CHAPTER 04:

251 19 3
                                    

ALEXIS'S POV:

🎵(2 weeks after!!)🎵

Nag impake na ako para sa bukas na byahe namin pabalik ng M.A. Excited ako, sa totoo lang hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako sa sobrang excited kong bumalik sa M.A

'Sana ganon din si Ate'

Inilagay ko ang maleta ko sa gilid ng aking kama kasama ng gitara ko bago lumabas at magtungo sa kuwarto ni Ate

"Ate, tapos ka ng mag impake??" Tanong ko kaagad ng makapasok ako sa kaniyang silid

"Hmm" simpleng sagot ni Ate sakin saka sinara ang lalagyanan ng kaniyang gitara bago ito itinayo sa harap ng bed side table katabi ng maleta niya, humarap siya sakin at napansin kong parang lumiit siya

Tumabi ako kay Ate saka sinukat ang height namin....... Ako pala 'yung tumangkad hahahaha kala ko lumiit si Ate hanggang leeg na niya kasi ako, dati dibdib lang ngayon leeg na

"Agahan mo gising bukas" paalala sakin ni Ate, umupo naman ako sa kama niya

"Ate, against ka pa rin ba sa relasyon namin ni Lexious??" Tanong ko at naka crossed arm itong tumingin sakin

"Lexious?? Ayy wala ng kuya" ani Ate kaya napabugtong hininga na lang ako "I-legal n'yu muna ang relasyon n'yu bago ka magtanong sakin" masungit na saad ni Ate

"Meron ka ba ngayon, Ate?? Ang sungit mo eh" pagpansin ko dahil ang sungit-sungit niya

"Oh ano naman pake mo kung meron ako??" Mataray pang tanong sakin ni Ate "May magagawa ba ang sagot ko sayo??" Umiling ako sa tanong niya sakin

"Wala naman pala eh, tumahimik ka na lang" oh diba ang sungit, arghh. Kakaiba 'yung sungit niya pag meron siya hmmp

"D'yan ka na nga!! Ang sungit mo" asik ko saka mag matsa palabas ng kuwarto niya

"Hoy!! Mas malala ka pa sakin" rinig ko pang giit ni Ate

'Mas malala nga ba ako??'

Pagkarating ko sa kuwarto ko ay naglinis na ako ng aking katawan bago sumampa sa aking kama para maghanda ng matulog pero lumipas ang ilang oras ay hindi ako dalawin ng antok

Kailangan kong magising ng maaga kinabukasan lalo pa't mainit ang ulo ni Ate, paniguradong masisigawan na naman ako noon pag hindi ako maagang nagising, paktay!! Lagot talaga!!

Pinilit kong makatulog kahit walang dalaw na antok sa akin dahil kailangang matulog kung ayaw masigaw ni Ate Kinabukasan
.

.
*K-I-N-A-B-U-K-A-S-A-N*

Saktong alas kuwatro ako nagising pero antok ako dahil ang pagkakatanda ko sa oras kagabi ay 1:30 am na ako nakatulog kaya ibig sabihin na tatlo't kalahating oras lang ang tulog ko

'P*steng excitement kasi 'yan eh, hindi ako pinatulog arghhh!!'

*TOK...!!*

*TOK....!!*

*TOK.....!!*

Sunod-sunod na malalakas na katok ang nanggaling sa pintuan ko "Alexis, gising ka na??" Tanong ni Ate mula sa labas ng kuwarto ko

"Oo naman" sagot ko

"Buti naman. Kumilos ka na para hindi tayo gahulin" nakarinig ako ng yapak papalayo. Agad akong nagtungo sa banyo para nga maligo na dahil ayoko talaga masermunan ni ate dahil kakaiba ang sermun niya pag meron siya, hayyst

PAIN IN MUSIC (Book 2)Where stories live. Discover now