CHAPTER 3

8 0 0
                                    

"Okay guys, nandito na tayo!" Anunsiyo ni Tita na halatang excited. Nauna pa itong lumabas ng sasakyan.

Huminto kami sa harap ng isang simpleng two-storey house na napaliligiran ng maraming mga halaman. May maliit na balcony ito sa taas. Habang sa tabi naman nito ay isang ring two-storey house na mas bongga kaysa rito.

Nandito kami sa Bulacan ngayon kasama ang buong pamilya para sa kasal ni Tita.
We're going to stay here for like 5 days. Buti na lang bakasyon na namin kaya hindi ko na kailangang umabsent sa klase.

Nangatog ang binti ko pagkababa ko ng sasakyan. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa ilang oras akong nakaupo sa loob ng sasakyan, o dahil kinakabahan ako dahil sa ilang sandali na lang ay maaari ko nang makita ang taong hindi ko inasahang makikita ko pa.

Sinalubong kami ni Tita Narie at ng isang lalaking sa tingin ko ay asawa niya. May kasama din siyang babae at lalaki na halatang mag-asawa din. Kilala ko sila.

"Welcome to our humble abode balae," salubong ni Tita Narie kina Lola Rosie.

Maya-maya pa'y lumabas na rin si Tito Nathan na may kasamang isa pang babae na sa tingin ko'y kaedaran ko lang. No signs of Nico.

"Buti naman po at ligtas kayong nakarating dito. Kanina pa po namin kayo hinihintay," ani Tito Nathan.

"Naku, nasiraan pa nga kami sa daan mabuti na lang at mekaniko itong isang apo ko kaya't naayos namin agad," pagkwento ni Inay sa kanila. Si kuya ang tinutukoy niyang mekaniko.

"Mabuti naman kung ganon balae. Siyanga pala, ito si Najie ang panganay ko at asawa naman niyang si Charry," pagtukoy ni Tita Narie sa katabi niyang mag-asawa.

"At ito naman ang isa sa mga bunso ko, si Nichole," pagpapakilala niya sa babaeng kasama ni Tito Nathan kanina. Ngumiti lang si Nichole sa amin. She's his twin.

Woah! I can't believe I finally met them in person! Hindi ko talaga inasahan ito, dati sa picture ko lang sila nakikita. Ngayon nakilala ko na ng harap-harapan.

But wait, nasaan si Nico? Why isn't he here?

Isa-isa rin kaming pinakilala ni Tita Glad sa kanila bago kami tuluyang inimbitahan ng pamilya na pumasok sa kanilang bahay. Ayon kay Tito Nathan ang katabing-bahay na nakita namin kanina ay ang magiging bahay nila ni Tita Glad. Ito ang sinasabi niyang ipinatayo niya.

Nang matapat ako sa balcony nila ay nagulat na lang ako nang may isang malamig at malagkit na bagay na bumuhos sa akin mula sa taas. Jusme, kape!

"Owshii! sorry I'm sorry!" Dinig kong sabi ng isang lalaki mula sa balcony. Tinignan ko ito ngunit napayuko din agad ng ma-realize ko kung sino ito.

Ang malas naman!

Itinabing ko ang mahaba kong buhok sa mukha ko upang maitago ito. Hindi pa ako ready'ng makita siya sa ganitong kalagayan.

"Nico!" Saway ni Tito Nathan.

"Sorry po hindi ko po sinasadya natabig ko kasi," aniya.

"Go get a towel and Nichole pakisamahan nga siya sa washroom," utos ni Tita Narie.

"Alright," ani Nico na agad pumasok sa loob upang gawin ang inutos ng ina.

THE UNFINISHED LOVE STORY (On-going)Where stories live. Discover now