09

2 0 0
                                    

"i thought you're dead, i'm worried kanina pa kita hinahanap at tinatawagan! wag mo na ulit gagawin ito pakiusap" sambit niya habang nakayakap sa akin.

"ehem excuse me lang po ha nandito po ako yohoo hehe sige na mauna na ko" sabi ni yze "alalayan mo yan cards medyo pilay pa yan eh sige na babush" dugtong pa niya. Hiwalay na kami sa pagkakayakap at nakatulala pa rin ako habang naglalakad.

"Eiya" tawag nya sakin "hm?" sagot ko "don't you heard what I said?" tanong niya "H-huh ahh ace kasi medyo nakirot kasi yung sugat ko tara na sa room" sagot ko.

"what? are you okay? ihahatid kita sa room and then i'll call a nurse to check your bruises" sabi niya "A-ahh hindi na medyo nakirot lang naman siguro need ko lang ipahinga ito tara na lang sa kwarto hehe" sagot ko.

Nang makarating kami sa kwarto ay nabalot kami ng katahimikan dahil umamin na pala si yze kay trevos and parehas kaming natulala ni ace dahil hindi namin alam ano iaadvice namin sa dalawa.

Sa palagay ko naman eh si trevos ay may nararamdaman rin kay yze hindi lang niya siguro pinapahalata kasi akala siguro niya type ko siya and it's a BIG NO hehe.

"Am, siguro bili na muna kayo ni trevos ng pagkain ace since umaga na rin naman para kapag gising nila lahat dito eh kakain na lang" sambit ko "Oo nga tara boss, pera ko na lang gamitin ko ei jollibee na lang kami may papabili ka?" sagot naman ni ace.

"Am gusto ko sana ng coke float or ice cream vanilla flavor no chocolate drip" paalala ko "call madam" sagot naman ni ace.

Umalis na sila at pinagamit ko na rin ang kotse ni yze dahil medyo hindi pa rin ata nakakarecover ito sa pag amin niya kanina.

"HOY" panggugulat ko "Aysh ano ba naman ei" sagot niya "sa tingin mo wala naman masama sa ginawa ko ano? siguro eh mas gagaan na pakiramdam ko kasi nakaamin na ko" dugtong niya.

"Umamin ka na kay tev?" gulat na tanong ni dein na kakagising lang na nakapagpagising rin sa lahat ng nasa kwarto.

Diyos ko naman Dein kahit kailan talaga paano na ito ngayon mag-oopen up kung gising na lahat lalo na si Bryle aasarin niya yan si Yze at Trevos. Wala talagang preno ito si dein.

"pwede wag mo na isigaw dein angelic? kasi nagising mo na sila eh no, paano kapag nagtanong yan tanga mo talaga" sabi ko "wow umagahan ko yan madam ah" sambit niya na nakapagpatawa samin.

Hindi naman talaga humapdi na ang sugat ko kanina baka umiwas lang ako sa pwedeng mangyare kanina dahil hanggang ngayon iyon ang iniisip ko.

Magaling naman na ang mga sugat ko puro pasa na lang talaga ang mukha ko. Siguro ay sa isang araw pwede na ako lumabas o kaya naman ay bukas dahil buryong buryo na ako dito sa hospital.

Wala pa mang ilang minuto ay dumating na rin si trevos at ace. Inabot nila sa bawat isa ang pagkain nakita kong pasimpleng inabot ni trevos ang pagkain na binili niya kay Krizeyn.

Hay magkakalovelife na ata ang bestfriend ko and I'm rooting for her. Deserve nila ang isa't isa. Inabot na rin sa akin ni ace ang pagkain ko.

"Waah ang dami ng akin" sabi ko "pare parang hindi ito makatarungan ah bakit ang dami ng kay madam" dugtong ni Bryle.

"Gusto mong paglamayan bryle anjilo? mafia boss yan eh alam mong basagan na nga ang buong katawan eh malamang kailangan kumain ng madami ilang araw iyan hindi nakakain ng masarap eh" sagot ni Dein na nagrorolyo ang mata.

kinabukasan ng hapon ay pinalabas na rin ako dahil wala naman na daw kakaiba sa test na ginawa sa akin. Tinanggal na rin ang sinulid sa labi na tinahi sa akin para babalik na lang ako kapag may check-up ako.

Hay salamat nasinagan rin ako ng araw at nakalabas na ulit sa reyalidad. Pinag-leave muna ako ni mama at si Dein muna ang ipinalit sa akin ng ilang araw pa dahil gusto nilang magpahinga muna ako, si kuya rin muna ang nagmamanage ng org.

Mabuti na lang at alam ni Dein ang trabaho ko sa office dahil kung hindi matatambakan ako. Nasa condo lang ako kasama si Ace, siya ang nagluluto sa akin ng pagkain ko dahil alam niyang baldado pa ang isang kamay ko. Sementado pa kasi ito dahil sa bali.

Hapunan na at dito na rin nauwi si Dein, Bryle, Trevos at Yze pati si Ate Sync at Kuya. Pinauwi muna nila ang mga tauhan para magpahinga sa kani kanilang bahay, takot pa kasi sa ngayon ang mga ito dahil baka raw sumugod na naman anytime and deathly.

Nang mag-alas nueve ay biglang may nagdorbell, kumpleto na kami dito sa condo kaya nagtataka kami, pinapasok ko sa kanila ang mga matress sa conference room dahil baka kalaban na naman ito.

Si Nadji, paano kaya nalaman nito na nakalabas na ako.

"Sino?" sabay sabay nilang tanong "Kapatid mo Yze" sagot ko "Ako na magbubukas Sheyn" sambit niya "Pero yze" dugtong ko

"nasa hukay na rin naman ang paa ko sheyn kapag may ginawa si kuya ako naman ang mapapatay niya hindi ikaw" sabi niya "mailigtas man kita sa ganitong paraan, lagi na lang ikaw ang nagiging superhero sa ating dalawa" dugtong pa niya.

Nakatutok ang baril niya habang binubuksan ang pinto "Bakit? Anong kailangan mo Naj?" tanong ni yze "Relax baby nandito ako para ibigay ito kay eiya" nakataas ang kamay niya habang pinapakita ang sobre.

"Pinabibigay ng matalik mong kaibigan, wag kayong mag alala walang sniper na nakaready ako lang mag isa ang nagtungo dito" sabi niya "ibibigay ko lang ito eiya, alis na ako" paalam niya at saka hinawakan ang buhok ng kanyang kapatid.

"Kanino galing madam?" tanong ng mga ito "Kay Patrice" sabi ko.

"Mamamatay ka rin" ito na ang paghaharap namin, hindi pa man ako magaling ay mayroon na akong banta mula sa kanilang dalawa. Frighten na lang ang nag-iisa kong pag-asa para makipagsanib pwersa isa na lang ang baraha ko para mabuhay kami lahat dito.

"Isa na lang baraha ko" sabi ko "Ako ba yan Aleia?" tanong ni ace "Hindi ikaw yan cards" sabi ni kuya.

"Eh sino madam?" sabay sabay na tanong nila bukod kay kuya.

"Si Hades Arcenzo na lang ang baraha ko para mabuhay tayong grupo" sabi ko

Ace CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon