alam niyang mahal siya kahit ano pa siya, gaya ng kanyang tiyahin at ni Briston.


Sapat na dahilan na iyon para lumaban siya at magpatuloy sa buhay, pasasaan man at makakakilala at makakatagpo din siya ng mga tao na matatanggap din siya gaya nalang ng kanyang kaibigan na si Briston.


Parang sa marathon, kung alam mo naman na may nag aantay at sumusuporta sa iyo sa finish line, kahit isang tao lang ay bakit ka hihinto sa pagtakbo sa kalagitnaan ng laban? di man ikaw yung first o ikaw man yung pinaka huli, ang importante ay pinatunayan mo na kaya mong tapusin ang nasimulan mong takbo sa buhay.


Muling naghilamos si Erinn ng kanyang mukha para mapawi ang luha sa kanyang mga mata at agad niyang kinuha ang bimpo sa kanyang bag para pangtuyo.

The Vampire who will fall inlove with me (Version 2.0)Where stories live. Discover now