6: Saved by the bell

13 1 0
                                    

Walang kamalay malay si Erinn sa nangyari kay Chester, nagulat na lamang ito ng bigla itong bumulagta sa kanyang likuran at nawalan ng malay.


Labis na nabahala si Erinn sa kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan, kaya agad niya itong nilapitan.


"Chester! anong nangyari sayo?!" pag alala ni Erinn na pilit ginigising ang nawalan ng malay na si Chester.


Ilang alog at tapik pa ay nagulat nalang si Erinn ng biglang bumukas ang mga mata ni Chester at gumalaw ng mabilis ang mga kamay nito para siya ay sakalin.


Agad nagpumiglas si Erinn sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Chester, na tila pursigido itong bawian siya ng buhay.


"Ches...ter!! a-a-anong... gina...gawa mo?!" si Erinn na pilit kinokontra ang mga kamay ni chester sa pagkakasakal sa kanya.


Di tumugon si Chester bagkus ay bigla nalang pumula ang mga mata nito at unti unting nangitim ang mga ugat nito mula sa mata palibot sa buo nitong mukha hanggang sa dumaloy ito sa buong katawan niya.


Dahil sa pagkatakot  sa nakita ay nagkaroon ng lakas si Erinn para makawala sa mga kamay ni Chester.


Nang matagumpay siyang nakawala ay di na siya nagpatumpik tumpik at agad siyang tumayo at tumakbo palayo dito.


Habol ang hininga, ay mabilis na tinatakbo ni Erinn ang madilim na pasilyo ng eskwelahan papunta sa labasan.


Naisip niya na humingi ng tulong sa guwardya na naka istastyon sa labas ng gate.


Ilang liko at takbo pa ay nakita na ni Erinn ang pintuan palabas.


Abot tenga na sana ang ngiti ni Erinn sa pagkakakita niya sa pintuan na iyon at talagang akala niya ay makakahinga na siya ng maluwag at makakahingi na siya ng tulong subalit, sa di malamang dahilan ay hindi niya ito mabuksan.


Kahit ilang pihit, hila at tadyak pa ang kanyang ginawa para mabuksan ang pintuan na iyon ay walang saysay, dahil tila ba may kung anong enerhiyang bumabalakid sa pintuan para siya ay makalabas.


Mas dumoble pa ang kaba ngayon ni Erinn dahil di na siya pwedeng bumalik sa pasilyong kanyang dinaanan para dumaan sa kabilang labasan dahil tiyak ay makakasalubong lang niya si Chester.


Naisip nalang ni niya na magtago sa nabakukas na silid na kanyang makikita para makapag isip na din ng susunod niyang hakbang.


Gustuhin man niya sa bintana nalang dumaan ay hindi din naman siya makakalusot dahil may mga rehas na nakakabit dito.


Habang naghahanap ng nakabukas na silid na pwede niyang pagtaguan ay sinisipat din ni Erinn ang may kadilimang hallway sa kung saan maaaring lumabas si Chester sa paghabol nito sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Vampire who will fall inlove with me (Version 2.0)Where stories live. Discover now