01

21 0 0
                                    

Dugo na ang labi ko pero tuloy pa rin kami sa pakikipag-barilan sa mga sinugod namin dito sa party sa Palawan, nabigla ako ng nakita ko si Dein sa harap ko na duguan na, agad akong lumapit sakanya para tulungan siyang tumayo ngunit may tao sa harapan ko na alam kong kalaban namin.

"Diyan ka lang, hahanap ako ng tsempo makaalis dito. Bakit naman kasi tatanga tanga ka eh, alam mong alerto yang mga yan" sabi ko kay Dein.

"Tanga ka b- aray, malay ko ba na may nasa likod ak- aysh!!! masakit Aleia" tugon niya habang pilit kong nilalagyan ng alcohol ang kanyang binti para tumigil sa pagdudugo. Oo palagi akong may dalang alcohol sa laban para ready din ako once na mabaril ako HAHAHAHAHA mahirap na diba.

"Tiisin mo Putcha!!! uulaga-ulaga ka eh" tugon ko.

Nakita kong may nakakita saakin kaya narinig ko ang putok ng baril sa harapan ko, agad akong bumawi at pinakawalan ang hawak sa gatilyo at nagpakawala ng bala sa mga nasa harapan ko, naririnig kong bumabaril na din si Bryle at Dein, tanginang tong magjowang to pati sa barilan couple gusto ko na lang din pati sila barilin.

Ng mawalan na ng malay ang mga nasa harapan namin na kanina ay akala mo mapapatay kami sa pagbaril ay sinimulan na naming umalis sa kinaroroonan namin, binilisan at nakayuko kaming tumatakbo dahil baka mamaya ay may mga nasa tabihan lang namin at barilin kami, hinanda ko na din ang baril ko agad ko ng pinakawalan ang hawak ng gatilyo ko dahil baka mamaya ay may kasalubong kaming kalaban.

Unti unti kaming nakarating sa may sasakyan na dala namin, nagdala kami ng HiAce na van pero dito kami sumakay sa kotse na dala ng kuya ko na Honda Civic dahil dadalhin namin si Dein sa Hospital para magamot ang binti niya ng maayos. Nakarating kami ng Hospital ng maayos, matapos linisin at magamot ang sugat ni Dein ay umalis na din kami kaagad para pumunta sa bahay namin dito sa Palawan sa Buena Suerte malapit lang naman sa El Nido iyon kaya mabilis lang ang mga byahe namin.

Uuwi pa kami sa Maynila kaya hinintay na namin ang mga kasamahan namin at ang kuya ko na makauwe dito sa bahay, nang makauwe ang mga kasamahan namin at ang kuya ko dito ay agad agad kaming nagempake dahil baka kami ay masundan ng mga kalaban namin.

"Eiya, wag mo na idrive yung civic hayaan mo na't pagkasyahin natin ang sarili natin sa van ha, bilisan mo na rin" sabi ni kuya.

"Opo kuya,eto na tapos na rin ako sunod na ko" tugon ko.

Hindi ko na nalibot ang tingin ko sa bahay at nagpaalam na kila manang at sinabi ko'y mag iingat sila kung maaari wag silang magbubukas pag may kumatok, umo-o naman si manang na kasambahay namin dito.

Mabilis na pinatakbo ni kuya ang van sa airport at iniwan ito sa parking lot ng airport at agad kaming sumakay ng eroplano dahil sinakto talaga namin na oras na ng flight para makaalis agad, agad naman kaming nakaalis ng airport at nakalipad din agad ang eroplano. Playing Safe ang mga pota. Lumuwag ang paghinga ko dahil alam kong safe na kami. Nasa economy seat kami dahil baka pag nag-business class seat kami ay lalong makilala ang aming mga mukha dahil doon lagi nakapwesto ang mga kalaban.

Natulog muna ako dahil napagod ako at napuyat sa mga walang kwentang kalaban, kumpanya ng magulang namin ang nagpapatakbo sa Mafia na kinabibilangan namin ng kuya ko at ni Dein, Fudjeema ang pangalan ng kumpanya namin na ayon din ang ipinangalan ng aking ama't ina sa Mafia na kinabibilangan ko at ng kuya ko.

Nagising na lang ako ng naka-land na kami sa Naia tumakbo kami ni Dein sa C.R para ako ay magbihis ng formal attire dahil pupunta kami sa kumpanya para makipagmeeting kila mama at papa, mabilis kaming kumilos para humabol sa oras, dahil dapat ay 1:30 andodoon na kami, 1pm pa lang naman at malapit lang dito sa NAIA ang aming kumpanya dahil sa Sucat lang naman iyon, nakarating kami sa Sucat at umakyat na sa Room na pagme-meetingan namin at hinantay si Papa at Mama.

Ace CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon