Nagising ako sa malakas na tunog ng phone ko. Tumatawag si Hannah.
"Hello?" inaantok na sagot ko.
"Good morning babe, nagising ba kita?"
"Naistorbo mo 'ko!" Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Tinawanan niya lang ako.
"Sorry my bad. Nakauwi na kayo right? Magpaalam ka kina tita may overnight tayo kina Kiara mamayang gabi. Susunduin kita mamayang 4 pm and ihanda mo na 'yang laway mo dahil siguradong marami kang ikukwento sa amin," nae-excite na aniya.
Sus! Chismis lang hinihintay nito eh.
"Hmm, di pa ako nakauwi. Di ako pinauwi ni---"
"Ano? Don't tell me nagkabalikan na kayo ni Nico at ayaw niyo nang mahiwalay sa isa't isa kaya diyan ka na titira? Babe, masyado ka pang bata para makipag-live in! Paano kapag nabuntis ka ha? Paano na ang pangarap nating maging engineer? Babe naman, huwag mo namang sirain ang kinabukasan mo para lang sa iisang lalaki."
Ito talagang babaeng 'to ang OA! Kung katabi ko lang talaga 'to kinurot ko na singit niya.
"Gagi! Ano'ng live in, nagkabalikan? Walang gano'n! Ipinakiusap lang ni Tita na dito muna ako kasama sila habang bakasyon natin."
Uuwi na dapat kami kagabi pa sa Ilocos Norte. Kaso lang nakiusap si Tita na kung pwede dito muna ako sa kanya habang bakasyon pa namin. Para daw makapag-bonding pa kami at para naman kahit papaano may nakakausap siyang Ilocana.
At dahil malakas si tita kina Mama,of course pumayag sila.So that means, mananatili ako rito ng one month or more. Depende kung kailan ang enrollment. Hindi naman masama dahil nakapunta ako sa ibang lugar pero siguradong mabo-bored ako dahil wala naman akong mga kaibigan dito. Well mabait naman si Nichole pero di pa kami close. Si Lia naman hindi naman siya laging narito kina Lola niya. Si Nico naman, we agreed to be friends again pero di ko alam kung ano'ng mangyayari. Basta bahala na.
"Siyempre joke lang ito naman," aniya. Napairap na lang ako sa hangin.
"Pero wait babe, habang bakasyon meaning mananatili ka diyan ng one month or more?"
"Oo eh."
"OMG! Good luck na lang sa'yo."
Yeah, sana nga good luck ang dumating sa akin habang narito ako.
Pagkatapos namin mag-breakfast nag-decide akong maglaba na lang ng damit. Sampung pares lang ang dinala ko rito dahil hindi ko naman aakalaing tatagal ako nang ilang buwan rito. Nagamit ko na lahat, isa na lang natira kaya kailangan ko na talagang maglaba.
Naabutan ko sina Tito at Tita sa sala. Tinutulungan ni Tita si Tito na maghanda para sa trabaho niya. How cute! Wife na wife na talaga ang dating ni Tita. Inaayos na niya ang neck tie niya nang mapansin niya ako.
"Oh Jane why do you have all those things with you?" Turo niya sa mga damit na hawak ko. "Maglalaba ka ba?"
"Oo sana Tita, gamit na po kasi lahat ng damit ko."
"Gano'n ba? But we don't have water supply right now, may water interuption."
Ano? Bad trip naman.
"May poso sa may likod ng bahay pwede kayo maglaba do'n. Naglalaba si Nichole ngayon puntahan ni'yo na lang, I'll get going na Hon, Jane," pagpapaalam ni Tito.
Humalik muna siya sa pisngi ni Tita bago tuluyang umalis.Pag-alis ni tito, sinabihan ako ni tita na sasamahan niya raw maglaba. Ngunit kita ko naman ma marami pa ang gagawin niya kaya I insisted na ako na lang mag-isang pupunta, katabing bahay lang naman ang pupuntahan ko.
YOU ARE READING
THE UNFINISHED LOVE STORY (On-going)
Teen FictionIsang love story na nagsimula at natapos sa internet. Sa kanilang pagtatapo sa personal, may pag-asa bang masimulan muli ang kwentong matagal nang naisara? Date started : July 14, 2021 Date finished: