"Ladies and gentlemen, let us welcome the newlyweds Mr. and Mrs. Savera!" Lahat ay nagtayuan at nagpalakpakan as soon as magsimula nang maglakad papasok sa reception hall sina tito at tita.
Ang bilis ng mga araw. And obviously ngayon na ang araw ng kasal. Lahat kami ay sobrang busy nitong mga nakaraang araw dahil sa paghahanda sa kasal.
Nakaka-stress but somehow, isa itong blessing in disguise dahil hindi ko masyadong nakakausap o nakakasama si Nico. Mabuti na lang talaga dahil hindi ko alam kung paano ako aakto sa kanya.
But whenever we get the chance na magkasama sa iisang lugar, napapatunayan kong hindi niya talaga ako kilala. But nevermind, hindi na importante iyon.Ang mahalaga close na agad si Lia sa akin kahit ngayon pa lang kami nagkasama. Lagi siyang lumalapit at nakikipaglaro sa akin. Bine-braid niya rin ang buhok ko.
Tita looked so elegant in her wedding dress. Simple lang ito ngunit sadyang magandang magdala si Tita kaya't nagmukha itong prinsesa. Gano'n din si Tito Nathan na gwapong-gwapo sa suot niya.
Isang simpleng garden wedding ang naganap.Pili lamang ang mga bisita. Tanging mga close relatives at close friends lang ang narito. Nagawa lahat nang maayos ang mga gusto nilang dalawa para sa kasal nila. Mula sa mga damit, dekorasyon, lugar, pagkain, kanta at mga importanteng tao sa buhay nila. Everything went as planned. At halatang-halata sa mga mukha nang bagong kasal kung gaano sila kasaya.
It's official, Tita Gladys is now a Savera. Parte na sila ng pamilya nila Nico. Ibig- sabihin niyan, hindi man namin gustuhin magiging konektado pa rin kami ni Nico sa isa't isa dahil kina Tita at Tito Nathan.
Natahimik ang buong reception hall nang magsimula nang magbigay nang mensahe ang mga tao para sa bagong kasal. Naunang nagmensahe ang Mama at Papa ni Tito Nathan na sina Tita Natie at Tito Nelson. Napuno ng tawanan ang paligid nang magkwento si Tito Nelson ng mga pinaggagagawa ni Tito Nathan noong kabataan niya. Akala ko talaga seryosong tao si Tito Nelson pero sobrang palabiro pala.
Naging emotional naman ang paligid nang si Lolo Pat na ang magbibigay ng mensahe.
"First of all, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga dumalo ngayon. Salamat at sinamahan niyo kami sa napakaespesyal na araw na ito sa buhay ng aking nag-iisang prinsesa," huminga ng malalim si Lola Pat at naiiyak na tumingin kay Tita.
"My daughter, hindi ka na lang prinsesa ngayon. You are now a queen to Nathan," he smiled bago humarap ulit sa mga bisita.
"Alam niyo ba, hindi talaga namin inasahan na darating kami sa puntong ito. Akala namin hindi na talaga mag-aasawa si Gladys. Paano ba naman simula nang magdalaga siya, kahit kailan hindi siya nag-entertain ng mga lalaki sa buhay niya. Lahat busted, you know why?" He smiled bitterly. "It's because of me. Natatakot siyang makakilala ng lalaking katulad ko."
Lahat ng mga mata ay nakatutok kay Lolo Pat. Nakikinig sa mga bawat salitang lumalabas sa bibig niya habang unti-unting naglalabasan ang kanyang mga luha. Lola Rosie was holding his hand. Habang si Tita naman ay tahimik na nakayuko at halatang paiyak na rin.
"You see, I am not a perfect father and husband. In fact I'm the worst," tuluyan na siyang naiyak. "I've made my wife cried a lot of times in front of my own daughter."
My Mama said Lolo Pat used to be a cheater. An unfaithful husband. Kabi-kabila ang mga babae niya at ilang beses na silang naghiwalay noon ni Lola Rosie dahil do'n.
"Dahil doon, dahil sa mga ginawa kong 'yon nagkaroon ng takot ang prinsesa ko. She was afraid na magpapasok ng mga lalaki sa buhay niya because she was traumatized with what I did to her mother."
Ang iba sa mga bisita ay nag-iiyakan na rin. Nadadala sa iyak ni Lolo Pat. Ganundin si Tita na inaalo na ngayon ng kanyang asawa.
"But you came into her life," humarap ulit si Lolo kay Tito Nathan. "You made her feel special, minahal mo siya at binura mo ang takot niya. You showed her na hindi lahat ng lalaki ay katulad ko. Thank you son," Lolo tapped his shoulders.
YOU ARE READING
THE UNFINISHED LOVE STORY (On-going)
أدب المراهقينIsang love story na nagsimula at natapos sa internet. Sa kanilang pagtatapo sa personal, may pag-asa bang masimulan muli ang kwentong matagal nang naisara? Date started : July 14, 2021 Date finished: