04

9 0 0
                                    

Bago ako kumuha ng cereal sa ref ay may sulat siya na iniwan.

"I cooked you breakfast make sure to eat it okay? Umalis sila nung maguumaga na mag-iingat ka -Card <3" nakasulat sa isang sticky notes.

Nakita kong may nakahanda ng pagkain para saakin, tiningnan ko kung ano yon. Wow sarap naman lutong ulam talaga sanay ako ng cereal lang sa umaga. May itlog, hotdog, tuyo at fresh na mangga siyempre meron din sinangag. Ang dami naman niluto nito parang ang dami ko kasama kumain eh ako lang naman dito sa bahay ko.

Kumain na ko at naligo dahil papasok ako ngayon, kailangan ko na ulit magtrabaho. Bahala na kung anong mangyare sana naman ay wala diba pagpahingahin naman nila ako sa baril. Nagiging bestfriend ko na yata baril ko eh.

Nagayos lang ako at nagsuot ng Skinny Jeans na High-Waiste at Polo na naka tack-in lang sa harapan yung excess ng polo ko. Tapos ng heels na rin ako na color red at naglagay ng light make up. Naglagay ako ng baril sa Bag ko dalawang maliit na Revolver at isang Pistol ito lang lagi kong dala alangan namang shotgun diba mukha akong tanga non.

Nakarating ako sa parking lot nng matiwasay, umalis ako ng naramdaman kong may nakasunod sakin lumihis ako ng way para matingnan kung sino yon.

Bumaba ako para silipin kunwari ang gulong ko ng may biglang lumapit sakin.

"need help?" sabi niya.

"Hays! I thought you're going to shoot me, kaya lumihis ako ng landas. Ace okay, I'm going to clear some things. Kung tinutulungan mo ko kasi takot kang mamatay ang isang Mafia Boss don't worry okay? Kaya ko. Kung may sniper sila I can manage! You saw me when I shoot your human in the party I am lookin' at you back then but I got him bullseye. So bakit ka nagwoworry? Okay, just to make this explanation short. Leave me okay? Kung ayaw mo na maging Mafia Boss then we'll leave you hindi ka namin guguluhin or papatayin. I can manage huh?" sabi ko sakanya.

"Ayoko lang na bibisitahin kita sa condo mo na nakahandusay kasi may bumaril sayo na may Silencer" sabi niya.

"Don't worry, I'll be alert by o'clocks. Look, Lagi akong alerto sa o'clocks. Alert na ko kapag nakita ko sa periperhal vision ko na may natawa or kaya naman nakatutok sakin baril so don't worry about me. Take care of yourself instead. You need to be alert to. Don't focus on me" sabi ko.

Kasi nakakaalibadbad na may laging nasunod sakin. I always have my guns here so bakit siya magwoworry. Hello baka Headshot queen to ng Fudgeema. Umalis na ko bago pa ko may masabi sakanyang hindi maganda.

Nakarating ako sa company ng walang naririnig na nabaril, umakyat ako kay mama at papa nandoon na sila at nagaalmusal.

"Oh anak, good morning. Did you eat your breakfast na?" Tanong ni mama.

"Yes ma, sa bahay nagluto lang ako saglit maaga naman ako nagising" Sabi ko and then I smiled.

"How's kuya?" Tanong ni Papa.

"He's okay, he's doing better now" sagot ko naman kay papa.

Umalis na rin agad ako para asikasuhin ang mga papel na binigay sakin ni Alleli. Pinuntahan ko na rin ang ibang Sister Company ng Fudgeema at pinapirmahan ang ibang documents na kailangan para sa ipapatayo pang building.

Umattend din ako ng meeting with the client and diniscuss niya rin sakin kung ano ang mga kailangan niya sa company.

It's already 4pm and I am still here sa Company. Matiwasay akong nagtrabaho at walang naririnig ng pagkasa ng gatilyo at pagputok ng baril. Around 5pm nag-out na ko para bisitahin sila sa hideout bumili na rin ako ng pagkain and pinaggrocery ko na rin sila para may makain naman sila na lutong ulam nila hindi puro fastfood at delata.

Ace CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon