ORIGINAL STORY WRITTEN BY makosikeom.
"Totoo ba 'yan Auntie? Ikakasal na si Gladys?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama kay Lola Rosie na ngayon ay kausap niya through video call.
"Oo, kami nga rin ni Uncle mo hindi makapaniwala. Akala namin tatanda nang dalaga. Pero magdadalawang taon na pa lang may boyfriend di lang nagsasabi."
Tahimik lang akong nakaupo sa likuran ni Mama habang nakikinig sa usapan nila. Naglilinis kami kanina ni Mama nang biglang tumawag si Lola Rosie para ibalitang ikakasal na ang bunsong anak niya.
Ako rin, akala ko talaga tatanda nang dalaga si Tita. Kasi naman matagal nang laglag sa kalendaryo pero wala pa ring pinakikilala sa pamilya. Mag-38 na yata siya ngayong taon eh. Super workaholic kasi ang tita kong 'yon kaya no time for romance. Pero sa wakas, ikakasal na rin siya. I'm so happy for her.
"Australiano ba ang mapapangasawa niya Auntie?"
"Hindi, Pilipino rin. He's a good man, a responsible one. Siguradong nasa mabuting kamay ang pinsan niyo sa kanya."
"Mabuti naman po kung gano'n. Taga-saan po ba siya?"
"Bulacan."
Napatigil ako bigla sa sinabi ni Lola. Bulacan?
Paano sila nagkakilala ni tita? Nasa Australia si Tita, tapos nasa Bulacan yung boyfriend niya?
"Ang layo naman pala. Paano sila nagkakilala?"
"Hay naku, siyempre katulad ng kung paano nagkakaroon ng boyfriend ang mga kabataan ngayon. Nagkakilala sila sa facebook. "
So that explains everything, internet love. Akalain mo 'yon may nagtatagal din pala diyan.
Uso 'yan ngayon, lalo na sa generation namin. Makakakilala ka ng tao sa social media. Kadalasan sa facebook. Chat-chat lang minsan call pa. Tapos makakapalagayan mo ng loob, magiging kaibigan hanggang sa maging kayo.
Pero karamihan sa mga nakakahanap ng karelasyon sa internet hindi nagtatagal. Paano ba naman, ang iba kahit limang araw pa lang silang magkakilala basta bet ang isa't isa maga-iloveyohan tas jojowain na agad. Hindi makapaghintay, nagmamadali? Hindi man lang kinilala ng mabuti kaya't nauuwi sa immature relationship.
Swertehan lang paghahanap ng jowa diyan. Swerte ka na kung makakakilala ka ng matino. But trust me, kung ako sa inyo hindi na ako papatol sa internet love na 'yan. Dahil karamihan na mahahanap mo diyan ay CHEATER! Tipong habang ka-chat ka niya may binobola pang lima. Akala mo ikaw lang ang 'baby' niya. Pero may babe, honey, bhie, bb, love, mahal at ali pa pala!
***
"WAAAAH! Babe, ayoko na ang hirap!" Halos maiyak at maglupasay na sa sahig si Hannah.
Nandito kami sa ground ng University tumatambay pagkatapos ma-stress. Katatapos lang ng klase namin sa isang major subject kung saan nagpa-surprise quiz ang Prof namin. At sa kasamaang palad na-late kami ni Hannah at itlog pa ang nakuha.
"Bakit ba kasi Civil Engineering kinuha natin? Sabi kasi sa'yo mag-education na lang tayo eh!"
"Pwede ba babe, tama na 'yan. Walang magagawa 'yang kakangawa mo diyan. Kahit magreklamo ka pa buong maghapon hindi niyan mabubura ang itlog na score natin sa record ni Mam," I rolled my eyes at her.
Sinimangutan niya lang ako.
"At tsaka hindi lang naman tayo ang walang nakuha. Duh! Half of the class walang nakuha. Highest score nga 4/10."
Eh kasi naman hindi siya nag-discuss kahapon tas biglang nagpa-surprise quiz.
"Kahit na! Nakakahiya pa rin 'yon."
YOU ARE READING
THE UNFINISHED LOVE STORY (On-going)
Teen FictionIsang love story na nagsimula at natapos sa internet. Sa kanilang pagtatapo sa personal, may pag-asa bang masimulan muli ang kwentong matagal nang naisara? Date started : July 14, 2021 Date finished: