Chapter 09 - Seven
[Anak, when will you come home? We miss you na...] Mom said over the phone. She pouted while we were on video call.
"Soon, Mom. I just need to finish everything here, then uuwi na ako." Sabi ko at sumimsim ng kape.
It's been seven years since Dad died. Si Mom ang nagtake over ng kumpanya namin. Nagaaral nang mabuti si Dianne dahil siya na niyan ang magma-manage ng kumpanya namin, along with my mother.
[Ate, come home na! Miss ka na namin ni Ate Ruth!]
I chuckled and took a bite on my bread. "Weh? Miss mo 'ko?"
[Oo naman!] She smiled widely.
"Pasalubong lang yata ang habol mo, e."
Ngayon lang kami ulit nakapag-call nila Mom. My schedule was so hectic, I had no time to communicate with my family. Siguro ay twice a month lang kami nagvi-video call.
I have lived alone here for the past six years. I owned an apartment that was already decent na dahil mag-isa lang naman ako. The space was already enough for me. Tsaka, maganda rin naman ang buhay ko rito dahil financially stable naman ako... kahit minsan ay malungkot dahil palagi akong mag-isa.
I'm planning to go home soon when I finish saving money. I cannot wait! Miss na miss ko na ang pamilya ko.
"Masyado mong pinapagod ang sarili mo! Masyado kang masipag, magpakasaya ka naman!" sermon sa 'kin ni Carla, isa sa mga co-workers ko. Siya rin 'yong blockmate ko no'ng college. Sama-sama kaming nag-trabaho rito sa States.
"Wala akong panahon sa gan-"
"Ay tumigil ka! Puro ka work, work, work! Gumalaw-galaw ka naman, sis! Go, go, go!" Pagpuputol ni Vielle sa sinabi ko.
"Tama!" pag-agree ni Carla at nakipag-apir kay Vielle. "Aalis tayo mamaya, ha!"
I sighed, I couldn't do anything but to agree. Besides, tama rin naman sila. Baka magkasakit na ako sa buto dahil palagi akong naka-upo't nakaharap sa laptop.
"'Eto, suotin mo! Bagay sa 'yo, promise!" Inabot sa 'kin ni Vielle iyong beige dress at white bow na para sa buhok.
Ever since nangyari ang mga nangyari sa 'kin, nawalan na ako ng gana na mag-ayos o kung ano man. Kukuhanin ko lang ang kung anong makuha ko sa closet ko at 'yun na 'yon.
Habang namimili sila ng susuotin nilang damit para mamaya, ako naman ay nakaupo sa flooring at nagce-cellphone. Wala naman akong ibang magawa.
"O to the M to the G!"
Halos atakihin na ako sa puso nang sumigaw si Carla. Tumingin ako sa kanila at nakitang hawak-hawak nila iyong lumang photo album ko.
"Ano 'to, sis?! Akala ko ba moved on ka na!" gulat na tanong ni Vielle at tinuro 'yong photo album.
Agad akong napatayo at inagaw iyon mula kay Carla. "A-Akala ko natapon ko!" depensa ko
"Wow, ha? Nakalagay pa nga sa cover 'Solace'! Ano 'yan?! Ano 'yon?" tanong niya kay Vielle.
"Tanga, hindi ko rin alam! Ang alam ko lang, 'yung sa sapatos." Vielle glared at her.
Kumunot ang noo ko. Huh? "Boba, shoelace 'yon!" Ngumiwi ako at binalik 'yong photo album sa closet ko.
"Ay..." Parehas nilang bulong at natawa dahil sa katangahan.
Pero hindi totoo 'yon. Ayaw kong itapon 'yung mga natitirang memories namin! My father said that the ones I value the most are my memories, kaya hindi ko tinatapon ang kahit na anong pagmamay-ari ko na binigay niya.
BINABASA MO ANG
Until the Last Memory's Afterglow
Short StoryUntil Again Duology #2 You always have that one memory that comes to mind, the one that you know you'll never forget... and that is the most vivid memory. But, there is also this one memory that you forget, but can recall from time to time. But our...