CHAPTER 11:

160 13 0
                                    

KIAHNNA'S POV:

Nagising ako dahil pakiramdam ko'y may nakatingin sakin, at 'di nga ako nagkamali pagka't nakita ko si Trave na nakatingin sakin. Dahan-dahan akong bumangon, tinanggal ang kumot na nakakumot sakin

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay "Anong ginagawa mo rito" tanong ko saka nag iwas ng tingin

"Waking you up i guess" simpleng sagot nito

Umalis ako sa kama at walang sabing natungo sa banyo para gawin ang morning routine ko, nag ipit muna ako bago naghilamos para hindi mabasa 'yung buhok ko, pagkatapos kong mag hilamos ay nag sipilyo ako saka Kinuha ang face towel ko at nagpunas ng basang mukha

Habang nagpupunas ako ng mukha ay naglalakad ako papalabas ng banyo. Napahinto lang ako sa paglalakad ng may tumayo sa harap ko at kinuha ang face towel, ito na ang siyang nagpunas sakin

"Is this your morning routine??" tumango lang ako habang pinupunasan parin niya ang mukha ko

"That's enough, Trave" ani ko saka kinuha ang face towel "Anong oras na??" tanong ko

Kinuha nito ang kaniyang cellphone upang tignan ang oras "6:00 am" simpleng sagot nito

"Ano ang ginagawa mo rito ng ganitong kaaga??" tanong ko sa umupo sa kama, kinuha ni Trave ang upuan sa study table ko at saka naupo sa harapan– magkapantay na kami

"Ginigising ka, because kailangan" naitagilid ko ng kaunti ang aking ulo pagkat conyo ang pagkakasabi niya

"Ayos ka lang?? Ang weird mo ngayon" nangunot naman ang noo nito

"And why??"

"Ang conyo nung sinabi mo" ani ko, tumango ito ng isang beses bago tumayo

"Go, take a bath, i'll wait you outside" ani nito saka lumabas ng kwarto ko

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko sa kama saka naligo na, nagsuot ako ng white long-sleeve, nag jeans ako at nag ankle boots, ni-tack in ko ang white long-sleeve saka nag leather jacket na black

Sinukbit ko na ang bag ko sa isang balikat ko, kinuha ko ang gitara ko, ang cellphone ko, at saka earphone ko bago lumabas ng kwarto ko. Naabutan ko si Alexis sa sala na nag ce-cellphone

"Hey, Alexis" tawag ko rito na agad namang lumingon sakin "Papasok ka diba??" tumango ito "Bakit hindi ka pa gumayak?? baka ma-late ka niyan, gumayak ka na" saad ko bago nilapag ang lahat ng bitbit ko sa sofa

Sumunod naman kaagad si Alexis. Nagtungo naman ako sa kusina, nagtimpla ng milo saka naupo sa dinng chair, wala akong balak na kumain

'Arghh katamad'

Mga ilang minuto ang nakalipas ng bumaba si Alexis, nakagayak na ito at halos parehas kami ng outfit dahil naka jeans din ito at naka long-sleeve 'yun nga lang ay crop-top' yung sa kaniya

"Ayos ba??" tanong nito na ang tinutukoy ay ang kaniyang suot, tumango lang ako saka binit-bit na ang mga gamit

Ganon din ang ginawa ni Alexis, lumabas na kami sa dorm namin. Wala kaming pasok pero si Alexis meron, ang tanging walang pasok ay ang mga kasali sa competition naming G.H.M

Mag a-anounce lang kami ngayong araw para sa first round ng competition, at mag practice lang sila sa bawat catergory kung saan sila nakasali

Lumiko si Alexis habang ako naman ay daretso lang sa gym dahil baka andon na 'yung mga member at mga contestants.

Pagbukas ko ng gym ay bumungad sakin ang mga members na nakaupo sa sahig ng gym habang nag I-stretch, bigla akong napahawak sa leeg ko dahil may malamig akong naramdaman doon

PAIN IN MUSIC (Book 2)Where stories live. Discover now