Alam ko namang normal sa isang tao ang magbago.
Magbago ng itsura at pagkilos
Pero bakit parang hindi matanggap ng utak ko na isa si czarina sa mga taong nagbabago?
Half day lang naman ang trabaho ko
Nag-ayos na ako ng gamit at lumabas na ng staff room
Lumabas na rin ako ng resort.
Nakita ko si czarina na mag-isa sa parking lot.
Hindi ko alam kung bakit pero nagdesisyon akong lapitan siya -__- bat ba lagi ko siyang nakikita ngayong araw?
"Cz.." tatawagin ko na sana siya kaso lumapit sakanya si Sir Dan, yung isa sa may-ari ng resort.at hinalikan siya sa cheeks
ay bastos na araw to makalayas na nga
Umalis na ako.
Siguro yun yung fiance niya
Gwapo, macho, matangkad
parang ako lang. dejoke xD lolol
Nakauwi na ako ng bahay at wala si nanay. Bat kaya? asan kaya yun?
Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.
Tumunog yung cellphone ko
*Ralph calling*
Ako: hello?
Ralph: tol, sama ka samin?
Ako: saan?
Ralph: Magpapaparty daw nanay ni Dex.May special announcement daw
Ako: O sige kelan ba yan?
R: Sabado ng 7 pm sunduin kita dyan sa bahay niyo.
Ako: osige sige salamat. ge
Tapos binaba ko na yung phone
Ano naman kaya special announcement ng nanay ni Dexter?
*KINABUKASAN*
"Nay, alis na ko" sigaw ko habang palabas ng bahay
"Sige. Yung mga pinapabili ko ha!!" mas malakas yung sigaw niya
Di man lang ako binigyan ng pera pambili nung pinapabili niya. Pasalamat siya mahal ko siya eh aweeee xD
Another 20 mins ang byahe at nakarating na ako sa resort.
Sinalubong na naman ako ni faye ng cute niyang ngiti.
"Kamusta so far?" tanong niya
"Okay naman. hindi naman siya ganoong kahirap"
"Good. ibig sabihin tatagal ka pa dito." tapos ngumiti nalang din ako
"Ely, punta ka ulit sa 25th floor sa conference room, dalhin mo tong snacks" sabi nung supervisor namen
"Okay ho."dali dali kong kinuha yung snacks at nilagay sa parang cart at dumeretso sa elevator
Tapos nilagay ko yung snacks nila sa harap nila isa isa
Napansin kong wala si czarina pero nandito yung lalaking humalik sakanya kahapon. si sir Dan
Narinig kong bumulong yung katabi niyang medyo may katandaan
"Dan, where's czarina?"
"Dad, she's on her way na raw" sabi ni sir Dan na parang may inis
"Napapadalas yang pagkalate ni czarina. Ano bang nangyayari dyan sa babaeng yan" tanong ng tatay nya
"Sorry dad. Hindi ko rin alam. I'll talk to her later"
Hm. Ano kayang meron kay czarina?
pagkabigay ko ng snacks nila, lumabas na ako ng conference room at nakasalubong ko si czarina
Ang ganda niya ngayon. well parati naman.
Pero parang hindi siya masaya at pagod na pagod siya.
Nagmamadali siyang pumasok sa conference room kaya siguro hindi niya ako napansin,
Or hindi niya lang talaga ako pinansin? -_-
Ayun lumipas na naman ang ilang oras at uwian na naman para sakin.
Muntik ko nang makalimutan yung mga pinapabili sakin ni nanay
nagpunta ako sa supermarket. Medyo malapit rin pala to sa resort. Pero amp mauubusan pa ata ako ng pera, di pa ko nakakasweldo -__-
Kumuha ako ng cart at nagsimulang kuhanin yung mga pinapabili ni nanay para sa maliit naming tindahan.
Bago ako magbayad tinantsa ko muna yung presyo ng pinamili ko at nilabas ko yung wallet ko.
Halaaa kulang ng dalawang daan!!
napahilot ako sa ulo ko ng ilang beses.
"Hey" may tumawag saking lalaki
"Oh sir" si sir dan. yung fiance ni czarina. bat andito siya?
"Diba isa ka sa mga employee sa resort?"
"Opo sir"
"Just call me Dan outside. you are?"
"Ely, Ely Mercado"
"Napansin ko kasing namomroblema ka."
"Ahh. kulang ho kasi yung pera ko pambayad sa pamili."
Nakakahiya man pero sinabi ko na rin. Malay mo tulungan ako neto huehue
"I'll just pay for it."
ohhhhhhh told ya so!! :))))
tapos naglakad kami
"Ano ho palang ginagawa niyo dito?"
"namimili para sa sarili ko"
Astig.
"So, ely. bago ka lang sa resort diba? And I know that mababa lang ang kita kapag baguhan"
"Opo."
"Hindi na ko magppaliguyligoy pa, do you want another job?"
"Po? ano pong trabaho?
"Driver slash bodyguard. I promise you na hindi mo pagsisisihan kapag pumayag ka"
"Hindi naman po ako makakatanggi sir!"
"good. starting tomorrow, you'll drive for czarina to work and pauwi"
"Si ma'am czarina po?"
"Oo. I also want you to keep an eye on her. I'll give you this phone, use this to contact me,"
"Yes sir!"
"Siya nga pala yung sweldo mo bukas na natin pag-usapan, agahan mo pagpasok. I'm gonna be late for another meeting." tapos nagpaalam na kami at umalis na siya
mabait naman pala tong si sir dan..
-ITUTULOY-