CHAPTER TWO! :bd
----
Nagsimula nang maglakbay ang mga paa ko papunta kay Czarina.
Napakadaming tao pero parang naglaho silang lahat
at tanging siya lang ang nakikita ng mga mata ko.
Ang ganda pa rin niya...
Pero ang gara masyado ng suot niya. Palibahasa mayaman eh
Nang makarating ako sa kanya ay biglang nanigas ang buong katawan ko.
Haaaaaaaaaaay! bakit ganyan kayo makisama kaaaaayoooo
"nananawagan po kami kay Eleandre Mercado Jr!" May nagsalita sa mic na pamilyar ang boses.
Si Gilbert? bakit nasa stage silang lima?
nang makita na nila kung saan ako nakapwesto,
"Ely! Pwede ka bang maistorbo?" sabi ni Ralph ng nakangiti
"Ikaw na naman ang kulang" sabi naman ni Dexter.
Wala naman akong nasabi sa gulat ko,
Tumakbo na lang ako papunta sa stage.
Parang ready na ready tong mga to.
Pag-akyat ko sa stage may nakita akong Drums, tatlong gitara at isang mic.
Ay grabe nalimutan kong tutugtog nga pala kami!
"I'm Eleandre Mercado Jr."
"Ralph Montenegro"
"Dexter Floro"
"GIlbert Magat"
"Rick Densio"
"Jun Veneran"
"and we're the BIGOTILYO!"
nagstart nang tumugtog sila Ralph, Dexter at Rick ng gitara.
Tapos sumabay na sa beat at nag-drums na si Gilbert
"Napatunganga nung bigla kitang nakita
Pagkalipas ng mahabang panahon.." kumanta na ako.
Paborito naming kanta ito dati, Alumni Homecoming By Parokya Ni Edgar.
"Highschool pa tayo nung una kang nakilala
At tandang tanda ko pa
Noon pa ma'y sobrang lupit mo na.."
Saktong sakto ang lyrics sa sitwasyon ko ngayon.
Parang may bigla akong naalala
at parang may hinahanap ang mga mata ko sa crowd na nasa harap namin.
Nasan siya?
....
Makalipas ang ilan pang mga kanta, natapos na rin kami. nakakapagod din kasi.
"Woohoo! na-miss ko yon!" pasigaw na sabi ni Jun
"Tagal ko nang di nagagawa yun eh." sabi naman ni dex
"Ay, pare. Sorry ha? Bigla na lang kasi kaming tinawag agad ni Enchong sa stage." Sabi sa akin ni Rick.
"Sige na! puntahan mo na ulit!" sabi ni Ralph
"Ah, wag na. umuwi na yata yun eh" sabi ko na parang malungkot na ewan
"Ay sayang naman.." sabi ni Gilbert.
"hayaan niyo na tol." sabi ko na may pekeng ngiti
Sayang talaga.
akala ko pa naman eto na yun.
Akala ko masasabi ko na
Badtrip kasi eh, hindi ko nagawang sabihin to sa kanya dati.
Nagpabaya.. este nagpaubaya
"Ely! Ely! Ely!" tawag ni Rick.
"yo?" sabi ko
"Kunin mo kaya ang number ni Czarina kay Dexter?" sabi ni Rick
"Ha? Bakit? Bakit pa?" pagtatanong ko.
"susuko ka na naman ba ulit?" Sumingit bigla si Gilbert
"Di naman ako sumuko eh. Nahirapan lang akong sabihin sa kanya.."
"Gusto mo pa ba siya?" tanong naman ni Ralph
"Syempre! Oo naman!"
"Aba! Yun naman pala eh. Napaka-arte neto. Dex, ibigay mo na nga yung number ni Czarina dito. Bago ko pa mabatukan to." sabi ni Gilbert
Kinuha ni Dexter ang cellphone niya mula sa bulsa ng pantalon niya.
"Oh heto.." Itinapat ni Dex ang phone nya sa mukha ko.
Kinuha ko naman ang phone niya. Sinave ko ang number ni Czarina sa sarili kong phone.
"Anong gagawin ko?" tanong ko
"Ngatngatin mo yung cellphone mo hanggang sa magkausap kayo ni czarina." sabi ni Gilbert na parang naaasar na sakin.
"Pare, wala na. Hindi na kami magkikita nun. Baka nga bumalik na yun sa New York eh" sabi ko na parang nangangatwiran
"Hindi yan! Pare ano ba? Mananahimik ka na lang ba dyan? Hindi ba nangangati yang dila mo sa sobrang inip?" tanong ni Jun
Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin kaso, parang may nahadlang palagi.
sa tuwing babalakin kong magsalita at magtapat, laging merong 'WAIT' at 'SAGLIT' at 'HEP'
Bakit ba kasi ganon?
hindi ba pwedeng may magsabi na lang para sayo? para iba ang nahihirapan pero ikaw ang makikinabang?
ang hirap kasi eh!
-ITUTULOY-
HELLO! :) anong masasabi nyo so far? Waley ba? XD
-mai
![](https://img.wattpad.com/cover/3782346-288-k129815.jpg)