Alumni Homecoming - Chapter One :)

152 5 4
                                    

Hello guys! :) first story ko po 'to, at 14 years old lang ako! HAHA. na-inspire lang po akong gumawa kasi ang ganda talaga ng kantang "Alumni Homecoming" by: Parokya Ni Edgar! fan po nila ako :)

sana magustuhan niyo po

libre naman po ang mag-suggest or mang-echos XD

 ENJOOOOY! :))

-mai

-----

"At bakit ko ba pinabayaan,

mawala ng di inaasahan.

parang nasayang lang,

nawala na, wala nang nagawa"

Ely's POV

Sinuot ko ang bagong polo ko na iniregalo sa akin ni Tita Cecil nung pasko.

katerno ng sapatos kong kakabili ko lang last week, mumurahin lang naman ito

pero matibay.

Hindi naman talaga ako laging pumoporma ng ganito e. Sadyang kinailangan ko lang.

Bakit?

Alumni Homecoming..

Ako si Eleandre Mercado Jr, Ely na lang for short. 26 years old

Sa wakas, after 10 years magkikita kita na uli kaming magkakabarkada nung high school!

Miss na miss ko na yung mga katropa ko. After graduation kasi nagkalayo-layo na kaming lahat eh.

*Cringgg!*

Tinignan ko yung phone ko para malaman kung sino yung natawag sakin.

 Si Rick. Nakuha ko lang yung number niya last week dahil sa tulong ng Facebook..

Dahil nga nagkasundo kaming lahat na magkaroon ng reunion ang batch namin, kinuha na namin ang mga bagong number ng bawat isa

 "Oy pare!" nakangiti kong sinagot yung tawag nya.

 "Baka naman gusto mong lumakad na paalis ng bahay mo at pumunta na dito?"

Ay anak ng oo nga. Kwento kasi ng kwento eh. Makalayas na nga

 "SIge na sir! aalis na po" sabi ko sa kanya

 "Dalian mo! sayang oras." sabi nya tapos binaba na nya.

 Kinuha ko na yung Bag pack ko sa kama ko tapos tumingin ulit sa salamin para

 ayusin muli ang buhok ko.

 Tapos..Gora na! haha

 Pagkatapos ng trenta minutong pagbibyahe mula sa aming bahay, ayun nakarating na rin ako

sa luma naming eskwela.

Wow, Luma na talaga. haha!

Luma na pero maayos. Sobrang ayos! halatang responsable ang nag-organize ng reunion na 'to.

 "Eleandre!!" may tumawag sakin at sobrang pamilyar ang boses niya.

Aba, si Dexter to ah? Speaking of 'nag-organize' Ladies and Gentlemen, si Dexter.

Ang dating SSG (School's Student Government) President ng batch namin.

"Oy.. Dexter! baby boy!" sabay kaming napatawa sa pagtawag ko sa kanya. yun kasi ang pang-asar

kong tawag sa kanya dati dahil laging nakabuntot sa kanya ang nanay niya at ang tawag sa kanya

ay 'Baby boy'

"Asan nanay mo pre?" pabirong tanong ko sa kanya.

"Sa bahay namin. Gusto mo tawagan ko at papuntahin ko dito? Mukhang na-mimiss mo eh" sabi niya

Alumni Homecoming (perslab)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon