lalala! nilalangaw na sya. nakakatamad tuloy ipagpatuloy. XD
jokelangs :)
Pa-plug! Fan niyo daw po sya!! : ange2124
TY!
---
Saturday ngayon at napagpasyahan namin ni Czarina na sa isang computer shop malapit sa kanila na lang kami gumawa ng report.
Hayyy, ang init! sarap maghubad. lels joke lang XD
Nagpatuloy ako sa paglalakad. ang init talaga ngayong araw! feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan naging pawis na e.
Di ako makapag-tricycle kasi nagtitipid ako. May pinagiipunan kasi akong album
Di bale, pag nakaipon at nakabili na ako nun. mag-tataxi ako kahit pa papunta lang ako ng tindahan! haha
Biglang nag vibrate yung phone ko. It means na MAY NAGTEXT :))
'Pre, san ka ngayon? may practice banda ah mamayng 3'
Hala, oo nga pala! nalimutan ko.
Nagreply ako 'baka malate ako. magstart na kayo kahit wala ako'
Sa wakas!! nakarating na rin ako sa pesteng computer shop na 'yan haha. de biro lang :)
Nakita ko si Czarina na nakaupo sa may tapat ng shop. at napansin kong parang sobrang naiinitan na siya doon.
Nilapitan ko siya
"Kanina ka pa?" tanong ko
"45 minutes and 26 seconds ago pa po." kunyaring nagtataray pero hindi naman siya galit
"sorry ha. naglakad lang kasi ako" sabi ko
"kaya pala pawisan ka." tapos inabot niya yung dala niyang panyo..
"Magpunas ka oh" sabi niya ng nakangiti
Nasasanay na yatang tumibok ng sobrang bilis tong puso ko ah..
"Ah, hindi na. wag na, sayang yung panyo mo.. mapapawisan lang" sabi ko na medyo nauutal
"Tss. eh ano?" lumapit siya sa akin at pinunasan ang mukha ko.
Napatunganga lang ako..
Bakit ganon? marami namang nagawa sakin nito ah? Bakit pag siya yung nagawa parang may iba? para bang.. anong tawag doon?
Spark? AW ANG CORNY KO! PAKAMATAY KA NA ELY!!
"ahh..ehh.. th-thanks" nauutal -___-
Pumasok na kami sa comp shop.
Madali lang naman yung naassign sa amin na topic kaya madali at mabilis din naming natapos ang pag-gawa ng report
"Gutom ka na?" tanong nya
"Hindi pa"
"Huweh? eh bakit kanina pa nagrereklamo yang sikmura mo?" natatawa nyang sabi
"Tara kain tayo sa bahay namin. panigurado sa mga oras na 'to wala nang tao dun"
Bahay nila??
Walang tao??
so it means na, KAMING DALWA LANG ANG NANDOON??
"Kung okay lang sayo" sabi ko na medyo nahihiya
"Nagyaya ako diba?" tas hinila niya yung kamay ko..
"Malapit lang dito bahay namin" sabi niya habang hawak pa rin ang kamay ko at habang naglalakad pa
HUWAG MONG HILAHIN YAN!!! BAKA HINDI KA NA BITAWAN NIYAN!! LETSE KANG BABAE KA! BAKIT KA GANYAN?
BAKIT MO AKO GINAGANITO? T___T
Nakarating kami sa di kalayuang bahay.
Wow, ang ganda ng labas ng bahay nila. dalawang floors at parang bagong gawa.
"Bagong gawa?" tanong ko
"Oo. Kakatapos lang nyan last week"
Pumasok kami sa malaking pinto,
Kung sinabi kong maganda yung labas ng bahay nila,
wala pa lang binatbat sa loob! ang ganda ng design.
Dumeretso kami sa kitchen nila. AYOKO NANG MAGSALITA. kahit saan ka tumingin, maganda. di katulad sa amin, makalat na maliit pa. IYAAAAK! XD
"upo ka, nagluto yata si mommy ng lunch dito" sabi niya tapos umupo na ako sa isang upuan sa dining area
Inihain na niya ang MGA ulam at ang kanin tapos umupo na rin siya.
nagdasal kami bago kumain at yun.. kumain na!
"Bakit wala ka pang girlfriend?" tanong nya biglaan at bigla akong nabulunan.
*nabubulunan ako* XD
"uy.. ayos ka lang?" nakangiti sya tas binigyan niya ako ng tubig at ininom ko naman iyon.
Hinimas niya yung likod ko.
Hulaan niyo kung anong nangyari?
Dumura ako ng tubig sa harap niya.
Nakakahiya!
Nakakainis!
Ba't kailangan niyang gawin yon?
After ilang minutes, um-okey na rin ako at nagpatuloy na ako sa pag-kain
"Masama pa lang magtanong sayo ng ganong mga bagay pag kumakain ka" ngumiti siya na parang nang-aasar
Di ako umimik.. kumain lang ako. ANO PANG SASABIHIN KO? NAPAHIYA NA AKO! LETSE!
After kumain at magpahinga ng saglit, nagpaalam na ako sa kanya. hinatid niya ako sa may gate ng bahay nila.
"uy, galit ka ba?"
"Ha? hindi ah" sabi ko
"Hindi pala. eh bakit di ka nagsasalita kanina?"
"eh. ano pang sasabihin ko?"
"Sorry ha." sabi nya na parang naging malungkot
"Hala, wag kang magsorry. wala kang kasalanan" sabi ko
"Eh basta, sorry." malungkot pa din siya.
Ewan ko kung anong sumanib sa akin. Nilagay ko yung kamay ko sa mukha niya tapos pinilit ko ingiti yung mga labi niya.
Ngumiti na siya ng tuluyan.. mas gusto ko yan.
HA?
gusto kong nakikita siya palaging ganyan.
Ahhh....
Gusto ko nga ba ang babaeng 'to?