CHAPTER 2

10 0 0
                                    

GUNTHE KO!!!

Dane:  @Janeayara Benzana

Janeayara: Oh?

Dane: Ano 'tong sinasabi ni Hannah na nanapak ka na naman daw ng lalaki sa
Univ the other day?

Margo: Hulaan ko kung bakit. Isa na namang cheater lods?

Franchesca: Ano pa nga ba? Si Janeayara Benzana lang naman ang pinag-uusapan natin. Ang nag-iisang frenny natin na notorious sa pananapak ng mga cheater.

Janeayara: Yeah whatever🙄

Hannah: Yeah whatever ka diyan. Alam mo ba kung sino yung sinapak mo?
Anak pala ng dean, babe!

Kiara: Woii gagi, buti di ka nabigyan ng disciplinary actions.

Janeayara: Kahit mabigyan ako ng
disciplinary actions, hinding-hindi ako magso-sorry sa lalaking 'yon. Deserve niya 'yon, gago eh. Siya pa may ganang tawagin ng tanga ang gf niya eh siya na nga itong nagkasala.

Abala ako sa pagluluto habang nakikipag-usap sa group chat sa mga kaibigan ko. Mga highschool best friends namin sila ni Hannah. Same University pa rin kaming lahat pero minsan na lang kung magkita dahil iba-iba kami ng course.

Hannah: Grabe ang lakas ni Jane ah. Putok ang labi ng kawawang lalaki

Margo: Vinideohan mo sana para nakita namin.

Hannah: Uunahin ko pa ba 'yon? Eh sa galit nga nang lalaki baka binangasan din niya pabalik si Jane. Buti nga dumating si Lance eh.

Dane: Pero seryoso Jane, I think kailangan mo nang itigil 'yang ginagawa mo. Ang pakikialam mo sa mga couple na may issue ng cheating.

Janeayara: Wala namang masama do'n. Gusto ko lang naman tumulong.

Kiara: Anong walang masama? Pakikialam na 'yang ginagawa mo eh. Hayaan mo silang ayusin ang mga issues nila sa buhay.

Margo: Basta ako, kung saan ka masaya support kita lods. Basta sa susunod videohan niyo para makita namin ang mala-Pacquiao na moves ni Jane.

Napatawa na lamang ako sa sinabi ni Margo. Kahit kailan talaga itong babaeng ito.

Ano bang masama sa ginagawa ko? Tinutulungan ko lang naman ang babaeng winawalang-hiya ng mga manlolokong boyfriend nila. Kulang pa nga ang sapak sa kagaguhan nila eh. Ang dapat sa kanila ibinibitin patiwarik tapos pagsusuntukin ng paulit-ulit ang mukha nila hanggang sa masira ang pagmumukha.

Mga gagong 'yon kung makapagloko akala mo naman sobrang gwapo nila. Mga mukha namang tubol!

Elara: Anong pinag-uusapan niyo?

Kiara: Backread ka mare, uso 'yon.

Franchesca: Agree ako kina Dane at Kiara. Stop na sa pananapak Jane. Maghanap ka na lang ng bebe mo para naman mabawasan kahit konti 'yang ka-bitter'an mo sa katawan.

THE UNFINISHED LOVE STORY (On-going)Where stories live. Discover now