Pasensya na kung halatang minadali ang chapter na ito XD
Here's
CHAPTER SIX!! :p
---
Ely's POV
Lunchbreak na pero parang di pa handang tumanggap ng pagkain yung tyan ko..
Weird nga e. usually wala pa ngang break gutom na gutom na ako.
Napagpasyahan ko na lang na magpunta ng Clinic.
naglakad na ako papuntang clinic. halos walang tao sa hallway dahil nga lunchbreak.
nang makarating ako sa clinic, binuksan ko na yung pinto..
"Ate Casey?" yun ang pangalan ng maganda naming nurse.
bago lang siya dito, one year pa lang siya, nagstart siyang magwork noong 3rd year ako.
Naaalala ko pa nga dati e, nagsasakitsakitan ako para dalhin ako dito sa clinic
crush ko kasi dati si Ate Casey..
"Oh, Ely! kamusta na?" tanong niya
"eto, miss ka na" tapos natawa lang siya sa sinabi ko
"ano naman ngayon ang sakit mo?" sabi niya ng nakangiti
"ewan ko rin po e. paki-check naman yung puso ko. tingin ko kasi beyond normal na ang pagtibok nya.." sabi ko tapos humiga na ako sa may maliit na kama kahit di pa niya sinasabi XD
"may masakit ba sa'yo?" tanong niya
"wala po."
"nahihirapan ka bang huminga?"
"hindi po"
"sabihin mo nga sa'kin, anong nag-cause ng pagtibok nito ng mabilis"
"Magandang Ngiti.."
tapos pagkasabi ko nun, tumawa si ate casey ng malakas,
bwiset to ah.. tinatawanan ang sakit ko. baka multuhin ko siya pag ikinamatay ko 'to
Tapos mga ilang segundo pa ng malakas na tawa, huminga siya ng malalim at sinabi "Binata ka na ely."
"Hah? matagal na po. grade 5 pa lang po ako, nagpatuli na 'ko" pagkasabi ko nun tumawa na naman siya..
ay badtrip
"huy ate! ano bang sakit ko?" tanong ko
"wala.(tawa) wala,(tawa) wala kang sakit (insert mahabang malakas na tawa here)"
"Eh ba't ka ba tumatawa? nakakaloko ka naman ate e." sabi ko na parang naiinis na
"eto naman, masyadong seryoso. teka, e sino ba yung ngumiti ng maganda kaya bumilis yang tibok ng puso mo?"
"Si czarina po. kaklase ko" sabi ko
"Nag-react lang yang puso mo ng ganyan dahil nagustuhan mo yung nakita mo.." sabi niya
"Oo nga po."
"oh, e anong problema mo?"
"normal ba 'yon?"
"normal para sa mga umiibig" tapos ngumiti siya na parang nang-aasar
"umiibig? asa!" sabi ko.
totoo naman e, never ko pang naranasan yun.
wala akong panahon dun at sabi ng marami, masakit daw ang umibig.
ayoko namang saktan ang sarili ko 'no!
"Bahala ka ely, pero yun lang muna ang masasabi ko sa'yo.." sabi ni ate tapos umupo siya sa upuan sa harap ng table
"Sige ate, salamat." pagkasabi ko nun lumabas na ako ng clinic
How nice, tapos na lunch break. Kung kelan naman nagugutom na 'ko =__=
Pumasok na ako ng classroom namin at umupo sa upuan ko..
Biglang lumapit si Dexter
"tol, ano yung kanina, ha?" tanong niya habang nakangiti ng masama
"Ang alin?"
"yung kanina!" sagot niya
"Ang alin nga? leshe!" sabi ko na parang naiinis na naiinip
"sabay kayong pumasok ni Czarina"
"Oh, eh ano naman?"
"Baka naman may namamagitan na sa inyo ha?" sabi niya ng malakas
"huy! hinaan mo nga yang boses mo. umalis ka nga dito! pumunta ka na sa negra mong ina!" sabi ko ng mahina
"heh! ano nga kasi? pare naman parang di magkaibigan e" sabi niya
"W-A-L-A! wala! ano, ayos na?" napalakas yung sabi ko tapos biglang pumasok na sa classroom si czarina
Bigla na lang akong napaayos ng upo at biglang hindi ako mapakali.
Tumawa si Dexter.
"Paki-ulit yung sagot mo?" sabi niya tapos umalis na siya
Dumating na rin yung next teacher namin.
"Okay class, reporting tayo ng first semi. By pair. i will be assigning your own partner for you. Draw lots"
Madami nang natawag, ako hindi pa.
tapos biglang tinawag si Czarina. ewan ko ba pero parang may parte sa utak ko na nagsasabing "sana ako, sana ako, sana ako"
Pagkasabi nya ng pangalan ni Czarina, bumunot na uli siya ng papel..
bubuksan na sana niya kaso bigla siyang bumahing ng malakas. as in malakas talaga! tapos tumapon lahat yung mga maliliit na papel na nasa loob ng container.
Pinulot niya, may mga tumulong sa kanyang pumulot at bumunot na lang siya ng panibagong papel...
"Mr. Mercado"
Ano daw?
"Ms. Crisanto and Mr. Mercado pair number 12" tapos sinulat na nung secretary namin sa notebook niya
Lumingon si czarina sa akin at ngumiti.
AY ano ba! bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
ikamamatay ko na talaga 'to
Pagkatapos mag-assign ni Ma'am Hermosa, in-assign na rin niya ang topics na ididiscuss ng bawat pairs
"The reporting will start next meeting.. Bale, next week"
"You may talk to your partners now" tapos umalis na si ma'am
Ayos.. Ay bakit? Ha? Ano? Aghhhhhh
-ITUTULOY-