Hello mga bebe! gusto ko lang kayong iinform na ang chapter na ito at ang mga susunod pang chapters ay parang flashbacks na hindi XD basta, tungkol na ito sa buhay nila Ely nung high school pa lang sila haha.
Salamat sa mga matyagang nagbabasa kahit mangmang ang gumagawa nito haha lol. nilait ang sarili XD oh well, eto na ang...
CHAPTER FOUR :)
---
"Eleandre! gising na!!" nakasigaw na sabi ni nanay.
"Nay, gising na po. tapos na rin akong maligo."
"Aba'y buti naman! magkakasundo tayo kung ganyan ka palagi. Dito ka ba maghahapunan?" tanong ni nanay
"Opo" sabi ko ng medyo pasigaw
"Wag na. Hindi ako magluluto ngayon, diet kasi ako eh." sabi nya
"Sige ho. penge na lang po ng pera pang-hapunan ko." sabi ko
"Ang gastos gastos mo naman" naiinis niyang sabi sa akin
"Eh nay, ayaw nyo akong pakainin dito eh.." sabi ko.
"Oh eto bente" iniabot nya sa akin ang bente pesos.
"BENTE? eh dalwang tubig lang ang mabibili dito nay eh!" pagrereklamo ko.
"Eh di magtubig ka. Water therapy. maganda yon" sabi ng nanay ko
"langya naman nay oh." sabi ko ng nakasimangot
"ang gastos gastos mo talaga! oh ayan na nga, dagdagan mo!" napangiti naman ako sa sinabi niya.
Ang saya naman, dinagdagan niya ng limang piso. Ang bait bait talaga ng nanay ko.
Sarap ipa-kidnap eh. de joke haha
umalis na ako ng bahay. Sus, wala rin namang patutunguhan ang pakikipag-usap ko sa nanay kong 'yon.
Napakakuripot. Nalimutan na ata nya na anak niya ako.
Pasukan na naman! Buti na lang gumising ako ng maaga kung hindi baka sampung piso lang ang ibinigay sa akin ng nanay ko.
Kakatapos lang ng mahaba't masayang bakasyon namin. Nakasama ko ang mga ka-tropa ko buong summer.
"Eleeeeeey!" may sumigaw ng pangalan ko at syempre nilingon ko naman ito agad.
Si Ralph pala. Aba, maaga kami ngayon ah.
Kadalasan kasi halos dalawang subjects na ang hindi namin napapasukan dahil sa pagiging late naming dalawa.
"Aga ah!" sabi ko
"First day eh." sabi niya.
"same here" sabi ko.
"Bagong gupit si Rick HAHAHA" sabi ni Ralph habang nakahawak sa tiyan na parang kanina pa natatawa
"Anong style?" tanong ko.
"Semi Kals" sagot niya at natawa kami pareho
"Hoy mga baliw, anong tinatawa tawa niyo dyan?" sumingit si Dexter, ang SSG President ngayon.
"Eh si Rick kasi e. nagpa-semi kals" natatawa pa rin si Ralph
"Ang bababaw ng kaligayahan nyo. mabuti pa, alamin niyo na mga sections niyo." pagtataray ni Dex XD
"Sipain kita e." sabi ko kay Dex habang pinupunasan yung maliit na luha ko sa kakatawa.
"Tara na nga." nagyaya na si Ralph at sumama na sa amin si Dexter
Lumapit kami sa may Bulletin board sa may second floor ng school. Malaki ito kaya nagkasya lahat ng pangalan ng studyante ng paaralang ito.
kaya ayun.. pahirapan sa dami ng tao.
after 10 years, ay 10 minutes lang pala.. Nakaharap din kami sa bulletin board,
Section II ako.
"umaygash pare kaklase ko sila Gilbert, Jun at Rick!!" pasigaw na sabi ni Ralph
Ay walangya, kaklase ko si Dex. Pag kaklase mo kasi yun feeling mo kaklase mo rin ang nanay niya eh. as in ganon!
"Umaygash din, kaklase ko si Dex" sabi ko na parang naiinis
"At anong problema doon?" tinanong ako ng nanay ni Dex habang nakapamewang pa.
leshe! andun pala yun? Bigla na lang lumilitaw e.
Kamukha nga pala ng nanay ni Dex si Dora.
negra, maliit, may bangs.. (hindi ako galit kay dora sadyang ganyan ang alam kong itsura niya)
"ah..eh, wala po. masaya nga po ako e. sige po.." nakangiti ako tapos umalis na.
wew, mamaya kung ano pa gawin sakin nun eh.
Nagkita-kita kaming magbabarkada sa may hallway at tumambay saglit dahil maaga naman kaming lahat punmasok kanina.
tapos, nung nagring na yung bell, nagpaalam na kami at dumeretso sa mga classrooms namin.
Pagpasok ko ng classroom ay tinanaw ko agad ang upuan sa may dulo. Gusto ko kasi doon para di masyadong kita ng teacher.
Kapag first week naman hinahayaan lang kaming pumili ng sarili naming upuan eh.
Umupo na ako sa may upuan sa dulo at isinalpak ko na ang earphones ko sa tenga ko. dating gawi.
Ilang minuto at kanta pa ang lumipas, dumating na ang first subject teacher namin.
Wow, late sya ng 30 minutes..
"class, sorry na-late ako ngayon. May emergency kasi sa bahay kanina." sabi ni Ms. Colorada
kilala na namin siya since naging teacher na namin siya nung second year kami.
Filipino teacher siya..
"Okay class, Kumuha kayo ng 1/4 sheet of paper at isulat niyo ang pangalan at seksyon ninyo." sinabi niya tapos yumuko siya na parang may kukuhanin sa baba
Kinuha ko yung papel ko sa bag ko.. sinisipag pa akong mag-aral kasi bago pa lahat ng mga gamit ko :)
Tapos kukuha sana ako ng ballpen kaso naalala kong nahulog nga pala ito kanina sa tricycle. bwiset kasi yung nagmamaneho, napakabilis! natatae yata yun eh.
Bwiset! makahiram na nga lang.
"Pst. pst! may extra ballpen ka?" tanong ko dun sa isa kong katabing matabang lalaki.
"wala e. " sagot niya
"wala kang kwenta" haha joke lang di ko sinabi yon, nasa isip ko lang yon, mamaya jombagin pa ako nun XD
Tapos tumayo ako at kinalabit ko naman yung nasa harap ko. medyo malayo kasi yung pagitan namin
Lumingon siya..
"Uy may extra ballpen ka?" tanong ko
"Meron" sabi niya ng nakangiti.
Sino nga ba 'to? parang ni minsan di ko pa sya nakita.
"t-thanks." iniabot niya sa akin ang gamit nyang ballpen at kumuha na lang siya ng panibago para sa kanya
"Czarina Crisanto" sabi niya tapos inilahad niya yung kamay niya sa akin.
"Eleandre Mercado Jr, Ely na lang para maikli" napangiti na rin ako. tapos kinamayan ko na siya
Hala, ano yon! parang nilagyan ng glue tong kamay ko ah! ayaw nang bumitaw!!!
"Okay ka lang?" natatawa niyang tanong
"Ha? Ah--Ah! oo naman yes haha" tapos inalis ko na yung kamay ko.
Ngumiti na naman siya tapos humarap na uli siya sa black board.
Sarap nyang panooring ngumiti ah..
"Mr. Mercado!" ay tinatawag pala ako.
"Yes ma'am?" sabi ko
"Bakit nakatayo ka?" tanong ni ma'am
"Ewan ko. ah este.. sorry po ma'am!" tapos napakamot ako sa ulo at umupo na
tinawanan ako ng buong klase..
Persday palang pahiya agad
-ITUTULOY-
![](https://img.wattpad.com/cover/3782346-288-k129815.jpg)