3: Balita ni Briston

6 1 0
                                    

Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan.


Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong.


Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito.


Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone.


Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook.


Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol  sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa bayan ng Miserya ito nakatira.


Dati na daw kasi silang nanirahan ng babaeng iyon kasama ng kanyang ina sa bayan ng Miserya noong bata pa lamang siya at talagang madaming haka-haka sa bayang ito ukol sa mga misteryosong nilalang.

Chat Box:

Rin_Rin_goaway: @Misteryoza_08, alam mo ba na may kakaibang nangyari sakin kagabi? as in, baka di mo paniwalaan😱


(typing.......)


Misteryoza_08: Hala! 😍 naintriga ako bigla bakla, itinigil ko talaga yung panonood ko ng getflix para sa chika mong yan.


(typing......)


Rin_Rin_goaway: paano kasi, may nagtangka nanaman mambully sakin, tapos ayun, nataguan ko sila, pero ang ending napunta ako sa mapunong parte ng eskwelahan namin 😱😱😱


(typing......)


Misteryoza_08: OMG!!! 😍 exciting naman!! di ba madami daw kababalaghan sa parte na yan?


(typing......)


Rin_Rin_goaway: true, at di lang kababalaghan, mga kakaibang nilalang pa kamo 👻


(typing.....)


Misteryoza_08: naku!!! sige na ituloy mo na yung kwento mo, nabibitin ako eh 😖


(typing...)


Rin_Rin_goaway: ayun na nga, bigla nalang may lumabas na duguang lalaki sa gilid ng puno, tapos take note, may palaso pang nakatarak sa likod niya, sobrang natakot ako, pero, pumsok pa din sa isip ko na tulungan siya at inalis yung palaso sa likod niya, daming sumirit na dugo friend.🤮

The Vampire who will fall inlove with me (Version 2.0)Where stories live. Discover now