Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito.
'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat.
Dahan dahan ito sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa, di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste.
"wag.... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa.
"yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn.
Sa pagkakatumba ng duguang lalaki ay naisip ni Erinn na pagkakataon na ito para siya ay makatakas.
Di na nagdalawang isip pa si Erinn at naglakad agad siya palayo sa nakahandusay na duguang lalake, pero bigla nalang siyang napahinto ng maisip niya na baka nangangailangan lang ng tulong ang lalaking iyon.
Nakakakonsensya naman kung iiwanan nalang niya iyon ng basta basta.
Naguguluhan man sa kanyang isip, ay binalikan na lamang niya ulit ang nakahandusay na duguang lalake upang siyasatin.
"ano bang gagawin ko? mukhang di naman mabangis na nilalang ang isang ito, pero bakit kaya siya nagtamo ng ganyang mga sugat?" si Erinn at siniyasat pa ng maigi ang nakahandusay na lalaki.
Nakita ni Erinn sa likod ng lalaki malapit sa balikat nito ang nakabaon na itim na palaso.
"teka, ang gusto ba niya ay alisin ko ang palaso na iyon?" si Erinn at agad niyang nilapitan sa bandang gilid ang nakahandusay na lalaki kung nasaan nakatarak ang itim na palaso.
"bahala na, basta ang alam ko ay kailangan ng tulong ng lalaking ito" saad ni Erinn at agad siyang kumuha ng towel sa kanyang bag.
Habang sinisiyasat ni Erinn ang likod ng duguang lalaki para maalis ang itim na palaso ay tila nahulog naman sa kakaibang panaginip ang lalaking ito.
Sa isang lugar na nababalot ng purong kadiliman ay may isang boses na pumangibabaw sa lahat.
"Mahal na mahal kita Volt" saad ng boses ng isang babae.
Dahil sa kadiliman ay walang maaninag ang lalaki na nababalot sa itim na balabal, pero tiyak niya na kilala niya kung kanino galing ang naturang boses na iyon.
"Elledea?!! nasaan ka?! Elledea!!! wag mo akong iwan!! mahal na mahal kita Elledea!!" sigaw ng lalaki na napapalibot sa kadiliman.
Hinanap niya kung saan nagmula ang tinig, sinuong niya ang buong kadiliman pero wala, sadyang napakadilim ng paligid para makita niya ang babaeng kanyang sinisinta.
"Elledea! nasan ka na ba? bakit ganon? napakadilim ng paligid ko pero bakit nakikita ko ang aking kabuuan? nasaang lugar ba ako?" Pagtataka ni Volt sa kanyang sarili.
Sa pag-iisip ni Volt ay isang sigaw ang umalingawngaw sa buong kadiliman.
"Elledea???"
Matagumpay naman na naalis ni Erinn ang palaso at gaya ng inaasahan ay nagsisiritan ang mga dugo ng nakahandusay na lalaki, kaya naman agad tinapalan ni Erinn ng malinis na towel ang pinag alisan niya ng palaso sa likod ng lalaki.
Labis naman na pinagpawisan si Erinn sa kanyang ginawa at dahil sa kuryosidad ay di niya napigilang siyasatin ang itim na palaso.
"ngayon lang ako nakakita ng ganitong palaso, kakaiba ang disenyo nito kumpara sa mga ordinaryong palaso na nakikita ko, pero bakit kaya nagtamo ang lalaking to ng ganito?" pagtataka ni Erinn at itinapon nalang niya ang itim na palaso sa may damuhan.
YOU ARE READING
The Vampire who will fall inlove with me (Version 2.0)
VampireHabang nagtatago sa grupong humahabol sa kanya ay di sinasadyang napadpad si Erinn sa mapunong parte sa likod ng kanilang eskwelahan. Nung gabing iyon, di niya lubos akalain na Magtatagpo ang landas nila ni Volt, na isang bampira, na puno ng sugat...